Prologue

268 5 0
                                    

At Mystica Palace:
   "Ouch honeyyyyy!!! Helllpppp our baby is coming.!!" Nahihirapang tawag ng babae sa asawa nya. Agad namang tumakbo ang lalaki palapit sa asawa nya na namilipit sa sakit ng tiyan. Kinarga nya ito at dinala sa kanilang kwarto. Inutusan din nya ang isang bantay na sunduin ang manggagamot dahil manganganak na ang kanyang  asawa. Agad namang tumalima ang bantay. Ilang sigundo pa'y bumalik na ito kasama ang manggagamot.
"Uwaahh.. Uwaahh.. Uwaahhh!!" Iyak ng munting sanggol.
"Babae po ang anak nyo mahal na Reyna." Anang manggagamot. Ngumiti naman ang Reyna nang makita ang maganda nyang sanggol. Lumapit ang Hari at buong pagmamahal na niyakap ang mag-ina nya.
"Ang ganda ng anak natin honey.... ☺ kasing ganda mo." Nakangiting saad ng Hari.
"Maganda talaga syempre.. Maganda kaya ang ina." Pagmamalaki ng Reyna at humagikhik.
"At gwapo rin ang ama.☺" dagdag ng Hari sa sinabi ng asawa at nakakalukong tumawa sabay kindat sa asawa nya. Napangiti nalang ang manggagamot sa kalokohan ng mag-asawa.

Bigla nalang may dumating na kawal na humahangos. Nabaling naman ang atensiyon nila dito. Yumukod muna ang kawal sa Hari at Reyna bago nagsalita.
"Masamang balita mahal na Hari! nilusob po tayo ng Darkinians marami na po ang namamatay sa mga kasamahan ko sa labas.!" Humahangos na saad ng kawal.
"ANOO?!" gulat na tanong ng hari at napatingin sa asawa nya na bago pa nanganak. Hinawakan ng Reyna ang kamay nya.
"Sige susunod ako sayo.. Mauna kana dun.. tulungan mo ang mga kasamahan mo.!" Utos ng hari sa kawal. Yumukod muna ang kawal bago tumakbo palabas. Humarap ang hari sa kanyang asawa na ngayon ay di na mapakali at nangingilid na ng luha ang mga mata. Hinagkan ng Hari ang kanyang asawa at niyakap.

"Honey... ilayo mo ang anak natin dito." Malungkot na saad ng Hari.
"P-pero honey... Ikaw.? pa'no ka?" Lumuluhang tanong ng Reyna.
"Wag mo akong alalahanin.. Kaya ko 'to.. Tandaan nyo.. mahal na mahal ko kayong dalawa." Malungkot na sagot ng Hari.
"Umalis na kayo honey... Please..😢 ayaw kong mapahamak kayo." lumuluhang dagdag na saad ng hari.
"P-pero...." Nagdadalawang-isip na saad ng reyna habang umiiyak na tinitingnan ang asawa nya.
"Bilisan mo na..!! Umalis na kayo baka makita pa kayo ng demonyong yun.!" Sigaw ng Hari sabay tulak ng mahina sa asawa nya na walang tigil sa pag-iyak. Walang nagawa ang reyna kaya sumunod nalang sya sa utos ng asawa. Tumalikod na sya habang tumutulo ang luha, nilingon nya ang asawa nya na malungkot na nakatingin sa kanila. Pumikit sya at patakbong bumalik sa asawa at niyakap ito ng mahigpit.

THE POWERFUL BLUE-HAIRED PRINCESSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon