3rd PERSON's POV
"Anak ikuha mo nga ako ng tubig." Utos ng nanay sa kanyang anak.
"Ok po." Tugon naman ng anak nya.
Nasa ospital sila. Naka-confine ang kanyang ina. May malubha itong sakit.
"Mom pupunta lang po ako sa bahay ha. Kukuha lang po ako ng iba pang gamit." Paalam ng anak
"O sige. Bilisan mo lang ha." Nanginginig na magsalita ang kanyang ina dala ng katandaan.
Nakarating na ng bahay nila ang anak. Dimiretso agad ito sa kanyang kwarto upang kumuha ng mga damit. Kumuha din sya ng kumot at unan. Sunod naman nyang pinuntahan ang kwarto ng kanyang ina. Kumuha din sya ng ilang damit nito. Sandali syang naupo sa kanilang living room.
"Oh manang may problema ka ba?" Nakita nya kasi ang katulong nila na tila ba'y balisang-balisa at paroo't parito kanina pa.
"Ahh.. Ehh.. Mam Kylie huwag ka sana magagalit sa akin ha." Ang boses nito ay parang takot na takot.
"Oh manang bakit ka po ba nagkakaganyan? May problema ka po ba? Siguro miss mo na po ang iyong pamilya. Pwede ka naman po magbakasyon eh. Ok lang po sa akin." Pahayag ni Kylie.
"Hindi naman po yun eh." Sabi ni manang.
"Eh ano po? Sabihin mo na po. Nag-aalala po ako eh. Ano po ba yun?" Kinukumbinsi parin ni Kylie si manang.
"Eh kasi po nakita ko po ito nung naglilinis ako sa bodega. Kay Mam Kyla po yata ito." Sabi ni manang habang inaabo ang isang notebook kay Kylie. Kyla ang pangalan ng kanyang ina.
"Ah. Jusko manang akala ko naman kung ano na." Nakahinga nabng maluwag si Kylie.
"Manang mag-impake ka na. May beach house po ako malapit sa probinsya nyo. Eto po yung address. Alam ko po na pamilyar kayo dyan. Magbakasyon po muna kayo. Isama mo po ang pamilya mo. Gift ko na po yan sa inyo." Pahayag ni Kylie.
"Tanggapin mo rin po pala ito. Sweldo mo po at extrang pera para sa transportasyon nyo at pagkain. Ihahabilin ko rin po pala muna ang anak ko sa iyo. Pakisabi nalang po sa kanya pagdating nya galing school ha." Bilin nya kay manang.
"Sige po Mam. Salamat po sa bakasyon."
"Eto namang si manang oh. Parte ka na po ng pamilya namin. Kahit ano pa ang sabihin nila. Kahit di pa po tayo magkadugo, you're part of the family na po. Sige na nga manang. Alis na po ako ha." Sabi ni Kylie. At tuluyan na syang umalis
*+*+*+*+*
BINABASA MO ANG
The Lost Diary
RandomSalamat sa pagbasa ng aking mga libro. Ikatlong libro ko na ito at pinakaunang story na tapos kaya sana hanggang sa huli basahin nyo ito. ^_^