Chapter 10.

54 25 14
                                    

Nagising ako na nasa loob na ng kuwarto at nakahiga sa aking kama.

Tumayo ako at mabilis na lumabas sa kuwarto. Palinga-linga ako sa paligid pero wala akong nakita na tao sa itaas kaya ako bumaba sa hagdan.

Nakita ko si Daddy na nasa sala at kausap niya ang bagong driver kong si Ian.

Lumingon siya sa akin at blangko lang nakikita ko sa mukha niya.

Nakatitig lang siya sa akin at hindi ako nagpatalo sa kanya dahil sinalubong ko ang mga titig niya!

"Ah baby, mabuti at gising ka na!" Lumapit si Daddy sa akin at niyakap niya ako. "Oh iha! salamat at walang nangyari sa iyo!"

Tahimik lang ako at 'di nagsalita.

Bumitaw ako sa yakap ni Daddy at mabigat ang mga paa ko na lumapit kay Ian.
Hindi ko na napigilan ang galit ko kaya nasampal ko siya na kinagulat naman niya!

"Get out!" Get out!" Pinaghahampas ko siya sa kanyang dibdib na nanggigigil sa kanya! "I don't need you here, kriminal ka!"

Hinawat ako ni Daddy at hinawakan niya ang aking kamay habang si Ian ay nakaupo pa rin ito at hindi man lang niya iniwasan ang mga hampas ko sa kanya.

"Ano ba ang nangyari sa iyo iha? Bakit ka nagkakaganyan?"

Tinabig ko ang kamay ni Daddy at hinarap ko siya.

"Bakit Dad? Tinatanong mo ako kung bakit ako nagkakaganito?" Naglaglagan ang mga luha ko. "Hindi ba sinabi ng lalakeng iyan kung ano ang ginawa niya sa akin?
Gusto niya akong barilin at patayin Dad!
Nagkamali ka sa pagkuha sa kanya na maging driver ko dahil mamamatay-tao siya Dad! Kaya paalisin mo na siya rito!"

Nagtinginan silang dalawa at parang nagugulohan si Daddy sa mga sinabi ko.

"Ah, iha. Magpahinga ka muna baka kasi masama pa ang pakiramdam mo,"

"No, Dad. Okay lang ako! Bakit ba parang hindi mo ako pinapakinggan?" Garalgal na ang boses ko. 'Di ka ba naniniwala sa mga sinasabi ko Dad?"

"Please iha, huwag kang ganyan,"

"What dad?" Napahagulhol ako dahil sa mga reaksyon ni Daddy na parang baliwala lang ang mga sinasabi ko sa kanya. "Kung hindi kayo naniniwala sa akin, pwes bahala kayo!"

Tumakbo ako palabas ng bahay na masama ang loob!
Hindi ako makapaniwala na i-baliwala ako ni Daddy.
Ganoon ba kalakas ang lalake na iyon kay Daddy? Na kahit ako na anak niya   ay 'di niya pinakinggan?

Takbo lang ako ng takbo na 'di ko alam kung saan ako pupunta.
Bumuhos ang malakas na ulan at wala akong masisilongan mabuti na lang at may taxing dumaan kaya pinarahan ko ito.

Pero bago pa ako makahawak sa pintuan ng taxi may humawak na rito. "Utang na loob bumalik ka na sa bahay ninyo!"

Sinamaan ko siya ng tingin at 'di ko pinansin.
Sumakay ako sa taxi at sinira ang pinto.

"Ah Ma'am, saan po tayo?"

"Sa malapit na squatters area po Kuya," sagot ko sa driver.

Gusto kong pumunta kina Ella, kailangan kong may makausap ngayon.
Kailangan ko ngayon ang isang kaibigan na handang dumamay, makinig at masandalan sa oras na ito.

Nang umalis ang taxi na sinasakyan ko ay nakita ko pa ang lalakeng humila sa akin.
Nakatayo lang siya sa gilid ng daan at basang-basa na siya ng ulan.
Nakatingin lang siya sa amin habang kami ay palayo sa kanya.

Pero bakit ganito? Bakit parang may bahagi sa puso ko na naawa sa kanya at gusto ko siyang balikan doon sa gilid ng daan?

Tinapik ko ang aking noo.

Tears On The White RoseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon