Thirty 3 - His and Her heartbreak

9.1K 170 38
                                    

Holaaa!! haha em back.. hayuuun update na. maikli lang ito at hindi ganun kaganda. pagbigyan na me oh, kakatapos lang ng exam. may hang over pa yung utak ko. bawi bawi na lang next time.

dedicated kay ate mufffin..

hello pala sa bestfriend ko na nagbabasa nito.. ui! sabihin na kasi pangalan mo dito sa watty. dong doyo talaga! hahaha

take note sa title. haha break agad sila ^_^

Naramdaman ko ang paghawak ni Bryce sa mga kamay ko kaya agad akong napalingon sa kanya.

Napatingin ako sa paligid at nakitang nakadating na pala kami sa may school.

Kung hindi niya kinuha ang atensyon ko hindi ko mapapansin na nakarating na pala kami.

Nagpakawala ako ng isang malalim na paghinga.

“What’s wrong?” puno ng pag aalalang tanong niya sa akin.

“Wal-” at hindi ko pa natapos ang sasabihin ko ng muli na naman siyang nagsalita.

“And don’t tell there’s nothing wrong because I know there is. Hindi man tayo ganun katagal magkakilala pero sapat na yun para malaman ko kung may pinoproblema ka o wala.” And after he said those things promise gusto kong maiyak sa harap niya.

Pero nanatiling tikom ang mga bibig ko. kahit gusto kong sabihin na sa kanya eh may kung ano sa akin ang pumipigil para sabihin kay Bryce ang lahat.

Binigyan ko lang siya ng halik sa pisngi at saka ngumiti.

“Dami alam, okay lang ako. Sige na alis na ko.” mabilis na bumaba ako ng sasakyan nya.

Baka kasi kung ano pa yung matanong sa akin nun, mahirap na.

Habang palakad ako papunta ng room eh may nahagip yung mga mata ko na siyang naging dahilan para kabahan ako.

Nakaramdam ako ng biglaang pagbilis ng takbo ng puso ko.

Sa ngayon, naglalaro ang utak ko kung lalapitan ko ba sya o hindi.

Paano kung hindi naman pala sa kanya galing ang sulat?

Paano kung mali pala ako ng inaakala.

Alam kong mali ang magbintang pero sa sitwasyon ko ngayon hindi mapigilan ng isip ko na isiping baka siya lang ang may gawa nun.  After all sino pa bang may ibang gusto kay Lenard bukod sa kanya.

At bago pa man magbago ang isip ko, naramdaman ko na lang na dinadala na ko ng mga sarili kong paa papalapit sa kanya.

**

“Peisha!” hindi naman ganun kalakasan ang pagkakatawag ko pero narinig naman niya dahil agad siyang napalingon sa akin.

Kitang kita sa expression ng mukha niya na nagulat siya dahil sa tinawag ko siya pero agad naman siyang umiwas ulit at nagpatuloy sa paglalakad.

“Ui! Wait lang!” sigaw ko pa habang hinahabol siya.

“Bakit?” sabi niya nung naabutan ko na siya at naglalakad sa tabi nya at  feeling ko nagtaasan yung buhok ko sa buong katawan dahil sa coldness ng boses niya.

“ah.. eh” t@e.. Hindi ko alam paano sabihin! Alangan namang iduro ko agad siya at sabihing! ‘Hoi! Ikaw yung nagbigay ng sulat noh?!’

And if ever na siya nga, ano namang gagawin ko?!

Takte! Ang fail naman talaga nito.

“Kung wala ka namang sasabihin, didiretso na ko sa room”

Teenage BabysitterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon