Oh ? Bat parang nakakita ka ng multo ?
Hindi ko alam kung maiinis ako o magagalit o parehas ? 'Di ko alam kung multo 'tong lalaking 'to o sadyang may super powers siyang magteleport.
Pero teka. Pano niya nalaman na nandito ako ?
Salamat ha.
Tumayo ako tas kinuha ko yung bag ko.
aalis na sana ako.
Huy ! Teka ! May bayad yan !
Ha ?
Whaaaaaaaaaaaaaaaaaaaat ?! Hindi ko naman sinabing ibalik niya yung panyo ko at hindi ko rin sinabi na sundan niya ko dito para lang diyan sa panyo na yan.
Sorry ha. Kahit kapkapan mo ko dito ngayon. Nisingkong duling wala kang makikita.
Bakit sinabi ko bang pera yung gusto kong kapalit ?
Hindi naman sa nag papabebe ako or what. Ayoko lang talaga sa mga lalake at isa pa hindi rin ako mahilig makipag usap sa kahit na sino man.
Kunwari hindi ko siya narinig at naglakad ako palayo.
Sige ka. Pag di ka tumigil sisigaw ko pangalan mo at may kasama pang "iloveyou"
Oh f*ck. Ano bang trip nitong hinayupak na 'to ?! Just go to hell you f*cking freak.
^Ayan yung nasa isip ko pero sa personal nakatayo lang ako at walang imik.
Ok. Kalma ka lang clairevelle, kalma lang, Wag mong hayaang sirain niya ang araw mo.
Okay. Mr. Marc. Ano bang gusto mo ? Kung wala kang mapag tripan pwes mag hanap ka ng iba wag ako.
Ang suplada mo naman. Gusto ko lang naman makipag kaibigan eh.
Eto na yung last na magkikita tayo ha. Ayokong makipagkaibigan sayo. Ok na ba ? Salamat sa pag balik mo ng panyo.
Hindi na siya nag salita. Ngumiti lang siya na parang magaganda yung salitang lumabas sa bibig ko.
Ipinasok ko yung panyo ko sa bulsa at naglakad palayo.
Palabas na ko ng gate 1. Hindi ko alam kung anong meron basta ang weirdo ng araw na 'to, kakaiba sa mga naranasan ko.