— Elizza —
“Mahal din kita, Waves.”
Sumilay muli ang ngiti sa labi niya at mabilis na naman akong hinalikan. Saglit lang 'yon pero naramdaman ko pa ang pagdila niya sa labi ko. Mahina ko tuloy siyang nahampas sa balikat.
“Totoo?” paninigurado niya na ikinatango-tango ko naman. “Hindi ka na ba galit sa 'kin?” Tumaas ang kilay ko sa tanong niya. “'Yung mga nagawa ko sa 'yo noon. Alam kong masakit lahat, naging gago ako sa 'yo kaya—”
Napatigil lang siya sa pagsasalita nang ako naman ang kusang humalik sa kaniya. Nakangiti kong pinakawalan ang labi niya at deretso siyang tinitigan sa mata.
“Shh, don't mind the past,” bulong ko. “Alam mo, hindi na dapat tayo nagpapakulong sa mga nangyari sa 'tin sa past. Lalo na 'yung mga masasakit na nangyari, kailangan nating i-let go 'yon. Kung hindi, sarili lang din natin ang mahihirapan.”
Tumango-tango siya at inayos ang hibla ng buhok ko. “Pero kung nagtuloy-tuloy akong gano'n noon, makakalimutan mo pa ba? Siguro kung hindi ako nagbago at naging gago na lang hanggang ngayon, sobrang durog ka na at mahihirapang kalimutan ang past na 'yon.”
Umiling lang ako. “Oo, siguro nga. Kaya importante talaga na maitama ang mga mali para mas madaling lagpasan ang nakaraan.” Ngumiti ulit ako. “At, ikaw, nagawa mo naman. Kaya nga hindi ko na iniisip 'yon, tapos na 'yon, e.”
Umayos siya ng upo at inakbayan ulit ako. “Thank you, Elizza.”
Nag-usap lang ulit kami ni Waves ng kung ano-ano. Nagkuwento siya ng mga bagay na nangyari sa kaniya habang wala ako. Ang sabi niya, kaya na raw niyang ikalma agad ang sarili niya sa mga stressful na situations. Hindi na siya masyadong nag-o-overthink or nagj-jump into conclusions. Ginamit niya raw ang mga oras na binigay ko sa kaniya para i-appreciate ang life at mga taong nandito sa paligid namin, at syempre para maka-move on na rin kay Azzile.
Matapos ko namang mapadede si baby, inilagay ko na siya sa crib at pinatulog. Gusto raw kasi ni Waves na masolo muna ako.
“Sigurado ka bang mahal mo na ako?” mahinang tanong ko habang magkatabi na kaming nakahiga sa kama. Magkaharap kami at magkayakap.
“Yes, what kind of question is that?” kunot noong tanong niya.
Umiwas ako ng tingin at pinasadahan na lang ng daliri ko ang dibdib niya na natatakpan pa rin ng polo niya.
“Naisip ko lang kasi na matagal din akong nawala. Matagal tayong 'di nagsama. Ano 'yon, minahal mo ako habang hindi mo naman ako nakakasama?”
Ang iniisip ko lang din naman ay paano kung bumalik si Azzile tapos may nararamdaman pa rin pala siya sa kaniya?
Paano na ako?
“Elizza . . .” Hinawakan niya ang chin ko at inangat muli ang ulo ko para mapatingin ako sa mukha niya. “Ang sabi nila, walang pinipiling oras ang pagmamahal at naniniwala ako ro'n.”
Tumaas ang kilay ko. “Hmm, at ano'ng ibig sabihin niyon, aber?”
Ngumiti siya ar niyakap muli ako. Ipinatong niya pa ang isa niyang paa sa ibabaw ng hita ko.
“Ang sabi rin nila, kapag nawala sa tabi mo 'yung isa taong nag-stay sa 'yo noon at hindi mo na-appreciate— doon mo lang mari-realize ang value nila, doon mo lang hahanap-hanapin. Gano'n na gano'n ako noong iniwan mo na 'ko. Doon ko lang na-realize na ikaw 'yung taong kailangan ko talagang i-keep. Wala kang ibang ginawa noon kun'di mag-effort at subukang maging mabuting asawa sa akin pero hindi ko nakita agad.”
BINABASA MO ANG
Wife Series #1: The Undesired Wife
RomanceCOMPLETED "I'm not Azzile, I'm Elizza- the undesired wife." Elizza Tania had a crush on Waves Laserna when they first met. Suddenly, she didn't get a chance to be close to him because her twin sister, Azzile, got his attention. Waves fell in lov...