Mission 49

1.7K 75 13
                                    

Please do votes and leave a comment.

---
RYLEE POV

"So ayon, sa friday na magaganap ang inyong fieldtrip. At gaya ng laging niyong inaasahan ay bayad na ni Jace ang fieldtrip fee niyo."nakangiting wika ni Sir samin.

Napabuntong hininga naman ako dahil doon. Hindi ko kasi gusto ang lugar na pupuntahan namin. Kaya nagdadalawang isip ako na pumunta doon.

Bakit about science pa kasi ang theme ngayon sa fieldtrip? Tsk! Bakit di na lang kasi plain na pamamasyal ang gawin. Bakit inalign pa nila sa pag-aaral tsk! Nakakainis talaga. Tsaka sa dinami-raming pwedeng topic sa science eh about pa sa aquatic.

"Sis, excited na ako para sa fieldtrip natin sa friday!"kinikilig na wika sakin ni Adam pero agad ding nawala ang kasiyahan sa mukha niya ng makita niya ang reaction ko. "Oh? Bakit ganyan ang mukha mo, sis? Hindi ka ba excited sa fieldtrip?"tanong niya na inilingan ko naman kaya napapout siya.

"Eh kasi naman! Sa dinami-rami ng pupuntahan natin ay bakit sa ocean park pa? Ano yun? Bata lang ang peg?"wika ko sa kanya na mas lalo niyang ikinapout.

Actually, hindi naman talaga iyon ang pinuputok ng butsi ko. Kundi yung fact na may truama ako sa ganoong aquarium. Hindi ko alam kung alam na nila iyon dahil sa eksinang naganap noong nakaraang linggo. Sana lang talaga hindi sinabi ni Jaoquin sa kanila ang kwento sa likod ng mga iyon. Pero duda rin ako dahil matatalino ang mga taong nakapaligid sakin. Lalo na si Jace.

"Rylee! Rylee! Rylee! Tabi tayo sa bus sa friday ha?"masayang wika sakin ni Ked pero agad ding nawala ang ngiti niyang makita niya ang salubong kung kilay. "Bakit?"

"Ang ingay mo. Pwede mo namang sabihin ng malumanay. Kailangan talaga isigaw?"pagsusungit ko sa kanya.

"Ay, sorry naman! Naexcite lang ako. Sana may seahorse doon."kumunot ang noo ko dahil sa sinabi niya.

"Seahorse?"nakangiti siyang tumango sakin.

"Oo! Kasi sa wakas! Makikita mo na rin ang kakambal mo!"

Abay gago 'to ha!

"Keeeeeeeeeeeeeedddddd!!!!!!"sigaw ko sa kanya at tumakbo naman ang tontang na iyon! Sinasabi ko na nga ba! Wala talagang magandang sasabihin ang bubwit na yun. Tsk!

Hinabol ko si Ked dahil sa pambwibwisit niya sakin. Pero dahil mabilis siyang tumakbo ay hindi ko siya naabutan. Di ko na rin alam kung saan siya lumiko kaya naman imbes na hanapin siya ay lumiko na lang ako at dumiretso sa canteen. Kaso lang may estrangherong humila sakin at kinaladkad ako sa kung saan.

"Ano ba!"reklamo ko pero di siya nagsasalita. Bwisit 'to ha! Buti sana kung paharap ang pagkakaladkad sakin kaso HINDI! Dahil patalikod niya akong kinaladkad.

"Tsk!"wika niya tsaka pabagsak na binitiwan ang braso ko.

Bwisit akong humarap sa kanya tsaka siya sinamaan ng tingin. Pero agad ko ding binawi ng makita 'kong si JM ito at mas masama ang tingin na pinupukol sakin.

"What?"mataray 'kong tanong sa kanya. Kailangan kong magtaray-tarayan dahil nakakabwisit siya.

Akala niya nakalimutan ko na yung pagtatanggol niya kay Safhira noong nakaraang linggo. Tsk! Tsk! Nek nek niya! Nilandi-landi niya pa ako noong auction party tapos ako na inarabyado ng demonyetang babaeng iyon, ako pa ang di niya kakampihan? Tsk!

"Can we talk?"mahinahon niyang wika kaya tinaasan ko siya ng kilay. Ang taray ko na talaga!

"You're already talking."

"I mean is in private."

"We're already in private."

Ginulo niya buhok niya tanda ng pagkafrustrate niya. Tsaka niya ako sinamaan ng tingin. Di ako nagpasindak sa kanya kahit na sa loob-loob ko ay natatakot na ako sa mga tingin niya.

Make The Mafia's FallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon