Ako nga pala si Ace hindi tunay na ngalan. Ako'y may kulay na kayumangi, brown ang mga mata, 5'7 ang height at masasabing may kagwapohang pang pinoy. Mala Piolo Pascual ang datingan. Ang mga magulang ko nga pala ay may sariling business saming palayan at maisan. May isang akong nakakabantang kapatid. Ako ang panganay dahil kami ay dalawa lang.
Fresh graduate ako ng University of the Philippines. Business administration ang aking natapos na kurso. After graduation. Ura urada akong naghanap ng trabaho, kasama na ang online submission at walk-in na pag aapply. Mas gusto ko kasing makahanap ng trabaho nang sarili ko lang na hindi humihingi ng tulong sa mga kamag anak ko. Sila kasi ay oag aabroad ang nakikita nilang solusyon sa problema ngng kahirapan.
Isang araw napadaan ako sa isang website. Nakita ko ang isang company for bpo hiring. Since napagod na ako kakahanap ng work na align sa kurso ko. Bat hindi ko muna itry ang bpo habang akoy nag aatay ng mga tawag galing sa Bank. Nag send ako ng mga resume sa bpo companies na hiring. Mabilis sila magreply at mag initial interview over the phone. Napaisip ako nung una dahil ayaw ko ng English subject. Baka hindi ako makapasa. Pero sa awa ng Diyos pumasa ako sa Phone interview. The next day, pumunta sa kumpanya at tinapos ang final interview gang 11 na ng gabi. PERO okay lang naman dahil worth it ang pag hinhintay dahil napasa ko ang final interview ko at start ko na agad next week.
For two months nag training ako about sa main account ng bpo na pinasukan ko. Nakaka challenge ang account at nakakastress din dahil sobrang dami mong aaralin. Dito na pinakilala nag isang tool na gagamitin namin sa work. Tawag nila dito ay SPARK. Ito daw ay gagamitin para easy communication daw kay agent at sa supervisor. Dahil hindi naman lagi nakatabi sayo ang supervisor mo oara I support ka.
Nagdaan na ang mga araw. Unti unti ko na nakakabisado ang account namin at gamitin ang spark.Sa spark pala hindi lang supervisor mo ang maaari mong sendan ng mensahe. Pati kapwa mo katrabaho pwdng pwde. Dito ko na nalaman mga lihim ng mga empleyado sa likod ng SPARK CHAT. Hindi lang pala sya ginagamit sa trabaho. Ginagamit din ito ng mga taong nalulungkot, nastress sa work, naghahanap ng makakausap at marami pang iba.
Tumagal na nga pla ako ng anim na buwan sa bpo na akala ko ay saglitan lang. Na gustohan ko ang sahuran sa bpo kumpara sa ibang trabaho. At masaya ako sa paligid. Maraming kang makikilalang mababait na mga tao at kahit sobrang hirap ng account kinakaya dahil masaya sa paligid.
Ako nga pala ay mahilig sumali ng mga extra curricular activities gaya ng pagsayaw sa mga okasyon sa kumpanya. Doon ako lalo nakilala ng mga tao sa kumpanya dahil may mga makakasama ka sakanila araw araw..... Itutuloy..
YOU ARE READING
ANG MGA KWENTO SA LIKOD NG SPARK
RomanceANG KWENTO AY HANGO SA TUNAY NA BUHAY NG MGA TAONG NAGTATRABAHO SA CALL CENTER INDUSTRY. Ito'y talamak na. Nangyayari sa araw araw na pasok ng mga AGENTS. At akoy magbibigay ng mga kwento tungkol sa nagaganap sa likod ng SPARK.