MY TEACHER MY HERO

6.4K 55 9
                                    

Taong nagbigay ng ligaya't kaalaman

pundasyon ng isip pati ng karunungan

ang siyang naghubog sa pagkataot kamalayan

ang nagtulak sakin sa liwanag ng ako'y nasa kadiliman

Isang taong nagturo't nagbigay pag asa

naglaan ng oras upang damayan pag may problema

modelo ng kasipagan at huwarang ama't ina

tawag ko sa kanya'y guro pag nasa eskwela

Salamat sa pagtitimpi kapag kamiy magulo

salamat sa pagmamahal kahit matigas ang ulo

utang namin sa inyo ang mga kaalamang ito

na di mananakaw nino man sa buong mundo

Salamat sa pagtuturo ng tama sa bawat kamalian

salamat sa oras na sami'y iyong inilaan

tumanda man kami'y muli pa ding babalikan

ang mga panahon sa piling mot iyong tinuturuan

ang paghangang ito'y di magbabago

guro ka man sa agham,matemayika o sa filipino

ang tunay na guro'y di nagtuturo sa aklat bagkus sa puso

salamat sa pagdaan sa simpleng buhay na ito

di kaman kasing galing ng mga espesyalista

di kaman kasing husay ng doktor o doktora

ikaw pa din ang nagturong sumulat at bumasa

na aming tataglayin hanggang sa pagtanda

ang tulang ito ay sa iyo inilaan

upang mga gawa moy simpleng pasalamatan

saming puso't isip di ka malilimutan

di man na guro'y ituturing ka pa ding kaibigan

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 11, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

MY TEACHER MY HEROTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon