"Hindi kita maintindihan eh! Ano ba talagang gusto mo?" Galit na galit na sigaw ko sakanya.
"Gusto ko lang naman na maging maayos tayo..... Na bumalik tayo sa dati." Nakatungong sagot nya.
"Ha Ha Ha." Mapaklang tawa ko habang pinipigil ang luha ko. hindi ito ang tamang oras para umiyak. "Bumalik sa dati?! Nababaliw ka na ba Jc?" Sigaw ko muli sakanya.
"Seryoso ako Xanne."
"Kelan ka pa natutong magseryoso ha Clyde?" Naiiyak na talaga kopero hindi pede.
"Xanne naman." Sinubukan nyang lumapit sakin.
"Pede pa Gonzaga tigilan mo na ko?! At wag mong subukan na lumapit sakin!" Umatras pa ko para di nya talaga ko malapitan.
"Morales wag naman makitid ang utak mo! HINDI MO KASI NAIINTINDIHAN!" Sigaw nya sakin. Nagulat ako dun. Di ko akalain na sisigawa nya ko. At kahit sya mukang nagulat din sa ginawa nya.
"S-sorry Xanne." Mejo mauutal pa nyang sabi.
"So ako pa talaga ang makitid ang utak Gonzaga? Oh ngayon tell me. Ano ba dapat ang kailangan kong maintindihan? ANO PA BA DUN ANG HINDI KO NAIINTINDIHAN?!" wala tumulo na yung peste kong luha. Hindi ko na kaya. "Putcha naman Gonzaga! Tama na! naiintindihan ko naman eh. Intinding intindi ko. Damang dama ko pa nga eh! Kulang pa ba yon? HA?!" Wala nagbreak down na ko. Napa-upo na lang ako sa gutter sa labas ng bahay ng bestfriend ko. Bute na lang gabi na at wala ng tao sa labas.
"Roxanne. Hindi naman kasi ganun yon katulad ng iniisip mo. *sigh* Minahal kita kay---"
"MINAHAL? Pakyu ka." Yun na lang nasabi ko. Sobrang pagod na ko. Meh amats pa ko.
"Makinig ka muna. Intindihin mo naman ako. Tsaka please lang, alam mo naman na ayakong nagmumura ka." nakatayo pa din sya dun at naka-yuko sakin.
"Eh pakshet ka naman pala tlaga eh! Intindihin? P*ta Gonzaga lagi na lang kitang iniintindi! kaya nga nung naki pag break ka ng walang matinong dahilan inintidi ko eh! Ako ba inintindi mo?! Tsaka tang ina ano bang paki mo kung mag-mura ako?! ANO BA KITA?!" Sobrang galit na ko.
"Sorry."
"Sorry? Ha Ha! THAT'S BULSHIT Gonzaga!"Gusto ko syang sampalin, saktan. Pero sobrang naghihina na ko.
"Alam mo ba Jc? Sa loob ng eight months na paghihiwalay natin, kala ko ba sobrang madali lang yon? Kala mo ba wala lang sakin lahat? Jc hindi mo alam kung gano kahirap yung dinanas ko." Humahagulgol na ko dito. "Oo, kala mo, kala nyo masaya ko. Kala nyo ok na lahat sakin. Kala nyo naka-move on na ko. Kala nyo kaya ko ng harapin lahat. Kala nyo totoo na yung mga ngiti at tawa ko lalo na kung nanjan ka. Pero F*ck Jc. Hindi eh. Hindi ko kaya. Kasi masakit pa din. Sobra. Sobrang sakit. Kahit ano atang gawin ko walang mangyayare Kala mo ang saya saya ko nung kinuha mo ko para sa project na to diba? HAHA! Sana talag nag-artista na lang ako. Ang galing kong umarte no? Gusto mo malaman ang totoo?" Tiningnan ko lang sya saka nagpatuloy sa pag-sasalita. "Hindi ako ok. SImula nung iniwan ko mo ko never akong naging ok! Ni hindi ko nga maalala kung kelan ako huling naging ok eh. Kung kelan ako huling naging masaya ng totoo. Alam ko eight months yon. That was Fucking months ago pero eto ako? Parang tanga na iniiyakan ka pa dinh hayop ka. Wala naman akong galit sayo eh. Totoo yan. Pero hindi ko alam kung bakit hanggang ngayon anhihirapan ako. Jc hanggang kasi ngayon mahal kita. OO AKO NA TANGA! Eh anong magagawa ko?! Kung kaya ko lang ed sana matagal ko ng tinigilan tong ka-gaguhang to." Hindi ko na alam kung luha o sipon na ba yung nasa muka ko pero wala akong pake.