Prologue

14 0 0
                                    

"Boss pwedeng pa palit ako ng shift? Medyo hectic kasi aayusin namin yung thesis namin." Inurong ko ng kaunti ang swivel chair ko ngunit maingat ko itong ginawa dahil mahal ang inuupuan ko ngayon.

"Kaninong client ka na assign?" tanong ko. Inikot ko ang upuan ng kaunti habang naka sandal dito. Umikot ang tingin ko sa magandang interior ng maliit naming opisina.

"Maynard at Alicia boss, sa Friday na iyong schedule nila." Muli kong inusog ang swivel chair at umayos ng upo. Binalingan ko ang mahal na dekstop kung saan naka bukas ang website ng aming negosyo.

"Si Fritz at ako lang ang free sa araw na iyon. Sino sa tingin mo ang kukuha ng shift mo?" Tinaas baba ko ang kilay ko upang asarin ang binatang nasa harapan. Razel Freil Hernandez gave me his signature look. Ang lalaking nasa harapan ko ay hinaharangan ang sinag ng araw gamit ang matikas nitong katawan. Kayumanggi ito at ang natural na kulay ng kanyang balat ay mas nag pa depina sa maskulado nitong pangangatawan.

"Sige na boss, gusto ko na grumaduate." Tumingala ito na parang pagod na pagod sa kakaisip kung kailan ito mag mamartsa. Ang adam's apple nito ay nag taas baba kasabay ng mariin nitong pag pikit at pag gulo ng buhok. His jaws were sharp and even. He looks like a Japanese although he has Australian blood running through his veins and half of something na hindi ko na rinig sa chismisan ng mga kababaihan.

"Sana sinabi mo yan last year," I laughed. He wrinkled his pointy nose at humarap ito sa akin. His chinky eyes were very visible to me. Kahit kalahating sarado ang mga mata nito ay kitang-kita naman ang itim na itim nitong mata. Kahit sinong titigan nito ay hindi mapipigilang hindi ito bigyan pansin dahil hihigupin niya lahat ng enerhiya sa katawan mo para lang tignan siya.

"Oo na boss, sige na eto na nga gusto na nga grumaduate." Humalumbaba ito sa harapan ko. Hindi ko alam kung sinasadya niya ba o wala siyang alam sa epektong na idudulot niya sa ginagawa niya?

"May lakad ako sa Friday so ask Fritz." Ibinaling ko sa computer ang tingin ko. Muli kong tinanggihan ang request ni Freil dahil hindi tulad ng mga nag kakandarapa dito ay mas gugustohin kong isipin niyang wala akong pag tingin sakanya.

"Saan lakad mo boss? Sino kasama mo? Lalaki ba? Hanggang anong oras?" Kunot ang noo nitong umayos sa pag upo. Dirediretso ang mga tanong nito na nag pabilis ng tibok ng puso ko.

Sumandal ito sa upuan kaya naman sumikip ang itim nitong button down polo na siyang nag pakita kung gaano ka ganda ang hugis ng kanyang katawan. Inilagay niya ang dalawang kamay sa magkabilang bulsa ng kanyang itim din na ankle slacks.

"Pake mo?" sagot ko. He automatically frown in dismay on my sarcastic response.

Tumaas ang isang gilid ng kanyang labi habang nakipag sukatan ng tingin.

"Vien, you wanna go on a date with me?" uminit ang pisngi ko sa sinabi nito. Nag iwas ako ng tingin ngunit hindi naka lagpas sakin ang pag porma ng mapang asar nitong ngiti.

"Na mumula na naman ang tainga mo Vien." My heart was pounding fast I could no longer hide my emotions. He knows very well na pag tinawag niya ako sa pangalan ko ay ganito ang nagiging epekto sa akin.

Itinago ko ang tainga ko gamit ang mahaba kong buhok na kinulot ko pa from roots to tips just to look great for myself, and for this man in front of me.

I was wearing a rayon button down just like him but in pastel orange, paired with a high waisted straight cut faded jeans and a yellow low cut converse. I fixed my posture and looked at him with the usual look I give him everytime he makes fun of me.

Kunot ang noo ko itong tinignan habang matiim na naka sarado ang bibig.

"Joke lang boss alam mo naman may girlfriend ako" just as he finished his sentence the door of our humble office opened.

"Zel, ano na?" the girl wearing a simple shirt paired with a blue skinny jeans and flats walked in and grabbed Freil's arms.

"Gab, wait lang kausap ko si boss." Mabilis nitong tinignan ang kadadating na girlfriend at muling ibinalik ang tingin sa akin.

Gab De Leon, although she's wearing a simple outfit hindi na itago ang simpleng ganda nito. She's not a stunner but she was able to attract one of the most good looking man in our province.

"Na iinip nako babe" she pleaded. Feeling a little bit uncomfortable with their endearment I smiled at Freil and nodded. 

"Gab sabi ko sandali lang." Mahinahon at maingat nitong ibinaba ang kamay sa pag kakahila ng babae sakanya upang tumayo. Gab was oviously displeased with his actions ngunit hindi na ito pinansin ni Freil.

"Freil, okay lang." I didn't mean to sound disappointed ngunit iyon ang naging tono ng pananalita ko. Agad akong tumayo sa kinauupuan kaya naman na bunggo ng aking swivel chair ang dingding. Kung sa ibang pag kakataon baka nang hihimurutok na ako sa inis sa pagiging clumsy ko. Mahal ang bili ko rito!

"I have to go kumukulo ang tiyan ko." Mabilis ko silang tinalikuran at isinarado ang pintuan ng maliit ngunit maayos at organisado naming kitchen.

I'm Vien Salamanca and I'm running a business catering the needs of every couple that needs our service. Thirdwheel.org started when I fell inlove with a man who, unfortunately, got himself a girlfriend when I was just about to make my move.

And yes, I think I'm the antagonist of their story, this story.




Third Wheel's ChoiceWhere stories live. Discover now