Twelve

1.1K 25 0
                                    

Shut up

Watching him strumming his guitar passionately, I can't stop my self from falling deeper. is this even right? falling over the looks and appearance? Nevertheless, whatever it will be I'll accept what will happen next.

Kanina pa sila nag umpisang magbukas ng inumin nila habang ako ay ang nachos at barbecue nalang ang nilalantakan ko para hindi na ma temp uminom.

Nakikisigaw din sila Ell at Louise kasama sila Kai dahil ang isinisigaw ng karamihan ay si Kiero. kung sa school ang tipo nila ay ang mga gitarista at mga bokalista nila, dito ay mukhang mahilig sila sa drummer. ang sabi kasi nila ay ngayon lang sila ulit nakakita ng gwapo at swabeng drummer. hindi na rin naman bago 'yon kay Kiero dahil gwapo naman talaga ito.

I also cheer them and also shouting Kiero's name, because of the crowd attention was focused on him.

Kaya naman nang matapos sila ay inasar agad si Kiero. tuwang tuwa pa nga ito at nag-yayabang pa dahil sa mga compliments na natatanggap nito.

"Ito? tangina kapangit niyan!" pang-aasar ni Zephyr na may nakasukbit pa na gitara sa balikat niya.

"Sus Zephyr, di ka lang mabenta ngayong gabi!" pambabara ni Kai. aamba naman sanang mananapak si Zephyr ngunit umiwas agad si Kai.

"Oh? si Kiero? seryoso kayo?" nang-aasar na tanong ni Zeus.

"Wala kasi Zeus, tanggapin mo nalang na si Kie ang gusto ni Danica." saad naman ni Zach matapos bumuga ng usok mula sa vape niya.

"Just accept it, inggit ba kayo?" mayabang na saad naman ni Kiero. agad namang nag protesta sila Kai at Alas.

"Ang yabang mo naman Kiero!" saad naman ni Louise. he just smirked at her.

"Kie, just for tonight. pagbibigyan lang kita." saad naman ni Alas.

"Pagbibigyan daw, tangina di mo nga danas!" singit naman ni Konan. ngayon ko lang ulit napansin na hindi na gaanong sumasama si Caleb tuwing may night out ang grupo nila. o baka naman tuwing kasama lang ang grupo namin dahil meron si Ell?

Habang nakikipagtawanan ako ay nahagip nang mga mata ko si Evo na ngayon ay nakaupo na sa tabi ni Zach. he's dazzling in his black v-neck shirt, and looking expensive on how he seated on his chair. Zachary found my stares on Evo, and then smirked like he proved something right.

Lumipat kami sa roof deck at doon nalang nagbook ng private tables dahil crowded na sa loob. tanaw ang city lights dito at damang dama ang preskong pang gabing hangin sa pwesto namin.

They're offering me a drink but I refuse to accept it. kaya naman ay nang magsawa ako sa tacos na kinakain ko kanina ay tumayo na ako sa inuupuan ko at sumandal muna sa railings habang tinatanaw ang mga city lights na kumikinang na para bang bitwin.

I took out my phone from my pocket and started scrolling on my social media account. maingay sila Ari ngayon dahil naglalaro sila ng bottoms up drinking game. As I promised, I won't drink for tonight.

Zephyr came out of the crowd at mukhang bad trip ata. tumabi ito saakin at sumandal rin sa railings na sinasandalan ko.

"Bakit ba andito ka?" nang-aasar na tanong ko. napipikon naman itong lumingon saakin.

"Mama mo." pang-aasar nito pabalik.

"Hoy Zephyr bumalik ka dito gago!" sigaw ni Kiero.

"Shut up tangina mo!" sigaw nito pabalik. siguro ay nagkapikunan nanaman ang mga ito.

Destiny and our Beyond (Alfiera Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon