Kabanata 22

650 13 0
                                    

"Okay, now we're settle."

Matapos sabihin ni Dylan ang mga salitang yun, agad nang nag atrasan ang mga kasama nito at lumabas.

Wala namang magawa si Edward dahil armado ang mga lalake. Ayaw niyang may iba pang mapahamak dahil baka magkamali lang siya.

Bago pa makalabas sina Dylan ng tuluyan sa restaurant, may biglang nagpaputok ng baril pero hindi yun ang tauhan ni Dylan kundi mga pulis.

"Walang gagalaw! Ibaba niyo ang baril niyo!" sigaw ng pulis habang nakatutok ang mga baril nila sa tatlong lalake

Agad naman napaupo si Ran habang nakatakip sa tenga niya. Naririnig niya ang sigaw ng mga taong nasa loob. Ang paghingi nila ng tulong at ang paghagulhol nila.

"Fuck!"  sigaw ni Dylan sa isip habang paatras na naglalakad ng dahan-dahan

"Ibaba niyo ang baril niyo at sumama kayo samin sa presento!" sigaw ulit ng pulis

Nakaupo parin si Ran habang nakapikit. Gabing gabi na pero di parin siya nakauwi. Ang pinag aalala niya, baka mapahamak na naman siya at makaabala na naman sa parents niya.

Lalo na sa Dad niya. Medyo maayos na silang dalawa matapos nung nangyari sa warehouse pero baka magalit na naman yun kapag hindi niya naingatan ang sarili niya.

Hindi sumunod sa mga pulis ang tauhan ni Dylan kaya nagkabarilan ang dalawang panig.

Napuno ng sigaw at putok ang buong lugar. Nakikipagbarilan ang tatlong lalake habang nagtatako sa likod ng sasakyan na naka park doon. Habang tumatakas si Dylan, bigla namang siyang inagawan ni Edward ng baril. Natuon kasi ang atensyon nito sa mga tauhan niya. Nagsuntukan silang dalawa hanggang sa nabitawan ni Dylan  ang baril niya.

"Edward...?" sambit ni Ran

Habang nagsusuntukan sila, pinulot nung ina ng bata ang baril at itinapon sa malayo para hindi na ulit yun magamit ni Dylan. May namatay nang isa sa kanila na ang tanging gusto lang ay makapag bonding sa taong mahal nila pero yun na pala yung huli. Ayaw niyang madagdagan pa.

"Mommy..." tawag sa kanya nung anak niya kaya nilapitan niya na ito at niyakap

Dumapa sila para masiguradong hindi sila matatamaan ng baril.

"Akala mo ba talaga hahayaan pa kitang makaalis, Dylan?!" sigaw sa kanya ni Edward habang nakadagan ito sa katawan niya. Hawak niya ito sa leeg kaya nahihirapan na itong hininga

"At bakit hindi?" nakangising tanong nito imbes na sagutin ang tanong niya

Yun ang pinagtataka ni Edward. Hindi niya alam kung anong ibig sabihin nito.
Maya maya pa, sinuntok ni Dylan ang mukha niya kaya natamaan siya sa mata. Agad bumangon si Dylan at pumunta sa direksyon ni Ran na gumagapang papunta sa direksyon nilang dalawa ni Edward.

Kahit hindi pa masyadong malinaw ang paningin ay nakita ni Edward si Dylan. Agad niya itong sinundan kaya natamaan siya ng bala sa tiyan niya.
Agad umagos ang dugo nun kaya natumba narin siya sa sahig.

"Edward?!" sigaw ni Dylan at bumalik sa pwesto ni Edward

Inakay niya si Edward at pinuwesto sa isang sulok na di matatagusan ng bala.

"Edward? Edward?!" sigaw niya at tinakpan ang tama nito

Agad lumapit si Ran sa kanila.

"Dylan? Anong ginawa mo sa kanya?"  umiiyak na sigaw ni Ran at agad pinahiga si Edward na wala ng malay dahil sa dami ng dugo na nawala sa kanya

Umiling iling lang si Dylan at dahan-dahang tumayo. Sasagot pa sana siya pero may papasok ng pulis kaya tumakbo na siya palayo. Sa likod ng restaurant siya dumaan.

Stupid Mistake (WILL BE EDITED SOON)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon