Chapter 9.

49 40 21
                                    

Lexi's POV:

"dito na lang po kami Dok, hindi na kasi makapasok ang kotse mo sa maliit na eskinita," sabi ni Daisy kay Zev.

Nandito kami ngayon sa lugar nina Ela. Hinatid namin kasi sila rito kasama sina Zev at Daddy na tumungo sa kanilang lugar.
Nung una ayaw ni Ella naihatid namin sila pero dahil manghihina pa siya at hindi kaya ni Daisy naakyin siya ay pumayag na rin siya..
Nang nasa hospital siya ay hindi kami  gaanong nakapag-usap ni Ella at hindi din siya pumayag na magpa-admit doon sa hospital kaya omuwi siya na kasama kami.

Ang kotse ni Zev ang sinakyan namin para maihatid namin ang dalawa at siya rin ang nag-drive nito.

Ginising naman ni Daisy si Ella na nakatulog sa tabi niya. "Ate Ella, gumising ka na, nandito na tayo."

"AhhDaisy, nasaan tayo?" namamaus niyang sabi.

"Nandito pa rin po tayo sa kotse ni Dok Zev," sagot naman ni Daisy.

"Okay na ba ang pakiramdam mo Ella?" tanong ko sa kanya.

"Oo, Miss Lexi, bababa na kami at salamat sa tulong ninyo sa amin!"

Nang akma siyang bumaba ay pinigilan ko siya. "Hintayin mo muna kami para naalalayan ka."

Binuksan ni Zev ang pintuan ng kotse na nasa gilid niya at inalalayan siya nito na hindi namin namalayan na kanina pa pala nakababa.

"Hey girls! Let's go," nakangiting saabi ni Zev.

"Dok Zev, huwag na lang kayo pumasok sa skinita dahil baka mapahamak pa kayong lahat eh," nag-alalang sabi ni Ella.

"No, iha. Baka ikaw ang mapahamak kundi kayo namin maihahatid," sabat ni Daddy.

Hindi nakatutol si Ella dahil sa sinabi ni Daddy.

Pagkatapos  pumasok kami sa eskinita.
Medyo maputik ang dinadaanan namin at nalanghap namin ang masangsang na amoy galing sa kanal na nasa gilid lang ng eskinita.
Sa dulo nito ay may daanan na meedyo malaki na papunta sa kaliwa.

"Hali po kayo, liliko po tayo diyan at makikita ninyo ang bahay namin," sabi ni Daisy na nauna sa amin na lumalakad.

Nang lumiko kami ay agad namin nakita ang unang bahay na nasa gilid ng daan.

"Ito ba ang bahay ninyo?" tanong ko sa kanilang dalawa.

"Ahh oo, ito ang bahay ng Tita ko," sagot naman ni Ella.

Maliit lang ang bahay nila na gawa sa kahoy at ang bubong na yero ay tila kinakalawang na.

"Hoy! saan kayo galing?"

Isang babae na may tattoo sa kanyang braso ang humaharang sa harapan namin at may mga kasama pa siyang dalawang babae at isang lalake na pareho niya na may mga tattoo rin.

"Ahh May, huwag kayong humarang sa aming daanan," mahinang pakikiusap ni Ella.

"At sino ka para utosan ako ha?"... sabay hila niya sa buhok ni Ella.

Dahil sa pagkabigla ay nabitawan ni Zev si Ella na humahawak sa kanya.
Pero mabilis naman ito nakakilos upang matanggal ang kamay ng babae na humihila sa buhok ni Ella.

Agad ko nilapitan si Ella at niyakap habang umiiyak at nanginginig ang katawan.

"P* i* kayo! huwag kayong makialam dito!" galit na sigaw ng babae.

"Ano gusto mo May bugbogin namin?" sabi ng isang lalake na kasama nn babae.

"Ahh May, huwag ninyo silang pakialaman! Ako na lang ang saktan mo, huwag lang sila!" natatakot na sabi ni Ella.

Tears On The White RoseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon