Hindi ko na napigilan ang sarili ko at pumunta kay mommy para kausapin uli siya. Kasi naman diba 2019 na uso pa rin pala ang arranged marriage. Wow lang! 17 palang ako no, though malapit na ako mag-18.
"But Mom-" Ang bata bata ko pa tapos engaged na kahit pa sabihin na hindi pa ikakasal eh. NBSB pa nga ako eh. So that means siya na din yung first and last ko ganon? Hindi ako makakalandi ng iba ganon ba yon?? Paano na si crush?
"No buts! Mamemeet mo siya next week so mag prepare ka okay? Wear something elegant and--" Ugh wala na atang babago sa isip niya kaya aalis na lang ako. Tumalikod na ako at nagstart maglakad palabas ng sumigaw siya at tinawag ako, "Hey! Hey! Comeback here, Aerith!"
Hmp. I'm hurt. Hindi ba importante opinion ko about this matter? Buhay ko to diba? Hindi naman sila yung magpapakasal diba? Nakayuko akong naglalakad palabas ng kwartong ito.
"Aerith Zoe Heartfilia!" napahinto ako sa kinatatayuan ko dahil sa pagtawawg ni mommy. Iba na ang tono niya at nakakatakot na kaya dahan dahan akong lumingon sa kanya.
"Don't you ever turn your back at me." Tiningnan ko saglit si mommy tapos umalis na uli. Wala eh di ko pa maabsorb yung sinabi niya.
Naglalakad ako papunta sa garden namin. Dito ako pumuppunta sa everytime nanalulungkot ako nakakarelax kasi tingnan ang mga halaman at mga bulaklak. Umupo ako sa tapat ng mga Roses. Ito talaga favourite part ko ng garden. Who wouldn't love Roses, diba?
*long heavy sighhhh*
"Wow. Ang bigat non ah?"
Napalingon ako sa nagsalita at, "Kuya!!! Andito ka??" tumakbo ako sa kanya at niyakap siya. Siya si kuya Aaron Zyren Heartfilia, tagapag-mana ng Heartfilia Group. Minsan ko lang kasi maabutan to sa bahay kaya excited ako lagi kapag nakikita siya.
"Yes. Bahay ko din to no." Tumawa siya at kumalas siya sa pagkakayakap at tumingin sakin, "So what's the problem, Princess? Care to share?" then he flashes his oh-so-charming smile that girls would fall for.
"Smile smile ka pa dyan eh I'm sure alam mo na. Hmp." Then binalik ko tingin ko sa mga Roses. Buti na lang nalikha ang mga bulaklak. Nakakagaan sa pakiramdam.
"Hahaha. I'm sorry. But I know your gonna love him." He said then umupo sa tabi ko ginulo ang buhok ko.
"What? Nakilala mo na siya?" Gulat kong tanong. So ako na lang ba hindi pa nakakakilala? Kilala na din siya ni Alecsi, younger brother ko.
"Of course! Dadaan muna samin ni Alecsi syempre." He smiled tas tumayo na kaya tumayo na din ako. "I need to go Princess." Siya lang at si Dad ang natawag sakin na Princess. Well I'm the only daughter hahaha. Ginulo niya buhok ko at nagpaalam na.
In fairness naman sa kung sino man yon, may basbas na mula sa brothers ko eh sila na ata pinaka-protective.
--
It's the first day of school today. Ito ang ayaw ko sa pagiging transferee eh, walang kakilala. I'm 2nd year college and I transferred here at Crocus University para dito na lang daw ako sa malapit mag-aral.
"Thank you, Mang Jun." Bumaba na ako sa sasakyan. Grabe ang laki ng school na to ha. Dahil maaga pa naman naisipan kong mag-ikot ikot muna. Perks of being maaga, makakapag-gala pa hehe. I wonder kung anong itsura ng garden dito. Yes. I really like flowers!
Iniisip ko pa lang eh naeexcite na ako. Kasi naman diba ang laki ng campus na to so malaki ang chance na malaki din garden nila. Hahaha.
.
.
.
.
.