Cristine Dela Vega
Wala na siguro akong mahihiling pa, masaya akong malaman na wala na ang anino ng dating William, ni ang bakas ng masungit at seryoso niyang pagkatao.
All I can see now is his desire to be a better person and fulfill his vow to be my better half.
Nang magkita muli kaming dalawa ay hindi ko siya nakilala ng husto, dahil sa nangayayat ang pangangatawan niya.
Pero nang magtagpo ang mga mata namin ay muli ko siyang nakilala.
Pansin ko rin na simula ng dumating ako dito , ay hindi na gaanong dumadalaw pa ang mama ni William.
Kung nandito man siya ay di rin naman kami nagkikibuan.
Kabaligtaran naman ng pakikitungo niya ang kay William at sir Philip, we used to laugh in simple things na napagkukuwentuhan naming tatlo, pero kapag nandito na ang mother in law ko ay hindi na namin magawang tumawa dahil sa nagiging seryoso ang lahat.
Nararamdaman ko pa rin ang hindi niya pagtanggap sa'kin bilang kapamilya.
Lumabas muna ako ng kuwarto ni William para kamustahin sina grace at mama, matagal-tagal ko na rin kasing hindi nakakusap si mama at alam kong nagtatampo pa rin siya hanggang ngayon.
Isang rason din kung bakit ako lumabas PA ay ayaw kong makaistorbo sa paguusap nila William at ng mama niya, at isang malaking distraction lamang sa mood naming lagay kung maririnig pa nila ang pangalan ni mama.
" bibisitahin na lang kita sa apartment mo after this, just text me right away kung ano ang mga kailangan mo na gamit para mabigay ko sa'yo pagdating ko diyan..."
Pagkatapos kong tumawag ay nagpunta muna ako sa cr na malapit lang din sa kuwarto ni William, pero bago pa man ako makapasok ay narininig ko na ang boses ng mother in law ko na mukhang may kausap sa cell phone at seryoso ang paguusap nila.
" hayaan mo na muna ang papa at kapatid mo, mapapatawad ka rin nila...
Ako na ang bahalang magpaliwanag kay Philip.
No, hindi niya iyon basta malalaman, kinausap at binayaran ko ang pulis na nagaasikaso sa kasong isinampa sa'yo ni Philip para makulong...
For now, maghintay muna tayo sa tuluyang paggaling ni William... "
What is this all about? Nagtataka pa ako noong una pero ngayon ay nakumpirma ko na rin... she is referring to Migz... At apartment? Ang alam ko ay nasa bilangguan siya???
"ako na ang bahalang magpaliwanag sa kanila na ako ang nagpyansa sa iyo ,para makalaya ka... "
Hindi ko na hinintay pang marinig ang susunod pa niyang sasabihin, dahil aalis na dapat ako , pero bigla namang bumukas ang pinto nito, at pinigilan ako ni mam Eliza.
Nangangatog pa nga at pinagpapawisan ang mga kamay ko,
"kung ano man ang mga narinig mo, huwag sana iyong maging mitsa ng pag-aaway naming mag-ina at mag-asawa...
I let you stay in my son's life...dahil alam kong isa ka sa mga dahilan sa patuloy na paggaling niya...
But please...
Hayaan mo akong ayusin ang pamilya namin... At alam naiintindihan mo kung bakit ako nagkakaganito, dahil ina ka rin."
hindi niya pa rin binibitawan ang kamay ko at halata sa boses niya ang pagsusumamo.
"Wala ho akong balak na pangunahan kayo para sabihin sa kanila ang mga narinig ko, all I want is for Migz to stop interrupting I and William's life.
Kahit na sa simula, ay alam kong mama ko naman ang nanggulo sa buhay niyo...
I won't ask your acceptance in return, for keeping this to William and sir Philip.
Because I know that you'll do what's best for them, same with me dahil mahal ko po ang anak niyong si William...."
binitawan niya rin ang kamay ko at halatang nakahinga siya ng maluwag... Pero ang hindi ko inaasahan ay ang sunod na sinabi nito sa akin
"thank you... Christine "
mahina ang pagbigkas niya sa mga ito pero ramdam ko ang sinseridad sa ginawa niyang pagpapasalamat...
Tumunog ang cp ko... At si William ang siyang tumatawag... Malamang ay hinahanap na rin ako ng asawa ko. Sinuklian ko na lamang ng ngiti ang biyenan ko at sinabing hinahanap na ako ni William. Pagkaraan pa'y tinahak ko na ang kuwarto pabalik sa asawa ko.
BINABASA MO ANG
Her Greatest Nightmare
Storie d'amoreIt's a story of undying love and the sufferings brought by love itself.