" Ex .. boyfriend. "
Kat - " .. Jep. I think I got something to do. Let's leave na, pwede? "
Seth - " .. "
Tumingin ako kay Seth ng matagal. Yung tingin na nagsasabing 'What the fact did I just read/heard?'
Pero hindi naman kumunot yung noo ko saka hindi rin lumaki yung mata ko, katulad ng iniimagine mo kung sakale.
Isipin mo na lang yung mukhang poker face na parang makakapatay ng tao. Tip : try mo sa sarili mo. Hirap no. Para ka lang puyat.
Let's get serious. Di naman biro yung marinig mo yung mga ganung bagay na biglaan. Parang pagkamatay ng crush mo nung Grade 6.
Parang yung pag-absent dati ng teacher n'yo nung elementary ta's lilipat kayo ng room ta's may iba kayong teacher. We're doomed.
Parang yung mga surprise exams. Ta's hindi ka nagreview pero lumandi ka whole day kasi ang landi mo sobra. Haba na naman ng intro ko.
Hindi ako nagalit kay Seth, sa totoo lang. Kasi 'di ko pa naman alam yung story behind. Sabi kasi sakin ni Doc, 'wag masyadong emosyonal.
Madalas kasi 'pag biased na tayo, naaapektuhan yung desisyon. Yung panghuhusga. Nadadala tayo sa majority, Cognitive Dissonance.
Yun yung dahilan kung bakit ako binigyan ni Doc ng barya. Teka, mai-throwback nga.
" Pa, ba't ganun ?"
Doc - " Baket? "
" Ako nga nagtatanong diba. Sagot ka lang dapat. "
Doc - " E hindi naman kumpleto yung sentence mo. Hindi yun tanong. "
" May question mark naman ah. "
Doc- " Hindi lahat ng may question mark e tanong talaga. Hindi rin naman lahat ng tanong may question mark. "
" Iniba mo na yung usapan e. Natatakot kasi ako sa opera ko e. Sabi mo, mabubuhay ako. E niresearch ko yung sakit ko e. "
Doc - " O, ansabe. "
" Mamamatay daw ako. "
Doc - " O talaga? Edi mamamatay ka. "
" Pa ! Tinatakot mo ko lalo e. "
Doc - " Sino bang mas pinaniwalaan mo? "
" .. yung .. internet. "
Doc - " Yung sarili mo. "
" E pa, ayoko naman kasi umasa. "