Kabanata 27
Warn
"Anak..."
Nilingon ko si Nanay habang nag-aayos ako ng gamit, nag-hahanda sa pag-pasok sa eskwelahan.
"Nay?"
Hinawakan ako nito sa balikat at iniharap sa kaniya. Ilang beses na nga ba niya akong kinausap tungkol sa kumakalat na nalalapit na Engagement Party nila David at Laurel? Ni hindi ko na mabilang sa paulit-ulit nitong tanong na paulit-ulit ko lang ring sinasagot ng parehong sagot.
"Hindi ba't nag-usap na tayo tungkol rito?" aniya habang inaayos ang lunch box ko.
"Nay, alam ko po. Paulit-ulit na lang tayo nag-uusap tungkol dito." napapagod kong wika.
"Hindi ko pa rin kasi maunawaan. Nalalapit na ang engagement party nina David. Sa tuwing tinatanong kita kung kayo pa ba'y nakakapag-takha na ang palagi mong sagot ay Oo. Huwag mong sabihing hahayaan mong pumasok ka sa relasyon sa kay David habang siya'y ikakasal na?"
Huminga ako nang malalim. Sa ngayon ay hindi ko pa gustong i-kwento sa kay Nanay. Nakapag-usap na kami ni David tungkol rito at hindi ko lubos na maisip kung anong gagawin ni Nanay kung sakali mang malaman niya ang plano namin.
"Nay male-late na ko. 'Saka na po tayo mag-usap." palusot ko.
Kinuha ko ang lunch box at lumapit sa kaniya upang humalik. Bumuntong hininga lang siya nang malalim bilang tugon sa akin.
Nang dumaan ako sa loob ng mansyon upang sumabay na sa kina Queen nang makasakubong ko si David.
Binigyan ko siya ng malapad na ngiti. "'Morning"
"Morning. Going to school?"
Even though we are already together in such a longer time I still can't stop to adore him so much. Even though he's just wearing a simple clothes.
Black hoodie, black jogging pants and a white shoes na may malaking check sa tabi. Sa tingin ko'y kajo-jogging niya lang.
"Do you want me to drove you there?"
Agaran akong umling, "H-Hindi p'wede 'di ba?" pinandilatan ko siya ng mga mata.
He smiles a little and then sigh.
"Okay."
Alam kong kong nahihirapan siya, nakakalungkot nga lang na kailangan naming gawin ito.
Nagpaalam na ako at hinanap na sina Queen para makisabay sa pag pasok.
Habang nasa library kasama si Ixel ay narinig ko ang usapin sa katabing lamesa.
"Oo nga e. Grabe excited na akong makitang ikasal iyong anak ng may-ari ng eskwelahan na ito. Imbitado kasi sina Mommy sa nalalapit na engagement party."
"Kami rin! Grabe ang ganda niyong si Laurel ano? Sana gaya niya rin ako."
Tumungo ako at huminga nang malalim. Masakit pa rin talagang marinig iyon sa iba. Na pinupuri nila si Laurel. Minsan nga hinihiling ko na sana. Sana ako na lang si Laurel. Iyong babaeng maganda, matangkad, maganda ang hubog ng katawan, mabait at higit sa lahat may kakayanan sa buhay.
"Hey, Kristine. Okay ka lang?"
"I-Ixel... maganda ba ako?" wala sa sarili kong tanong.
Mukha namang nagulat siya doon ngunit kalauna'y nakabawi rin, "Oo naman. Bakit? May problema ba?"
Umiling ako ng may bahid na lungkot.
'Pag dating talaga sa kay Laurel nawawalan ako ng tiwala sa sarili.
BINABASA MO ANG
Unknown Mistake (Raquel Boys Series #1)COMPLETED✔
Lãng mạnWARNING: There are few chapters with mature scenes. Read at your own risk! Sa pag-ibig hindi maiiwasan ang magkaroon ng mga hindrances, iyong tipong may aayaw talaga sa inyong dalawa. At dahil doon iyon ang maaaring maging dahilan ng inyong pagkahiw...