Miya's POV
Habang nakaupo kami sa may Garden ng school ay diko mapigilang magsisi sa naisip kong gawin.
Aishh sana pala diko nalang 'to ginawa. Kinakabahan ako sa nga pwedeng mangyari. At parang nablangko yung utak ko,parang diko na alam ang sasabihin ko.
Si Lesley kasi,nubayan.
"Uhmm Miya,ano nga yung sasabihin mo?"pagbabasag ni Alice sa katahimikan.
Sheyttt sasabihin ko ba?
Bigla kong narinig ang boses ni Lesley kaya nalakasan ako ng loob.
"Miya---"
"Alice,gusto kita"di na ako nagtaka. Nabigla siya sa sinabi ko,"Bi ako Alice"
"B-bakit ako?"
"Bakit ikaw? Hindi ko din alam. Basta paggising ko isang araw ikaw na yung laman ng puso't isipan ko. May hiya ako sayo dahil nga gusto kita. Sorry,alam ko namang mali at sinubukan kong pigilan pero---"
"Gusto din kita,Miya"nakangiting niyang sabi.
"H-ha?"
"Sobrang manhid mo naman para di maramdaman yun"natatawa niyang sabi.
Gusto din ako ni Alice.Shocks.
*****************
Gabi na pero di pa rin ako makatulog dahil sa mga sinabi ni Alice.
Di ako makapaniwala.
Scroll ako nang scroll sa facebook ko nang mag makita akong dalawang babaeng kinakasal sa isa't isa. Bigla ko tuloy siyang naisip kaya sinend ko ito sa kanya.
Wala pang isang segundo ay naseen na niya ito.
Alice:Ay pwede na ba yung ganito sa pilipinas?
Miya:Ewan. Siguro?
Alice:Pwede na siguro,kasi tignan mo oh.
Miya:Oo nga eh.
Alice:Tara na rin pag pwede na HAHAHA charot
Bigla akong kinilig sa sinabi niyang iyon kaya para na naman akong baliw dito kakangiti.
Miya:Sige hehe. Puro charot amp.
Alice:Bakit? Gusto mo ba?
Miya:Ikaw ba?
Alice:Oh bat ako? Ikaw tinatanong ko eh
Miya:Oo tara na ah ngayon kung gusto mo.
Putek. HAHAHA noon,sobrang nadidirihan ako sa mga bisexual tas ngayon,diko aakalaing ganito.
Habang hinihintay ko ang reply ni Alice ay biglang may nagpop sa facebook ko.
Ay,may nagfriend request pala.
Diko na sana papansinin dahil sanay na ako pero parang familiar yung muka niya.
Teka. Siya yung nakabangga ko kanina ah?
Hanzo Davis pala ang pangalan niya ah. Pero pano naman niya nalaman ang fb name ko?
Maya maya pay ay may nagfriend request na naman.
Nagulat ako nang siya yung lalaking nakapetmalu sa grocery store.
Clint Cyclops Smith
Hmmm infairness ang ganda ng pangalan tas gwapo din kaya pala famous eh. Akalain mo yun? Pareho sila nung Hanzo na famous. Yung profile ni Hanzo,5k reactions at 2kshares. At kay Clint naman 12k reactions at 6k shares.
First time na may magfriend request ng ganito kafamous sakin ah.
Pag iisipan ko pa sana kung iaaccept ko sila o hindi pero bigla kong narinig ang sasakyan nila Mommy at Daddy kaya agad kong inoff ang cellphone ko saka nagkunwaring natutulog
BINABASA MO ANG
Love is Love
Подростковая литератураAng istoryang ito ay naglalaman ng buhay ko,charot! Tungkol ito sa isang babaeng bisexual. Wait. Kung dumating kaya ang isang lalaki sa buhay niya,sa babaeng alam niyang mahal niya pa din kaya siya titingin? Hmmm.