Nakarating na ako sa apartment ni Sir. Hindi ko pa binubuksan ang main switch pero tanaw ko na ang mga gamit na nakatambak lang doon. Kung ano ang iniwan ni Sir sa kanyang kwarto, gano'n pa rin. Nakakalat pa rin ang lahat ng mga dokumento na nagsisilbing lead niya sa imbestigasyon. Binuksan ko na ang main switch at inilapag ang mga gamit ko sa sahig nang sa gano'n ay makapagpahinga ako saglit.
Gumagambala pa rin sa akin ang vandals na nakasulat sa hood ng kotse ko kanina. Hango sa latin ang teksto kaya alam ko na may kaugnayan na naman ito sa iniimbestigahan namin ni Sir. Nababahala ako sa ideya na baka may bumubuntot na sa akin—at nasa panganib na ang buhay ko. Malamang ako naman ngayon ang plano nilang patumbahin pagkatapos kay Sir. Pero hindi ako magpapatinag sa kanila.
Sa kalagitnaan ng pag-iisip tungkol do'n ay binuksan ko ang kuwaderno ko at muling binasa ang mga sinulat ko roon. Sa tingin ko ay may kaunting pagkakaintindi na ako sa nangyari, base sa mga sinulat ni Teresita. Una ay ang paghihiwalay sa kanya ni Paulo, matapos silang makita ni Audrey na naghahalikan. At sa galit niya kay Paulo ay minanmanan niya ito—kung saan ay posbileng mayroon siyang natuklasan.
At bilang paghiganti ay may ibinunyag si Teresita tungkol sa dati niyang karelasyon. At para magawa niya ito ay kinailangan niya ang tulong ng kapatid niyang si Andre—na siyang tanging pinagkakatiwalaan niya noon. At sa gabing nagawa nga nila ang nais niyang gawin ay may nangyaring hindi maganda na sila lang dalawa ang nakakaalam.
On the other hand, napagtanto ko rin na hindi pala naabutan ni Teresita ang pagiging mag-asawa nina Sameer at Audrey noon—kung totoo man ang testimonya ni Audrey. Kaya panigurado ay walang kaalam-alam si Teresita sa naging history ng dalawa—bago pa man niya nakilala si Sameer. Sinabi sa akin ni Audrey na naghiwalay sila ni Sameer nang mahigit 3 to 4 years na, noong nag-uusap kami. At dalawang taon pa lang si Teresita sa kanyang trabaho.
Nakilala ni Teresita si Sameer matapos ang hiwalayan nila ni Paulo. At ito ang mga araw na hindi na sila nagpapansinan ni Audrey. Kaya malaki ang possibility na hindi rin alam ni Audrey ang tungkol sa pagitan ng dati nitong kinakasama at dating matalik na kaibigan. Malaki ang chance na tanging nakakaalam talaga tungkol sa komplikadong lovesquare na ito ay si Sameer. Alam niya kung saan nagtatrabaho si Teresita, at alam niyang mag-officemate sila ng kanyang ex-wife. Kaya sa kanya ako nakatuon sa ngayon.
Pero hindi ko pa rin inaalis ang posibilidad na may alam nga si Audrey sa mga nangyayari. Para sa akin ay isa parin siyang person-of-interest.
Isa pa ay napaka-sketchy ng description ni Teresita tungkol kay Sameer sa kanyang diary. Dahil nakasaad doon na isa umanong relihiyosong tagasunod ng Hinduism si Sameer—pero nakasaad din doon na ang paborito niyang pagkain ay steak. Ang pagkakaalam ko ay bawal para sa mga Hindu ang kumain ng karneng-baka. Kaya hindi ako nagtitiwala na genuine pagpapakilala ni Sameer kay Teresita. Sa palagay ko ay nagpapanggap lamang ito tungkol sa kanyang tunay na pagkatao.
Iniliapag ko rin ang notebook ko sa mesa kasama ang mga diary, hindi katagalan, at inusisa ang mga gamit na naiwan ni Sir. Nakita kong may lumang projector pa rito at film na sa tingin ko ay nagmula pa sa panahon pa ng mga Amerikano. Hindi ko na muna pinakialaman ang projector na ito dahil hindi ko pa alam kung paano ito iset-up.
BINABASA MO ANG
Ang Pagkawala Ni Teresita Gomez
Детектив / ТриллерSi Teresita Gomez ay ipinanganak sa isang simple ngunit marangyang pamilya. Bagama't maayos ang kanyang pamumuhay ay may mga patong-patong na problemang dumating sa kanya. Dahil dito, napagpasyahan niya na munang umalis upang nang sa ganoon ay makap...