Euclid Astral Gemini
"Lo... Loki?" Napalingon naman saakin si Loki at nanlaki ang mga mata. Napansin ko ang bahagyang pagkapula ng mga iyon.
"P-pa'no ka nakapunta dito?" Tanong nito ng takang-taka. Naalala ko naman si Khan. Pero ayaw bumuka ng aking bibig upang sabihin ito. Tinapik ni Loki ang lugar sa kanyang likod.
"Anong gagawin ko d'yan?" Tinaasan ako nito ng isang kilay. Ngunit maya-maya ay inis na lamang itong na napairap.
"Uupo malamang. Hindi ka ba napapagod sa kakatayo?" Napalunok ako ng dahil sa taray ng boses nito. Kaya naman nakiupo nalang ako. Ngayon ay magkatalikuran kami. Hindi ko naman mapigilang pagmasdan ang mga isdang tumatalon-talon sa lawa ng dahil sa kaba.
Bakit nga ba ako kinakabahan?
Ramdam ko kasi ang masyadong mabilis na tibok ng puso ko. Pero klaseng hindi pa 'yun ang dulo dahil mas lalo itong lumakas ng maramdaman ang pagsandal ni Loki sa aking likuran. Napalayo naman ako at napatingin dito.
Napansin ko namang medyo nagulat ito ng ng dahil sa aking ginawa kaya't lumingon ito saakin ng nakakunot. Napansin ko naman ang maliit na bakat ng lungkot sa malalim na ginintuan n'yang mga mata. Napahinga ito. "Sorry... I..." Putol salita nitong simula. Nahingi ba s'ya ng paumanhin ng dahil sa ginawa ko?
Napataas ako ng aking hintuturo at dinikit iyon sa kanyang mapupulang labi. "Ano... Ano kasi, a-ako dapat ang magsorry." Nakatungo kong sambit. Naramdaman ko ang pagkalito n'ya sa sinabi ko.
"Why?"
"Ano kasi, mabilis. Oo mabilis!" Sigaw ko dito na nagpalito sa kanya bigla. Nabura naman sa mukha n'ya ang pagkalito.
Hinawakan nito ang aking baba at ipinantay s kanyang mukha ang akin. Kaya naman kitang-kita ko ang halo-halong ekspresyon sa kanyang mga mata. May malungkot, masaya, nagtitimpi, nasasabik at huling-huli ay ang ekspresyon nitong tila may kulang.
Naramdaman kong muli ang pagbundol saaking dibdib habang tinitingnan at sinasalubong ang kanyang mga titig. Pero sa pagkakataong ito ay hindi ko na maiiwas ang aking mga tingin.
Masyado ako nitong nalamon. At natatakot akong ang lugar na aking kinahulugan ay isang lugar kung saan wala akong kakayahang makatakas pa.
"You're right. Ang tagal na natin noong huling nagkita at dadalawang buwan pa lamang ang nakalilipas mula ng makilala mo ako bilang isang Fergarro," Huminga muli ng sobrang lalim si Loki. "at sa hindi mo pa inaasahang paraan malalaman na ako si Arkal. I'm sorry if I shocked you." Binitiwan nito ang aking baba at tumalikod. Para namang gumuho ang mundo ko ng dahil sa interpretasyon n'ya saaking sinabi.
Napansin ko ang sunod-sunod na malalim na paghingang kanyang iginawad.
Walang pagdadalawang isip akong pumuwesto kapantay ng likod n'ya at yumakap dito. Napansin ko ang kasabay na pagtigil n'ya, pagkagulat at pagkamangha.
"Astral?" Paos nitong sabi. Ipinatong ko ang ulo ko sa kanyang likod kaya naman napababa ang tingin ko saaking mga binti.
"Alam mo ba," Panimula ko, "gustong-gusto talaga kitang yakapin." tumulo ang ilang luha mula sa aking mga mata. Naalala ko naman bigla ang itsura nila ni Yura noong magkasama sila. Kaya naman hinigit ko ang aking mga braso.
"No, continue hugging me." Lintaya nito. Pero pinilit kong kunin iyon.
"B-baka magalit si Yura." Agad kong sabi.
"At bakit naman 'yun magagalit?" Parang walang muwang n'yang tanong. Mas lalo tuloy tumulo ang luha ko. Bakit ba nasasaktan ako sa t'wing iisiping sila na?
BINABASA MO ANG
The Elven Round (COMPLETED)
FantasyEuclid Astral Gemini led her life stealing. Why? Dahil wala s'yang pamilya, wala s'yang identidad, and all the persons she once loved all disappeared. So she decided to build strong, strong walls. She decided to live her life as dust. Alone and unno...