CHAPTER 23: PAGHIWALAYIN ANG VJ COUPLE OPERATION: Day 2

1.2K 18 1
                                    

=============

ELOUISE'S POV

=============

Hayy naku, wala pa daw naiisip si Kenneth na EPEKTIBONG paraan. Sus, akala ko ba expert yung hinayupak na iyon? Bakit parang di naman effective ang ginagawa? Hayy, eto ako ngayon nagreresearch kung anong pwedeng gawin. Hayy naku, buti pa si google madaming alam, si Kenneth walang alam! Hay naku, wala naman akong magagawa. Kailangan ko din naman ang opinion niya. Kasi yung first boyfriend ko nga at ako napaghiwalay niya eto pa kayang nagliligawan palang. Hanggang sa nagbukas ang pinto.

'' Do you know how to knock?'' tanong ko kay Kenneth na basta nalang pumasok at umpo sa kama ko at may dala dalang laptop.

'' Sorry, hindi eh.'' sabi niya.

'' Buti nakapasa ka pa sa Values Education.'' sabi ko.

'' Hayy, whatever. Ano may nahanap ka?'' tanong niya. Umiling ako.

'' Nga pala. Magdedate daw ulit sina Vincent at Jijey bukas. Sabi ni Vincent, dun daw sila magdidinner date daw sila ni Jijey tommorow. Sa Achuchu and Ahehe Restaurant daw.'' sabi ni Kenneth nang hindi inaalis ang mata sa laptop.

'' Oh? Naks, swerte ni Jijey ah. Sa mamahalin pa talaga.'' sabi ko. Tsss, samantalang ako. Hanggang jollibee at mcdo lang. Hmp.

'' Inggit ka naman.'' sabi niya.

'' Ay alangan!'' sabi ko.

'' Tsss.'' sabi niya habang nagtatype ata. 

''Nakahanap ka na ba?'' tanong ko.

'' Hindi pa.'' sabi niya. 

'' Ano ba yang ginagawa mo?'' tanong ko. Ngunit di siya sumagot. Sinilip ko ang laptop niya. Pucha! Hindi paraan ang hinahanap sa google! Alam niyo ba kung ano? Ehdi ang mahiwagang toy car called TAMIYA! Binatukan ko siya.

''Aray! Ano bang problema mo?!'' tanong niya.

'' Lintek ka! Akala ko pumunta ka dito para maghanap ng paraan kung paano paghiwalayin si Vincent at si Jijey! Yun pala, naghahanap ka ng TAMIYA!'' sabi ko.

'' Eh di ako makapagwifi dun eh!'' sabi niya. Luko talaga ito!

'' Hayy naku, Kenneth! Ang sakit mo sa ulo!'' sabi ko.

'' Lalo ka naman! Sakit mo sa katawan! Lagi mo na akong binugbog.'' sabi niya.

'' Hayy naku, tulungan mo nalang ako.'' sabi ko. Tapos ayun, nagresearch na ako. Mga ilang minuto din kaming nagiinternet.

'' Paano kaya kung magdisguise tayong waiter doon sa restaurant na yun? Tapos ipahiya natin si Jijey. Kunwari tapunan natin kung anu-ano. At malay mo, magburst out si Jijey kasi ayaw nun ng madumi diba? Tapos matuturn off si Vincent.'' sabi ni Kenneth. Oo, nga noh!

'' Waaaaah!! Ang galing nito!!! O sha labas na!'' sabi ko sabay sara nung laptop niya at binigay ko sa kanya at tinulak palabas ng kwarto ko.

''Oi.. teka lang... naghahanap pa ako ng tamiya..'' sabi niya.

'' Sa inyo ka na maghanap ng tamiya mo!!'' sabi ko. Tapos tuluyan ko nang sinarado ang pinto. Mwahahahaha! Patay ka sa akin ngayon, Jijey. Wag kang magpuputi bukas ah. Haha.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

===========

JIJEY'S POV

===========

Magdidinner date daw kami ni Vincent ngayon. Nakablack ako ngayon na dress. Sabi kasi ni Vincent wear something pleasant kasi his lolo wants to meet me daw. Haha. Oh diba, bongga! Hindi ko pa siya sinasagot pero gusto na agad akong makilala. Waaah! Excited na ako! Ang ganda talaga ng suot ko. Gawa ni Eomma. Isa ito sa mga collections niya. Binigyan pa ako ni Eomma ng dark violet na handbag with ribbons on it. Binigyan din ako ng shoes ni Eomma. Isa din sa colections niya. Waaah! Buti madaming bagahe si Eomma galing sa boutique niya. Inayusan niya din ako ng konti. Namiss daw niyang gawin akong barbie. Haha

I'm Inlove With A SUPERSTAR!!! (Finished)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon