Chapter 6 -- Meet my bestfriend.

1.5K 24 3
                                    

Athena's POV


Maaga akong hinatid ni Zelo. Hindi ko na tinapos yung party.

Hindi ko na kasi kaya. Inaantok na ako.

Ngayon papasok na ako sa school. Nilakad ko na lang kasi sinisipag ako maglakad.

Nakita ko yung classmate kong nerd. Mabait naman yan eh.

Kaya lang masyadong tahimik. Kung kakaibiganin ko man yan. Musta naman.

Eh. Ang daldal ko. Baka pagkinausap ko yan para lang ako nakikipagusap sa hangin.

Pero laking gulat ko ng sabayan niya ako sa paglalakad.

"Athena, alam mo ba kung anong subject tayo may quiz ngayon?"

Ha? Edi ba ang talino niya. Imposible naman na hindi niya alam yung quiz ngayon eh. Madalas siya nga nakakaperfect ng quiz.

Ano isasagot ko. Eh hindi ko din alam.

"Ah, Eh hindi ko kasi alam eh."

"Ah ganun ba. Sige thank you."

Patawid na kami ng biglang..........

"Athenaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaa!"

"Ok ka lang ba?"

Grabe! Kinabahan ako dun. Pagtawid ko kasi hindi ko alam na may kotse.

Ang bilis pa naman nun. Buti nakapagpreno yung driver ng kotse. Tska tinulak ako ni Cindy para hindi ako mapahamak.

Akala ko nga siya yung masasagasaan pero buti nakapagpreno talaga yung kotse.

Dahil kung hindi. Kawawa naman si Cindy.

"Cindy, ikaw nga ang dapat ko tanungin niyan eh. Ok ka lang ba?"

"Ok lang. Hita ko lang naman yung natamaan eh."

"Masakit? Kaya mo ba maglakad?"

"Oo naman. HAHAHA. Muntik na yun ha. Naramdaman ko pa kasi dumikit sa balat ko."

"HOY! KAYO SA SUSUNOD WAG KAYONG TUMAWID KUNG HINDI NIYO ALAM KUNG PANO!"

Yabang naman ng driver na yun. Siya na nga nakasakit eh. Hindi man lang itanong kung ok lang ba si Cindy.

I'm In Love With My Boyfriend's Bestfriend (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon