Chapter 05/2: Banta

4K 70 0
                                    


[

Saturday morning]

ChungCha POV

Medyo late na akong nagising. Hindi kasi ako makatulog kagabi sa kaiisip tungkol sa text ni Ivan sakin. Yeap, si Ivan ang nagtext sakin kagabi. At ang sabi nya...

" hoy babae! Baka nakakalimutan mo ng may atraso ka sakin? Makipagbalikan kana kasi para hindi na kita guluhin. Malapit ng maubos ang pasensya ko sayo! Humanda ka at mapapasakin karin. At pwede ba, kalimutan mo na ang impaktong jowa mo? Hinding hindi ka mapapasakanya. Akin ka lang! "

Pagbabanta niya. Bigla akong nakaramdam ng takot ng mabasa ko iyon. Hindi ko alam kung hanggang kailan pa ako balak guluhin ni Ivan.
Pakiramdam ko, parang araw araw na nasa panganib ang buhay ko. Kailan ba ako titigilan ni Ivan? Hanggang kailan ba ako magtitiis sa pananakot niya? Wala naman akong magawa dahil hindi ko naman kayang tanggapin ang kondisyon niya. Makipagbalikan? Wala na isip ko ang bagay na iyon. Matagal ng naglaho ang pagmamahal na meron ako na para  sa kanya dati pa. Hinding hindi na ako makikipagbalikan sa kanya. Never!

After kong makipaghilamos at makapagbihis ng pangbahay, bumaba na ako sa kitchen para kumain ng breakfast. Sakto at nakahanda narin ang mga pagkain sa mesa. Bukod doon, i saw my mom eating alone at the dining.

" hi mom! Good morning. " masaya kong pagbati.

" morning too my little princess. Late ka ata ngayon? " bati din niya na naka-smile sakin.

Lumapit naman ako upang halikan siya sa pisngi at yakapin.
" sorry mom. "

" let me guess... nagpakapuyat ka nanaman sa K-drama ano? "

" uhh... "

Im speechless. Hindi ko naman kasi pwedeng sabihin ang totoong rason. Dahil ayaw na ayaw kong nakikitang nag-aalala si mom ng dahil sakin. Because i love my mom so much. At hindi ko kayang makita siyang nag-aalala o nalulungkot. Its my problem anyway at malaki na ako. Kaya kailangan kong matutunang tumayo sa sarili kong mga paa at i-solve ang problema ko ng mag-isa.

" its okay my dear. Hindi mo na kailangan pag-isipan pa ang isasagot mo. " mom chuckled. I just smiled at her.

" sige anak umupo kana at sumabay kana sakin magbreakfast. "

" okay mom. " i feel happy. Ngayon ko lang ulit kasi makakasabay kumain si mom. Madalas kasing hindi dahil maaga siyang pumapasok sa work. Kung minsan naman, ako ang nauuna kesa sa kanya. Kaya wala kaming quality time na kumain ng sabay.

Umupo na ako sa aking pwesto when i noticed something.

" mom... where is manang? " asked ko ng mapansing wala si manang sa paligid.

Mom smiled.
" nasa grocery store ang manang Flora mo. Inutusan ko saglit mamili ng mga groceries natin. "

" aa ganon po ba? Sayang gusto ko pa namang sumama. " as i nodded and pouted.

" meron pa namang next time anak. Well if you want... sumama kana lang sakin sa Cafe. Saturday naman ngayon at mamaya pang hapon ang klase mo right? Help me today my little princess please? " lambing ni mom.

" sure mom! " sagot ko agad na feeling excited. Marami kasing costumers during Saturday kaya gusto ko ring tulungan si mom.


[Completed]Love at First SightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon