Chapter 39: The Twins

14K 312 30
                                    

— Elizza —

   
    I was too stunned to speak while seeing her in front me.

    Kahit may nagaganap na fireworks sa kalangitan at malakas ang pag-iyak ni baby, pakiramdam ko ay namamayani pa rin ang katahimikan sa paligid dahil walang ni-isa sa amin ang nakapagsalita.

    Hanggang sa naramdaman ko na si Waves na tumabi sa akin. Humawak siya sa baywang ko kaya napatingin ako sa kaniya.

    I noticed his eyebrows furrowed, mouth snapped shut, jaw tightened, and when I looked down at his hand, his fist were clenched.

    Naramdaman ko agad ang namumuong galit sa kaniya habang nakatitig sa mga taong nasa labas.

    Ibinalik ko ang tingin sa harap. Ngumiti na naman siya sa akin.

    “Azzile . . .”

    She finally came back and she was not alone.

    Mula sa pagmamasid ko sa mga mata't labi niyang nakangiti at sa buhok niyang maikli na ngayon, bumaba ang tingin ko sa sanggol na karga-karga niya. Umiiyak din ang baby katulad ni baby Wade.

    Sunod akong napatingin sa lalaking kasama niya. He looked so neat. Napakaayos ng buhok niya habang nakaputing sweater at pants. Ngumisi siya sa 'kin. Sinundan ko naman ng tingin ang kamay niyang dahan-dahang umakbay kay Azzile.

    Azzile came back with a baby and his other man, Aren.

    “Ayan na ba ang anak n'yo? Aw, looks cute! Kamukhang kamukha niya si Waves!” ang sabi pa ni Azzile habang nakangiting sinisilip ang anak ko mula sa gate na nakaharang sa amin. “Wala ba kayong balak na pagbuksan kami?” Sabay tingin sa iba pa sa amin.

    She spoke and smiled so natural and genuine. She acted like there's nothing happened between us.

    Hindi ko naman masabing namamalastik siya ngayon dahil kilalang kilala ko ang kambal ko, alam kong totoo ang mga ngiti niya. Ang hindi ko lang maintindihan ay bakit kung makaakto siya ngayon ay parang wala siyang iniwan na problema  rito sa Pilipinas at bumalik na lang na parang walang nangyari?

    “A-Azzile, anak!”

    Napakurap ako at iwas ng tingin kay Azzile nang bigla na lang akong hinila nang marahan ni Waves palayo sa gate dahil papalapit na pala sila Mama at Papa.

    Nagkatinginan kaming dalawa ni Waves. Tiningnan niya ako na parang pinag-aaralan kung anong iniisip ko pero maliit lang akong ngumiti sa kaniya at tiningnan si baby.

    “Azzile, buti bumalik ka na!” rinig kong sabi ni Papa pagkabukas na pagkabukas pa lang niya ng gate. “At . . . at may dala ka pang baby.”

    Nagkatingin sila bigla ni mama habang salubong ang mga kilay, nagtataka kung bakit may dalang sanggol si Azzile.

    Napatitig ako sa baby saglit bago nilingon muli si Waves.

    Kaninong anak 'yon?

    Paano kung si Waves ang tatay ng baby na 'yon?

    Napahinga ako nang malalim bago hinalikan sa noo si baby Wade. Hinele ko rin muna siya sa braso ko.

    “I think we have to go inside, Elizza. Wade's still crying, you have to breastfeed him,” sabi ni Waves sa akin at hinawakan din sa kamay si baby. Inilingan ko naman siya na ikinakunot ng noo niya. “Why? Hayaan muna natin sila rito.”

    “Hindi, mamaya na,” pagmamatigas ko.

    Nagtitigan lang kami saglit hanggang sa napatango na rin siya at tumingin muli kina Azzile.

Wife Series #1: The Undesired WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon