My Shooting Star

204 7 6
                                    

Kababata ko si Steph....

She has always been my Best friend..

Mula prep hanggang high school...

Siya yung tipo ng babaeng alam kong hindi nagpapatalo..

Maganda, matangkad, matalino, at mabait..

Almost perfect...

Halos lahat ng boys sa school nagkakagusto na sa kanya...

Pati nga sana ako eh..

Kaso hindi pwede...

Kasi malapit na kong pumunta ng Italy.... Magpapari kasi ako..

Naipromise ko kasi yon kay Daddy bago siya nawala sa mundo...

Siguro ganun talaga.. Pero alam ko sa sarili ko..

Na mahal ko na siya dati pa...

Alam niya ang tungkol sa pag alis ko at sa napili kong bokasyon..

pero sa twing mababanggit ko sa kanya ang tungkol dun.. Ito lang ang sinasabi niya...

"Matagal pa yan Ivan"

Hindi ko rin siya maintindihan..

Ang dami naman niyang manliligaw eh.. Kung bakit wala man lang siyang sinasagot sa kanila..

Oo. Masasaktan ako kapag nangyari yun.. siyempre.. pero di ba mas ok na yun kaysa naman pag alis ko eh wala nang mag alaga sa kanya..

Sa totoo lang, may paraan naman para hindi ako tumuloy eh...

Yun ay kung pipigilan niya ako..

Naging tambayan na namin yung burol malapit sa bahay namin.. Masarap kasi tumambay doon kapag gabi...

Nung gabing iyon.. Tahimik siya.. Nakakapanibago nga eh.. kasi dati rati... Kukulit kulitin lang niya ako.. magpapagawa ng banat o magpapakwento ng Korning jokes.. Pero ngayon iba siya.. Parang mahina siya..

"Ivan"

"Hmmn?"

"Gusto ko kapag malayo na ko. Tumingin ka sa langit. Pagmasdan mo yung mga bituin. tapos kapag may shooting star. Gusto ko ngumiti ka at isipin mong nasa tabi mo lang ako."

"Ano ba yan Steph? Bakit naman parang ikaw ang aalis at hindi ako?"

"Wala lang." Kitang kita ko sa mga mata niya.. Malungkot siya. Ayaw ko siyang nakikitang nalulungkot.

"Steph kung ayaw mo naman akong umalis hindi na ako tutuloy."

hindi ko na napigilan at nasabi ko iyon. Tumingin siya sa akin. umiiyak siya. yinakap ko siya.

"Bakit Steph? Anong problema?" Tanong ko dahil humahagulgol na siya.

umiling iling lang siya.

umalis siya.. at hindi na nagpakita sa akin.. dalawang linggo na din mula noon. tinangka ko siyang puntahan sa bahay nila pero wala siya doon.

"Ivan anak, alam kong alam mo kung asan siya, may kailangan kang malaman tungkol sa kanya ngunit mas tamang sa kanya mismo manggaling lahat."

Kinabahan ako sa sinabi ng mama niya.

Patakbo akong pumunta sa burol at nandoon siya. Hinang hina. maputla.

"Steph bakit? anong nangyari?" kusang bumagsak ang mga luha sa mata ko.

"Ivan I'm dying cause of Leukemia. I'm sorry for not telling you. Ayokong mag alala ka."

"Bakit? Bakit ngayon pa steph? Why now that I've decided to face the future with you on my side?"

"Wag Ivan. wag mong isuko ang pagpapari mo para sa akin. You promised you're dad. Sinabi ko naman noon di ba? andiyan lang ang mga bituin. at kapag tinatanaw mo sila. At sakaling may bumagsak. ayokong malungkot ka. gusto ko ngumiti ka at isipin mong nasa tabi mo lang ako. Mahal na mahal kita Ivan."

"Mahal na mahal din kita steph."

At naghinang ang aming mga labi. at ngayon andito ulit ako sa burol at nakatanaw sa langit. at alam niyo ba? Umuulan ngayon ng shooting stars. Salamat steph. sa Shooting stars at sa ala ala.. I love you..

My Shooting StarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon