Kabanata 19

2 0 0
                                    

Babaero.

   

Kami? Patay gutom sa lalaki?

  

"Bakit hindi niyo sinuntok si Al gayong nilalait niya na tayo?! " Galit na bulalas ko.

Nagulat pa ang dalawa sa tanong kong 'yon. "Baka magalit ka kapag binangasan ko 'yon? "

"Galit? HINDI PA BA AKO GALIT SA LAGAY NA ITO? " BUONG ANGKAN KO'Y NILAIT NIYA! SINABI N'YANG PATAY GUTOM KAMI SA LALAKI! Hindi kami patay gutom sa lalaki! Marupok kami! Mahina! Mabilis magkagusto at mabilis ring masaktan! Iyon ang tamang term sa amin!

  

Ang sama niya! Ang sama-sama niya hindi porket gusto ko siya!

  

"Hindi kayo patay gutom sa lalaki, Ssen " Mabigat ang dibdib nang tuminghala sa kanya. "Patay gutom kayo sa isang Sepe "

"Isa ka pa! Mas gutom kami sa pagmamahal ng isang lalaki! "

"Hindi lang siya basta lalaki! " Pumantay na rin ang nararamdaman nito sa akin. "Baka nakakalimutan mo? Isa s'yang Sepe " Kumirot ang aking puso.

  

Muling lumabas sa teritoryo ng pamilya namin.

  

Bawat makapansin sa akin ay napapatigil. "Ang ganda niya! " Maganda ako. Iyon ang lamang ko sa kanila. Argh! Banas! Hanggang ngayon ay banas pa rin ako.

"Dalhin niyo ako kay Ampere " Animo'y mga uto-uto ang mga ito't nasipagsunuran sa aking utos.

Kitang-kita talaga ang kaibahan ko sa kanila. Kitang-kita ang pagiging angat ko. Hindi ko na rin kailangan pang ipagsigawan sa lahat na isa akong Buencamino, ako mismo, kaya kong iangat ang aking sarili na hindi kinakailangang ikabit sa apelyidong 'yan.

"Ssen! " Gulat ang mata nito. "Paano ka nakapasok sa school namin? "

"Sa gate "

Tila nahiya ito sa sariling tanong at nagmasid-masid sa paligid. Ang iba'y mangha pa rin habang iyong iba'y natatarayan sa akin. Kung alam niyo lang kung sino ako? Isa pa'y pag sikat ay ayos lang na pumasok sa school niyo? Kapag ba hindi'y may rules na kailangang respetuhin? Paano naman po kung mapera? Tutal ay nagpapapasok kayo ng mga nangangampanya kapag natyambahan ng graduation ang buwan ng eleksyon?

"Anong ginagawa mo dito sa school namin? " Nandito ako para agawin ang para sa akin!

"Nandito ako para ibunyag sa'yo 'yong mga kalokohan ng boyfriend mo " Nanlaki ang mata niya.

  

Malungkot akong tumingin sa kanya.

  

"Ampere... Bago ko pa man malaman na kayo ni Al, matagal ko nang alam na babaero siya " Namutla itong bigla.

"Babaero " Umiwas ng tingin. "Marami s'yang naging girlfriend at aware naman ako do'n, Ssen. Pero 'yong term na babaero? Hindi tama kay Al ang word na 'yan " Aba't pinagtanggol pa? Naaawa ako sa babaeng ito.

"Makinig ka, Ampere " Muling inaagaw ang atensyon niya. "Maraming babae si Al. Hindi lahat naging girlfriend niya. Iyong iba'y past time lang niya at iyong iba'y trip lang n'yang agawin sa shota ng iba? " Hanggang sa manlaki ang mata. "Shota ng iba'y shino-shota niya, Ampere. Basta't may bilat 'yong babae'y attracted siya. Hindi siya marunong magseryoso at may mga makakapagpatunay no'n... "

  

Napatikom ito ng bibig.

 

"May listahan ako ng mga winarak n'yang relasyon. Kung gusto mong isa-isahin natin ay sasamahan pa kita? " Itinaas ko ang kamay bilang pangangako. "Kaya kong patunayan ang mga sinabi ko sa'yo, Ampere "

Burncamino (A war between Buencamino family and a Sepe family)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon