Ma, Pa

35 4 12
                                    

Mama at papa. Ang saya-saya ko ngaong araw na nakasama ko kayo maglaro dito sa park. Kahit madapa man ako,umiyak man, nandyan kayo para alalayan at magpangiti sa akin. Mama Papa di ko kakalimutan tong araw na ito. Kahit kapos sa pera, basta't sama sama tayo MASAYA ANG PANILYAAAA!!

Mama at Papa congrats dahil mataas na ang sweldo niyo at napromote kayo sa trabaho. Sabi niyo sa akin bibilhan niyo ako ng maraming maraming laruan tapos lagi na tayong maglalaro. iintayin ko yan ah.

Ma, Pa birthday ko! Madami na akong laruan pero di ko kayo nakakasama. Alam ko busy na kayo dahil sa trabaho, lagi niyo sinasabi para sa akin din naman yang ginagawa niyo Pero ma pa, ang birthday wish ko lang naman bumalik sa dati ang saya ko na kasama kayo.

Ma Pa graduation ko na bukas!!! sabi ni teacher ang galing ko daw sa lahat ng subjects kaya ako daw yung valedictorian!! Ma Pa aasahan ko kayo dun bukas ahh kahit alam kong di naman talaga kayo pupunta....

Ma, Pa lagi kayong ganyan di niyo ako iniintindi. Anak niyo pa ba ako? May kwenta pa ba ako sa buhay niyo? Ma, Pa para sa akin pa ba yang ginagawa niyo? Ma Pa, pansinin niyo naman ako....

-------------------------

"ANONG NAGYAYARI SAYO ANAK?! ANONG GRADES TO?! TAS UMIINOM KA NG ALAK AT NAGSISIGARILYO KA PA? TINURUAN KA BA NAMIN NIYAN? PINALAKI KA NAMIN NG MAAYOS TAS ITO IBABALIK MO SA AMIN? ANONG KLASE KANG ANAK?" – sagot ko lamang diyan, kasama niyo ba ako sa paglaki ko? Nasan kayo nung kailangan ko kayo? Nasan kayo nung di ko alam gagawin ko? Isa lang naman akong walang kwentang anak diba?

Ma, Pa tutal lagi niyo naman akong iniiwan. Aalis nalang ako. Wala naman akong kwentang anak eh. Mamimiss ko kayo. Ma, Pa... Paalam

_________________________________

Don't forget to like and comment

LUVLOTTSSSS OwO

Mama at PapaWhere stories live. Discover now