kabanata labing anim

2.5K 161 39
                                    

 tagal ng ud no? :----( 

May manghuhula ang lumapit kay jongin, ang sabi maaga daw siyang mapuputulan ng hotdog kapag hindi niya pinanagutan ang butong umusbong sa tiyan ng taong nabuntis niya. Kaya naman , eto siya ngayon. Pumupunta sa mga bahay bahay ng mga girlfriends niya para ibreak sila at sa awa naman ng diyos, wow. Naawa pa sakanya ang diyos. Madali naman niyang nagawa ang gusto niya, ang kaso may isang babae ang ayaw talagang makipaghiwalay sakanya. Si Juliet.

-

Nagkakamot ng leeg si kyungsoo habang si baekhyun ay humihigop ng isang buko shake na inilibre naman ng kumare nitong si lukesha. Si baekhyun lang ang walang problema dahil, bakit? Mabait na ang asawa niya, Inaalagaan ang mga makukulit nilang mga anak sa bahay samantalang ang dalawang mga pangit sa tabi niya ay namomroblema dahil mga puro sawi sa pagibig. Hayahay.

"Akala ko ba nagkalinawan na tayo nila negro na papanagutan niya ang anak mo? Anong nangyari?" ang bagot na tanong ni baekhyun kay kyungsoo na blanko lang na nakatingin sa may mesa.

"Pagkagising ko nalang kanina, wala na siya sa apartment niya. Tch. Tinakasan niya tong tyanak sa tiyan ko. Palaglag ko nalang kaya?" agad naman siyang binatukan ni baekhyun sa sinabi niya.

"kung papatayin mo ang bata, sumama ka narin. Parehas nalang kayong mamatay para quits." ang isnab nito sakanya sabay higop ulit sa buko shake niya.

"at ikaw naman, bakit nanuumay na sayo ang boyfriend mo?" ang palo niya sa balikat ni lukesha na kanina pa wala sa sarili. "bakit mas pinili niyang makipagtanan sa negro nayon! Sabihin mo nga! Pinapagamit mo parin ba siya ng proteksyon?"

 

 

 

 

"o-- oo."

 

 

 

"Bobo ka talaga, lukesha! Eh malay mo gusto ng magkaanak? Ang bobo bobo mo, gago." ang inis na sermon sakanya ni baekhyun kaya naman tinikom nalang ulit niya ang bibig niya. Wala talaga silang laban sa bibig ni baekhyun. Daig pa nito ang isang libong manok na tumitila tilaok.

Sa kabilang banda, makikita ang pagmamakaawa ni jongin kay juliet na maghiwalay na silang dalawa. Tutal, nakuha naman na nito ang pinakaaasam niyang hotdog, baka pwede nang maghiwalay na silang dalawa. Atsaka, magiging tatay na si jongen' at disidido siyang panagutan ang butong natanim niya sa tiyan ni kyungsoo. Kaso hirap eh.

Dalawang Mrs. Park.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon