CHAPTER 1 : Mistery Box?

0 0 0
                                    

Amber's POV

Malungkot akong naglalakad pauwi ng bahay namin. Oo, umpisa pa lamang ng kwento ko ay malungkot kaagad. Bakit? That's the reality. Accept it besh. Hindi palagi masaya, hindi palagi happily ever after.

Nagmumuni-muni ako ng.....

Aling Puring: Amber! (malungkot) H'wag kang mag-alala magiging maayos din ang lahat.

Si Aling Puring pala, isa sa mga kapit-bahay namin dito sa Barangay Mesa. Kasama nya ang kaniyang anak na si Butoy.

Butoy: Ate Amber! Smile kanaaaaa

Napangiti ako ng kaunti sa sinabi ng mag-ina. Pero makikita mo pa rin sa mga mata ko ang mga lungkot. Hindi ko kayang lokohin ang aking sarili. Malungkot ako besh. Sobrang malungkot.

Nang nasa tapat na ako ng aming bahay, napatingin ako sa Makahiya na nakatanim sa bandang garahe ng bahay na umabot na sa labas ng gate. Napangiti ako. Oo, naalala ko na naman sya.

*FLASHBACK
Baby Amber: Huhuhuhuhu (umiiyak sa harap sa makahiya)
Unknown baby guy: Uy! Bat ka umiiyak dyan?
Baby Amber: Kasi, itong halaman tumitiklop kapag hinahawakan ko. Ayaw nya ba sa akin?? Lagi nalang syang ganyan. :3
Unknown: (tumawa) Hindi dahil sa ayaw nya sayo. Sabi ng mama ko tumitiklop daw talaga ang makahiya kapag hinahawakan ng mga tao.

Naputol ang pag- uusap namin ng...
*Click *Click *Click
Lola Linda: Hi mga bata! Ang cu-cute nyoooooo! picturan ko pa kayo. Smileeeee

At ngumiti nga kami sa camera na bitbit nya.
*END OF FLASHBACK

Napangiti ako. Nang papasok na ako sa loob ng gate namin ay napatingin din ako sa dalawang bike na magkatabi na nakaparada sa garahe namin. Ang bike na inaalagaan ko hanggang ngayon dahil itong mga ito ay naging bahagi ng masayang nakaraan ko. Isa pang alaala na iniwan nya. Nalungkot ako kaagad.

Pagkadating ko sa bahay namin ay sinalubong ako ng aking mama.

Mama: Oh! Amber! Kumain ka na.

Hindi na ako sumagot kay mama. Dere-deretso lamang ako papunta sa lamesa. Habang kumakain ako....

Mama: Amber, si vakla? yung may-ari ng resort na paborito nyo? Balita ko ay isinangla niya ang resort ah? Di ko lang mawari kung bakit.....assddfffggghkklll...

Dada ng Dada si mama pero ako pinapakinggan lamang sya. Si Vakla, sya si Kuya Albert but nasanay na kami na vakla ang tawag sa kanya since Vakla nga sya.

Pumunta na ako sa kwarto ko. At humiga sa aking kama. Simula kanina ay malungkot pa rin ako. Walang bago.
Aba teka! Hindi pa pala ako nagpapakilala. *End of drama muna*
Hiiiiii reader/ssss! If meron man -_- Ako pala si Amberleen Rose Arzola, just call me Amber. fresh na fresh. Charot! 22 years old. Itsura ko? 5'6 ang height, mahaba and straight hair, 30% morena, 70% mistizaaaa, at payatotsssssss . Yes! Payatot ako, bakit? May problema ka sa payat? Sige, wag mo na basahin to. Psh! Di kita kailangan. FYI. Charoooottt.
*back to drama*

Malungkot akong nakatingin sa kisame ko baka sakaling bumalik na sya. Hehe Nang.....

Mama: Amberrrrrrrrrr!!!!!!!!!!

Napabalikwas ako.

Ako: Maaaaaaa!!!!!!
Dali dali akong lumabas ng kwarto ko.

Mama: Hinahanap ka ni Lola Linda. Kung pwede daw ay dumaan ka naman daw pala sa bahay nya. Sabi kanina nung apo nya.
Ako: Ma, ayos ang tawag nyo ah? Akala ko kung ano na. Hayst -_- *poker fes

Aatakihin ako sa nanay ko e. Nagpalit muna ako ng damit bago lumabas ng bahay. Aba nakauniform pa ako since I'm from school. Graduating ako ng college. Wag kaaaa!

Pumunta na ako sa bahay ni Lola Linda, Siya pala yung isa sa mga malapit na kapit-bahay namin. Halos lahat kasi ng tao dito sa aming barangay ay magkakakilala. Rural place in short.

Ako: Lola Lindaaaaaa!

Nang marinig ako ng mga tao sa loob ng bahay ni Lola Linda ay pinapasok nila kaagad ako.

Ate Liza: Naku! Kanina ka pa hinihintay ni mama. Halika! Pasok ka.

Habang naglalakad ako papasok ay sumalubong sa akin mula sa malayo ang masayang mukha ni Lola Linda na nakaupo sa wheelchair sa sulok ng sala nila. May hawak syang kahon na kasing laki ng mga kahon ng sapatos.

Lola Linda: KenBer!
Masayang sabi ni Lola na nakapagpatigil sa akin sa paglalakad.
Lola: Oh! Bat ka huminto sa paglalakad? Halika ineng!
Kaya naglakad ako muli papunta sa kanya at umupo sa upuan na katabi nya.

Lola: Ibibigay ko lamang ito sa iyo (sabay bigay sa akin kahon) matagal ko ng itinatago iyan. Hindi ko pa dapat ibibigay pero nakita ko kasing malungkot ka.

Kinuha ko ang kahon,
Ako: Ano po ito? (seryosong tanong ko)
Lola: Basta! (masayang sabi ni lola) Matutuwa ka! Pero buksan mo yan pagdating sa bahay nyo.

-------------

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 29, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

YouWhere stories live. Discover now