Ilang linggo na ang nakalipas simula nung mag-umpisa ulit ang klase namin, ilang linggo na rin akong halos kulang tulog. Maghapon na klase, training sa hapon, review sa gabi, at kapag Sabado naman, kalahating araw akong nasa mansion para sa firing lesson ko. Nakakapagod, gusto ko na lang matapos na ang academics at sports competition para makabalik na rin ako sa normal kong buhay. Halos hindi na rin kami nagpapangita ni Mika dahil abala din siya sa paghahanda para sa oratorical contest niya.
At ngayong gabi, kailangan ko pa iprint yung final paper ko ng feasibility study at sa isang araw na ipapasa ito, kailangan pang ipabook bind. Para sa mga hindi nakaka-intindi kung bakit may feasib na kami, bali T.H.E namin ito, Business Management kasi ang T.H.E ng mga third year kaya ayun.
Alas-diyes na ng gabi at medyo inaantok na din ako dahil sa pagod sa training kanina pero hindi ako pwede matulog dahil kailangan ko pang magreview kahit papaano para sa academics competition plus may quiz pa kami sa Trigo bukas. Kaya habang inaantay kong matapos yung piniprint ko ay isinabay ko na ang pagrereview para sa quiz namin bukas.
Nabigla naman ako ng biglang may nagvibrate sa may bedside table ko, tuloy tuloy ito kaya tumayo na ako para tignan kung sino ang tumatawag sa akin, sino naman kasi ang matinong taong tatawag ng ganitong oras ng gabi.
*Unknown Number calling…
*Unknown Number calling…
Medyo nagdadalawang isip pa ako kung sasagutin ko yung tawag, hindi ko kasi ugaling sumagot sa mga tawag na hindi nakasave yung number sa contacts ko pero naisip ko na baka importante kaya sinagot ko na lang din.
“Hello?” nag-aalangan kong sagot sa cellphone ko.
Young lady. Hindi ako pwedeng magkamali, boses ni Sander ‘to.
“Sander?” tanong ko sa nasa kabilang linya, sinisigurado ko nga.
Ako nga. Kamusta? Totoo ba? Nag-overseas call para mangamusta? Pwede naman sa email o kaya sa facebook.
“Ok naman, eto medyo busy. Ikaw?”
Okay lang din. Bakit gising ka pa? 10 pm na diyan di ba? tanong naman niya sa akin, concern ka ba Sander?
“May tinatapos pa ako tsaka magrereview pa ako e. Napatawag ka?”
Ahh. Wala kakamustahin lang sana kita. Pasensya na nakaistorbo ata ako. Medyo nalulungkot ang boses niya. Hala, e wala naman akong sinabing naistorbo niya ako. Natutuwa nga ako na tumawag siya e.
“Naku hindi. Hmm, ngarag lang talaga ako ngayon, alam mo na, volleyball tsaka acads.” Paliwanag ko naman sa kanya.
Ah ganon ba. Nabalitaan ko nga na ikaw din ang lalaban para sa academics competition. Oh baka naman nakakalimutan mo ng kumain ha. sagot naman niya sa akin.
BINABASA MO ANG
Blood Vows
ПриключенияCadence is a girl every man is dreaming of. Pretty, intelligent, talented, and a girl who got good heart and values. Others envy her because of her princess-like life. But seriously, do you want to have a life like hers? Because, you're actually jok...