Short story for Bestfriends

6 1 0
                                    

Warning:

Ang storya pong ito ay bunga po ng imahenasyon ko. Marami pong mali sa story na 'to, grammatical errors, typos at kung ano-ano pang mali. Mobile ko lang po ito ginawa kaya po may mali po talaga, sana po ay maunawaan ninyo bago kayo bumasa nito. Kayo na din po ang bahalang umintindi sa mali. Salamat hehe! :)

Ako nga pala si Maya at sya naman si Janna. Ang pinakaclose ko sa lahat ng kaibigan ko. Inshort sya lang ang Bestfriend ko.

Palagi kaming magkasama. Nagchichismisan at nagkakasundo kami sa lahat ng bagay.

Sa tuwing may problema, sya ang takbohan ko at ganun din sya. Tawanan dito, tawanan doon. Sapakan dito, sapakan doon.

Kahit na anong kalokohan ginagawa namin. Pinagtatanggol ang isa't isa. Sa barkada namin, kami lang talaga dalawa ang nagkakaintindihan.

Gala doon, gala dito, gala everywhere. Picture dito, picture doon. Ganyan kami ni Janna.

Sabay din kaming umuuwi galing skwelahan. Kakain sa kahit saang pwedeng kainan.

Minsan nga naisipan naming kumain sa jollibee pero hanggang isipan lang. Hindi sya natuloy kasi walang kaming dalang pera. Tsaka biglaan din yun. Pero sa sumunod na araw doon na talaga kami kumain. Minsan nililibre nya ako, minsan nililibre ko din sya.

Kapag may kailangan, magsabi lang. Hindi kami nagtatago ng sekreto sa isa't isa. Kahit na sa pagpili ng lalaki.

Hate nya, hate ko din. Hate ko, hate nya din. Nagbibigayan ng advice sa isa't isa. Mag-iiyakan pagkatapos magtatawanan.

Ang daming memories na kailanma'y hindi ko makakalimutan.

Hanggang sa pasokan na. 4th year na kami. Masaya kaming dalawa pero nalungkot din dahil magkahiwalay kami ng room.

Gusto kong lumipat pero hindi na daw pwede. Kaya wala kaming magawa. Mag-isa ako at lahat ng barkada ko nasa iisang section.

Nung una nagsasabay kami. Hanggang sa nabusy sya at ganun din ako.

Tumagal ng ilang buwan. Hindi na sya nagtetext o nagchachat man lang. Yung walang kwenta naming usapan wala na.

Kahit na "online" sya pero hindi man lang nya naisipang ichat ako. Kaya ako nalang ang unang nagchat. Nagrereply naman sya pero sobrang tagal.

Nalulungkot ako. Feeling ko mag-isa nalang ako.

Sa tuwing free time pumupunta ako sa room nila. "Janna, alam mo ba na bla bla bla," "Janna, grabe si bla bla bla," "Alam mo janna may nakita akong ganito, ganyan, chu chu chu,"

Palaging ako ang nag-o-open ng topic. Napapansin ko lang na super close na sila ni Lea. Isa sa barkada namin.

Puro lang sya tango at "ahhh," kahit na medyo masakit, tinitiis ko. Para ko na rin syang kapatid. Tsaka normal lang naman na magkaroon ng kaibigan ang bestfriend mo.

Ayokong may umagaw sa kanya. Nakakaselos.

One day niyaya ko sya na kumain kami sa Restaurant ni Tita. Halos malukot yung puso ko sa sinabi nya.

"Maya, sasamahan ko pa kase si lea,"

Nasaktan ako ng sobra. Kasi never nya pa akong tinanggihan. Palagi nya akong inuuna.

Gabi na nung umiyak ako. I feel so lonely. I keep asking god kung bakit napakamalas ko. Niisang kaibigan wala ako.

My mom and dad died. Ang nag-iisang sandalan ko, iniwan ako. Wala akong tigil sa pag-iyak.

Papunta ako ng library. Nakita ko silang nagtatawanan ni lea at janna sa kabilang hallway.

Hindi ko nalang ito pinansin. Pauwi na ako ng maisipan kong sabay nalang kaming umuwi.

Pumunta ako sa room nila. Tinanong ko si beth. Sabi nya gumala daw sila ni lea. Mapait akong ngumiti at umuwi nalang.

Nag-open ako ng facebook at unang bumungad sa akin ay ang pictures nila sa park ni Lea. Si janna ang nagpost.

Nainggit ako at may konting kirot sa aking puso. "Gala with beshieeee😘" yan ang caption. Pinatay ko na phone at natulog.

Nasa McDo ako ngayon habang kumakain. Nagbabasa ng story sa wattpad nang may umupo sa upuan na kaharap ko.

Hindi ko ito pinansin at baka nakikiupo lang dahil wala ng bakante.

"Miss,"

Patuloy ko sa pagbasa. Boses babae. Hindi ko pa rin pinapansin. Ayokong mapahiya.

Baka kapag inangat ko ang aking ulo, hindi pala ako yung tinawag. Ghad nakakahiya kaya yung ganun.

"Excuse me miss,"

This time napaangat na ang aking ulo dahil sa kalabit nya. Ibinulsa ang selpon.

"Ako ba?" I asked habang nakaturo sa aking sarili. Mahina syang natawa.

"Oo ikaw," ipinatong nya ang kanyang siko sa lamesa.

Tinanong nya ako kung gusto ko ba daw mag-artista. Nagdadalawang isip pa ako at hindi naniniwala pero sa huli ay pumayag din ako.

Dumaan ang ilang taon. Graduate na ako sa senior. Magcocollege na ako.

Sa tatlong taon na lumipas. Sumikat ako at nakilala. Ang dami ko ng fans. Pero parang may kulang.

Dumaan ang tatlong taon na hindi ko na sya nakikita pa.

Interview ko ngayon sa THE BUZZ. Tinanong ng kung ano-ano at natigilan ako sa tanong nya.

"Sino ang bestfriend mo? Pwede mo bang ipakilala?"

Ilang minuto bago ko sinagot ang tanong nya.

"Wala po akong bestfriend. Nihindi ako nagkaroon ng bestfriend."

Natapos na lahat. Nagulat ako pag-open ko ng account ko sa fb.

Ang daming messages galing sa kanya. Nakita ko yung date. Ito yung date na ipinalabas ako sa tv.

Naiyak ako sa mga messages nya. Ngayon nya lang ako pinansin kung kailan sumikat na ako.

I decided na makikipagmeet ako sa kanya sa Loudoun restaurant.

Nag-usap kami. Tinawag nya pa akong beshie. Pero mas lalo akong nasaktan ng makitang kasama nya si lea.

Hindi ako nagpahalata. Nilibre ko sila. At ang kapal, nagchika pa sila sa harapan ko.

"Grabe maya ang sikat mo na ah," ganyan lagi sinasabi nya.

Tumayo ako, "Janna, I'm sorry. Please lang tigilan na natin 'to. Kilala mo lang naman ako kasi sumikat na ako, bestfriend mo lang ako kasi sumikat na ako. Lets forget each other. I dont need you anymore. Lets end up our friendship, kalimutan mo na ako at ang pagiging magkaibigan natin," bago ko sya talikuran. Nakita kong sunod-sunod na pumatak ang luha nya.

Lumabas ako ng wala ng hinanakit. Nalabas ko na lahat. Natapos ko na ang dapat tapusin. Ngayon, kailangan ko munang magpakalunod sa alak.

The end...

FriENDSHIT (Short Strory)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon