[ Panaginip - lukyunghanxxx ]
• Plagiarism is Crime! •
“Akala ko iyon na.. mahal n'ya na din ako... panaginip lang pala.. ” - Drea Ming
×××××
Drea Ming
“Drea! Tara na! ” sigaw ni Andy sa akin. Nag-sign ako ng sandali lang bago ko kinuha ang bag ko at isinukbit ito sa likod ko at tumayo na. Naglakad ako papalapit sa kanila.
“Bilisan na natin. Magpapalit pa tayo ng P.E. ” sabi ko. Naglakad na kami papuntang Locker room para kuhanin ang P.E namin, nang makarating na kami doon ay naghiwa-hiwalay na kami dahil magkaka-iba ang lugar kung nasaan ang locker namin.
“Una na ako guys ha? ” sabi ko sa kanila bago dumiretso sa CR at nagpalit. Nang matapos na ako ay pumunta na ako sa Gymnasium. Maglalaro kami ng Tennis ngayon.
Nang makarating na ako sa Gymnasium ay inilibot ko ang tingin ko sa kabuuan nito. Walang pinagbago, kagaya pa din ito nung unang dating ko dito. Malaki pa din at nakakamangha ang ganda.
Naupo muna ako sa mga bleachers habang pinapanood ang mga Seniors namin na nagba-Basketball, nagpa-practice siguro sila. Mga varsity kasi sila nitong University. Sa tingin ko magiging mga future PBA players 'tong mga 'to.
Swerte na lang kung ma-discover sila at mapasama sa NBA players.
Lumalaban sila sa iba't ibang University at lagi silang nagcha-champion, hanga nga kami sa kanila eh. Matatalino, talented, magagaling magbasketball, at may mga itsura pa.. Habang hinihintay ko sila Andy ay nakatingin lang ako kay Ralph.
Long time crush ko.
4th year si Ralph habang 3rd year naman ako, graduating na sila at last na nila itong sem na 'to at hanggang ngayon eto pa rin ako, hanggang tingin pa din. Ni hindi pa nga kami nakakapag-usap ng kahit isang beses eh.
Ni hindi ko nga alam kung kilala n'ya ako eh.
Sa tinagal-tagal kong nag-aaral dito. Hindi ko alam kung alam n'ya bang nage-exist ako. Ni minsan hindi n'ya ako tinapunan ng kahit isang tingin. Ouch lang 'di ba?
Ako nga pala si Drea Ming, 21 years of age. Yung pangalan ko, kinuha 'yon ng Mama ko sa salitang panaginip o dream. Lahat daw kasi ng panaginip n'ya nagkakatotoo, kaya nung nagka-anak s'ya, which is ako. Doon n'ya kinuha ang pangalan ko. At saktong Ming ang apilyedo namin, ginawa na lang ni Mama na Drea ang pangalan ko para kapag binuo mo ay magiging DreaMing.
Mga ilang minuto lang ang lumipas ay dumating na sila Andy, kasabay n'ya yung ibang kaklase namin at ang Professor namin sa P.E. Umalis na sila Ralph at ang mga kaklase n'ya dahil kami naman ang gagamit nitong Gymnasium.
Umalis ako sa bleachers at lumapit sa kan'ya. Oo, kay Ralph. Ngayon lang ako nagkalakas ng loob na gawin ito. Tutal graduating na sila at ito na ang huling sem na makikita ko s'ya dito sa school, gagawin ko na ang lahat para lang mapansin n'ya ako.
“R-ralph! Mukhang napagod ka sa practice n'yo ah.. May t-tubig ako dito... ” sabi ko habang inaabot ang tubig na dala ko sa kan'ya. Huminto s'ya pero hindi n'ya ako nilingon.
BINABASA MO ANG
Panaginip (one-shot)
Teen Fiction« Just a Dream » " Ang sakit lang.. na ang lahat ng 'yon ay kathang-isip lamang... mga pangyayaring gusto kong mangyari sa buhay ko. " - Drea Ming -- Story cover by @xxAestheticMoonxx -lukyunghanxxx