Warning: Mature Content Alert! Slight.
— Elizza —
Isang buntong hininga ang ginawa ko, nasundan pa ulit, at naulit na naman.
Napalingon ako kay Waves na natutulog na sa tabi ko. Madilim na sa labas dahil gabi na rin. Nauna siyang makatulog, pinadede ko muna kasi si baby.
Hindi ako makatulog dahil iniisip ko si Azzile. Napasimangot ako.
Masyado ba 'kong naging harsh sa pakikipag-usap sa kaniya?
Paano kung totoo pala ang mga sinabi niya, 'di ba? Pero kung hindi ba niya nalamang buntis siya kay Aren noon, hindi niya 'ko hahayaang maikasal kay Waves? Ipaglalaban pa rin kaya niya ang relasyon nila?
Siguro nga kung hindi siya nabuntis, baka sila pa rin ni Waves. Masaya sana silang dalawa.
Hindi ko na dapat iniisip 'to. Matagal na 'yon. Napahilamos ako sa mukha ko at tumagilid ng higa.
Mukhang ako pa ang hindi maka-move sa nakaraan. Baliw ka na, Elizza.
Pumikit na lang ako at matutulog na sana pero naramdaman kong gumalaw si Waves. Napatingin ako sa tiyan ko nang dahan-dahang lumusot ang kamay ni Waves sa pagitan ng kamay ko at yumakap sa akin.
“B-Bakit hindi ka pa natutulog, hmm?” mahina at pabulong niyang tanong. Hinawakan ko naman ang kamay niyang nakayakap sa 'kin. “Sabi ko naman sa 'yo, huwag mo nang isipin 'yon. Tapos na 'yon.”
Nagkagat labi ako at hindi sumagot.
Humarap ako sa kaniya. Umayos kami at nagyakapan.
Ang sarap pala ng ganito. 'Yung katabi mo ang lalaking mahal mo, magkatabi kayong natutulog, naglalambingan, gano'n.
Dati kasi kahit mag-asawa kami ay magkahiwalay kami ng kuwarto, 'di ba?
“Heto na, matutulog na,” nakangiting sabi ko.
Dumilat ang isa niyang mata at ngumiti rin. “Good night, asawa ko.”
Napasubsob ako sa dibdib niya at doon nagngingingiti. Kinikilig kasi talaga ako kapag tinatawag niya akong gano'n.
“Good night.”
Hindi rin kami nakatulog nang maayos dahil pagising-gising din kami kapag nagigising si baby at umiiyak. Sa tuwing nagigising siya ay pinapatahan ko muna hanggang sa makatulog ulit. Si Waves ay nasa tabi ko lang at yumayakap na lang sa 'kin.
Kinabukasan ay maaga pa rin akong bumangon para magluto ng almusal. Kinuha ko na rin si baby at nilagay sa stroller dahil gising na rin naman siya. Para kapag umiyak siya ay mapapatahan ko agad kahit nagluluto ako.
Gumawa lang ako ng pancakes, nagprito ng eggs and bacon, at ininit ang breads. Habang hinahanda ko na ang hapagkainan ay bumaba na rin si Waves.
“Good morning, my wife and my baby!” masiglang bati niya sa amin bago siya lumapit at hinalikan ako sa lips. Yumuko siya para halikan din si baby sa stroller niya.
“Good morning, kain na,” sabi ko at nauna nang umupo. Umupo naman siya sa tabi ko.
Nagsimula na kaming kumain habang si baby ay nanatiling tahimik.
“Nag-text pala si Joreld sa 'kin,” sabi ni Waves sa kalagitnaan ng pagkain namin. “Baka raw puwedeng dalawin natin ang bakery niya.”
Napangiti naman ako. “Sige ba, pero okay lang ba sa 'yo?” sagot at tanong ko.
BINABASA MO ANG
Wife Series #1: The Undesired Wife
RomanceCOMPLETED "I'm not Azzile, I'm Elizza- the undesired wife." Elizza Tania had a crush on Waves Laserna when they first met. Suddenly, she didn't get a chance to be close to him because her twin sister, Azzile, got his attention. Waves fell in lov...