Kabanata 15

4.1K 228 18
                                    

Mabigat sa aking dibdib ang nangyari kay lola carlita. Maging si elena ay tahimik din habang naglalakad kami pauwi. Kahit malaki na ang chance na mabubuksan na namin ang libre ay sobrang nakakapanghina pa din. Hindi madaling kalungkatin ang nakaraan kung ang kapalit naman nito ay isang buhay.

"Sarap..." malaswang sabi ng tatlong lalaking umiinom ng softdrinks sa may nadaanan naming tindahan.

Pareho kaming kinilabutan ni elena dahil dito. "Wag mong lilingonin, mga manyak ang mga iyan" bulong sa akin nito.

Kaya naman pinilit kong wag lingonin ang kinalalagyan ng mga iyon. Kahit pa medyo nakalayo na kami sa kanila ay ramdam pa din namin ang pagkailang.

"Napakamanyak talaga" inis na bulong ni elena ng siya na ang pasimpleng lumingon sa mga lalaking iyon.

Mas lalong na lamang naming binilisan ang paglakad. Hanggang sa makarating kami sa bahay ay mabilis din niyang isinara at nilock ang pintuan.

"Iba na talaga ang panahon ngayon, dapat double ingat na din tayo. Tayong dalawa lang naman" paliwanag niya sa akin.

Pagkaupo namin sa may sala ay dali dali niyang kinuha ang libro ni ginoong joselito at ang hair clip ni celestina.

"Paano ba ito?" Pamomorblema namin dahil hindi namin alam kung paano ang tamang pagbubukas nuon.

Nang makuha na namin ni elena ang tamang pagpasok ng susi ay parehong nagliwanag ang aming mga mukha ng mabuksan na namin ang librong iyon.

Luma na ang papel, malutong na din iyon na para bang konting hila mo lamang ay mapupunit na siya.

"Para sa ala ala nang aking pinakamamahal na kapatid na si Celestina Agoncillo at sa kanyang iniirog na si Ginoong Antonio Vicente buenaventura" pagbasa ko sa nakasulat sa unang pahina.

"Ito ang kanilang kwento..." pagpapatuloy ko pa bago ko inilipat ang pahina ng libro.

"Tao po!"

Napaiktad kami pareho ni elena ng may kumatok sa may pintuan. Mabilis naming isinara at itinago ang libro.

"Istorbo" inis na sambit namin pareho.

Si elena na ang tumakbo para buksan ang pinto. "Lestine" tawag nito sa akin ng makita na niya kung sino ang aming hindi inaasahang bisita.

Lumapit ako sa kanya para tingnan kung sino iyon. "Ate agatha anong ginagawa mo dito?" Tanong ko dito.

Bagsak ang balikat nito, halatang kakagaling lamang din nito sa pagiyak.

"Lestine..." umiiyak na tawag niya sa akin sabay yakap.

Dahil sa hindi inaasahang pagyakap nito sa akin ay nabato ako. Pero gustong gusto ko na talaga siyang itulak palayo sa akin.

"Si Rafael...wala na si rafael" umiiyak na sabi niya sa akim kaya naman halos lumutang ako sa era dahil sa hindi ko mapaliwanag na nararamdaman.

"Wala na siya..." umiiyak pa ding pagpapatuloy niya.

Maya maya lamang ay humiwalay na siya sa akin. "Anong nangyari?" Wala sa sariling tanong ko sa kanya.

"Nabangga siya" sagot niya sa akin.

Wala sa sarili akong naglakad pabalik sa may sala at parang lantang gulay na umupo sa may sofa.

"Anong gagawin natin? Hindi ba natin siya pupuntahan?" Umiiyak na tanong pa din niya sa akin.

Nakatitig lang ako sa kawalan. "Hindi ako pupunta" sabi ko sa kanya kaya naman napatigil siya.

His last ComebackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon