NAITANONG MO SA AKIN

14 0 0
                                    

Naitanong  mo sa akin,

Hanggang kalian kita mamahalin,

Dahil kalian man ay di mo ako gugustuhin,

Pero ang lahat ay kaya kong tiisin,

Dahil alam ko totoo ang aking mithiin,

Ang mahalin ka kahit ako’y maging alipin.

Naitanong mo sa akin, bakit ako pa?

Marami  namang pusong iba

Na magbibigay halaga,

Sa damdaming naging aligaga,

Simula ng ika’y makilala,

At walang nais kundi makasama ka.

Naitanong mo sa akin, kalian ako susuko?

Sa nadarama ng aking puso,

Kahit na nga ika’y lumayo,

Di pa rin ako nagbago,

Bagkus lalong naging totoo,

At pilit na binigyang kulay ang mundo,

Kahit sa sandaling ang lahat ay maglalaho.

Naitanong mo sa akin, handa na ba kitang palayain?

Dahil nais mo na tahakin ang dikta ng damdamin,

Ang pag-ibig ng iba’y talaga iyong susuyuin,

Dahil doon mo natagpuan ang tunay na pagtingin,

At naranasang maging Masaya sa bawat Gawain,

At simulan ang araw at tunay na aangkinin,

Upang kahit sa sandali ay may sasariwain.

Naitanong mo sa akin, nasaan ka ng ako’y nasasaktan?

Sagot ko’y hinanap ang sariling katauhan,

At tinahak ang yugto ng katahimikan,

Upang mabuo ang pusong nawalan,

Nang pagkakataong ang iba’y masundan,

Nang isang pag-ibig na tila ba pinagkaitan,

At ngayon  nga’y napagtagumpayan,

Na bumangon at may simulan tungo sa sariling kaligayahan.

Naitanong mo sa akin, bukas pa ba ako?

Sa puso mong minsan naging sarado,

At muntik na akong magbago,

At kalimutan ang sariling mundo,

Pati ang sariling pagkatao,

Ngunit hinayaan ko na maglaho,

Ang sakit na nadarama ko,

At ngayon nga ako ay sigurado,

Wala ka na sa puso ko.

Naitanong mo sa akin, tatanggapin ba kitang muli?

Ang puso ko ay nakadama ng pagkukubli,

At sa isip ko’y biglang sumagi,

Ang mga pangyayaring nagmamadali,

Na maalala na dapat ka nang iwaksi ,

Dahil ang isang katulad mong ngayon ay sawi,

Ay nararapat na kalimutan at isantabi,

At mamuhay nang wala ka na sa tabi.

Mga tanong mo’y naitanong ko rin,

Sana ako’y iyong palayain din,

At hayaan ang iba na ako’y mahalin,

Dahil minsan naitanong mo sa akin,

Wala ba akong sisihin,

Sagot ko’y wala at di ko na uulitin,

Dahil sigurado ako naman ang pagpapalain,

Na magkaroon ng mga ala-alang sasariwain,

Hanggang ako’y muli ay maging isang masayahin,

Sa mundong kailanman man ay tunay na akin.

Kaya naitanong ko rin,

Ang mga tanong mo sa akin,

Dahil ang lahat ay dapat mong paka-isipin,

Sa isang iglap ang lahat sa’yo ay kayang bawiin,

Ang mga bagay na pilit mong  inangkin,

Kahit Sa puso ay naging mapang-alipin,

Kaya ika’y nagtatanong din,

Handa mo na bang palayain,

At hayaan ang pusong mahalin,

Nang iba ring pusong naging sawi rin.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 16, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

NAITANONG MO SA AKINTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon