Claire's POV.
Hay nako ano nanaman kaya mga trip nitong mga kaklase ko bigla bigla ba namang pumunta sa bahay tapos nagyaya mag gala hay nako.
Ito namang iba kong kaklase kung saan saang tindahan pumapasok kulang nalang buong mall bilhin na nila ehh ginabi tuloy kami buti nalang nag arkila yung kaibigan kong rich kid ng bus syempre para kasya kaming lahat
Nako ano bayan gabi na magagalit si mama neto ehh paalam kasi namin hanggang 4:00 pm lang ehh anong oras na 6:30 traffic pa hayy nako
(Minutes past)
Nagising nalang ako ng nararamdaman kong lubak lubak na yung dinadaanan namin di ko alam nakatulog na pala ako sa sobrang traffic..weyt lang lubak?
Hindi naman lubak lubak yung daanan ng kahit kaninong bahay man sa kaklase ko o kahit sa dinaanan namin kanina papuntang mall nasaan na kami tumingin ako sa labas para tingnan kung nasaan kami
Ngunit nabigo ako ng wala akong ibang makita kundi nagtataasang mga puno at madilim na kalsada wala manlang mga bahay at street lights tanging ilaw lang ng bus at liwanag ng buwan ang nagsisilbing liwanag ng daan
Ginising ko ang bestfriend kong si Hailey mag katabi lang kasi kame
"Hailey! Huy hailey gising nasaan ba tayo"bulong ko kay hailey tulog pa kasi yung mga kaklase ko
"Ano ba natutulog pa yung tao ehh" pagtanggi nyang gumising
"Huy ano ba nasaan na ba tayo puro puno lang tong nadadaanan natin" pag ka sabi ko nun agad agad syang gumising at tumingin sa bintana ng bus
Ng bigla na lang huminto sa pag andar yung bus muntikan na kami masubsob yung iba naman naming kaklase ay nagising yung tulog mantika parin
"Guys nasaan na ba tayo?"tanong ni audrey ang classroom president namin
"Ewan ko din tanongin kaya natin sa bus driver"sabi naman ni Ryan
"Ahhh guys sa tingin ko di na natin matatanong yung bus driver"sabi naman ni Oliver "Wala na yung bus driver"dag dag pa nya
Nagsimula ng mag panic yung iba ko mga kaklase dahil hindi namin alam kung nasaan kami at gabi na pero triny kong pakalmahin yung sarili ko. Pero paulit ulit na tanong ko
NASAAN BA KAMI AT SINO ANG NAG PUNTA SAMIN DITO ANG BUS DRIVER BA TALAGA?

BINABASA MO ANG
UNKNOWN UNIVERSITY
Mystery / Thrilleritong storya nato ay inspired by many stories so kung may pag kakahawig man sa iba sorry poh hindi ko po ito sinasadya. this is the unknown university maraming misteryo ang university nato pati nga pangalan mistery pero sa tingin mo sa likod ng mis...