Chapter 5: The Unknown Caller
"Ayos lang kayo? Bakit hindi kana kumikibo?"
Nakatulala lang ako sakanya habang hinihila nya ako pati si cheskang tulala. Dinala nya kami sa bench kaya umupo kaming dalawa dun.
"Uyy bakit? Anyare sainyo? M-mali ba ginawa ko?" Aniya. Dali dali akong umiling. Maya maya ay tumawa si cheska kaya napatingin kami sakanya
"Tangina.. nabiktima mo kami ah? Galing.. akala ko si snobero ka." Tama sya.. akala ko si mikaelle din si jihyo. Oo si jihyo..
"Snobero? Sino yun? Hehe.." inosenteng sabi ni jihyo
"The fucking shit ex ni kylie. Mikaelle Stephen Par---"
"Cheska.." tumaas kilay ko sakanya. Pansin kong nagiging madaldal na ang babaeng to. Anong nangyari?
Tumingin nalang ako kay jihyo at naabutan ko syang salubong ang kilay habang nakatulala na naman. Lumakas na naman tibok ng puso ko sa naging reaksyon nya.
"Mikaelle na naman.." bulong nya
"A-ano yun jihyo?" Utal na tanong ko
"Ha? Wala wala.. diko kilala yun. Pasensya na.." anya at kumamot sa batok.
"Huh talaga? Saang lupalop ka galing at hindi mo kilala ex nya?" Natatawang sabi ni cheska kaagad ko naman sinamaan ng tingin
"Galing akong probinsya ng Quinones. Nung isang buwan lang ako lumipat dito.." anya. Sa pagkakaalam ko sobrang layo ng quinones eh.. umaabot ng 10 hours bago makatungtong don.
"What!? Kaya pala bago ka sa paningin ko. Pero wait, mind explaining to me what's between in you two? Magkakilala kayo?" Bakit parang naging madaldal si cheska? Nahawa yata kay faith.. kung makatanong kala mo kilala kausap-_-
"Yup. Kaklase ko sya sa isang subject. Nagkilala kami sa library.." Sabi ko nalang at ang mahaderang bakla ay nakangising demonyo.
"Aaahhhh.. kaya pala. Akala ko bago mong fafa... pero seryoso bagay kayo ahihihihi.."
--
"Kylie!! Kamusta!? Di kana namamansin.." gulat ako ng sumulpot si Ivan at Jacob sa harapan ko. Ang laki ng pinagbago nila..
"Oo nga. Parang wala tayong pinagsamahan.." nakangusong sabi ni Ivan kaya binatukan sya ni Jacob
"Uyy hindi naman! Diko lang kayo natyetyempuhan. Busy din eh." Tumango naman silang pareho.
"Sabagay. Mahirap talaga kapag college. Sama ka samin, libre kita lunch." Ani jacob. Nanlaki mata ko at kaagad umiling. Seryoso bigla talaga akong kinabahan. Naiimagine ko tuloy na magkakasama kami tapos biglang susulpot si mikaelle.
Kahit gusto ko syang makita.. diko parin maiwasan magdamdam.
Tumawa bigla si Ivan yung tipong labas lahat ng ngipin. Ang dami ding napatigil sa paglalakad at napapatingin kay Ivan. Alam na alam nya talaga kung paano magkakuha ng atensyon. Di na nagbago. Kaagad naman syang tumigil napansin nya ata pero nakangisi padin sya.
"Kayong dalawa talaga di ko maintindihan. Pareho kayong abno.. hayss gago din kasi sya eh. Masyadong natrauma ang mokong." Bumilis kabog ng puso ko sa sinabi nya..
"Huh? Sino panda? Anong pinagsasabi mo?' Tanong ni jacob. Saglit na tumingin sakin si Ivan bago bumaling kay jacob
"Ha? Wala daga! Naalala ko lang si zakky. Napalakas ata nasa isip ko ahahahaha!" Tumatawa na namang sabi nya. Napailing iling nalang kami. Si Ivan yan eh, wala kang aasahan dyan kundi puro kalokohan.
BINABASA MO ANG
BOOK2: The Snob Gangster's Secrets
Novela Juvenil(BOOK TWO) Kung gaano katagal bago naging sila, ganon kabilis silang nagkahiwalay. Everything's perfect, but why did it happen? What's wrong with mikaelle? Why the snob mikaelle keep hiding secrets from kylie? Ano ang meron at puntirya yata sya ng k...