EPISODE 6 PART 7 STUDY at Home

47 0 0
                                    

#schooldathomepreggy

ISIAH's POV

Nag-decide si Steven na kuhaan na lang muna ako ng Teacher or Tutor sa bahay ng 3 months dahil nga sa masilan akong mag buntis. At dahil masilan ako sa pagkain, iniiwasan ko ang mga pagkain na ayaw ni Storm.

Pero nagtataka ako may isang ayaw si Storm na gustong-gusto kong kainin at 'yun ay ang grapes. Sa lahat ng protas 'yan ang ayaw ni Storm, pero yun ang gusto kong kainin.

Kaya habang wala pa ang Tutor ay kumain ako ng grapes nang bigla akong nahilo, wala si Steven nun at nag pa-enroll sa'kin at sa sarili niya.

"Ma'am, ano po ba kinain n'yo? Ba't kayo nahilo?" Tanong ni Anna.

"Ate, grapes ata pinaglilihian ko, eh ayaw po ng daddy ng baby ang grapes."

Akala ni ate Anna na pinaglilihian ko lang si Steven, kasi ayaw ipaalam ni Steven na nabuntis lang ako kaya pinalabas niya na siya ang ama ng ipinagdadala ko.

"Kawawa ka naman ma'am, buti na lang 'di nahirapan si sir Steven sa paglilihi n'yo." Wika naman ni Nurse Anna.

"Actually po nahihirapan siya, kinakaya niya lang." Wika ko naman.

Inasikaso na ako ng Nurse hanggang sa humupa ang mga pantal ko. Habang busy kami ni Ate Anna nag ring ang messenger sa laptop ko at binuksan ko at tumambad si Miyu.

"Bessy!" Kaway

Napangiti naman ako saka inayos ang pagkakaupo ko, nag hi din ako sa kanya at tuwang-tuwa naman siya. Kinuwento ko din sa kanya ang about sa kasilanan ng paglilihi ko pero limit ang usapan namin about kay Storm dahil nandito si Ate Anna.

"I heared mag-aaral ka sa bahay bessy? So habang masilan ka sa pag-preggy mo house study ka muna?" Tanong ni Miyu

"Oo bessy, hahabol na lang ako 'pag okay na."

Matagal din ang kwentohan naming dalawa. May time na pinapakita ko ang labas ng hotel at manghang-mangha naman siya, ganun din siya pinapakita niya ang lugar niya.

"Wow winter sa inyo? Dito kasi spring." Maypaghanga kong wika nang makita ang labas ng bahay nila Miyu.

"Oo hehe, oo nga pala nabalitaan ko na ininvite si Sir sky ng royal family sa Thailand." Pagbabalita ni Miyu.

Namangha naman ako, no'ng isang araw pa lang kami nakaalis pero na mimiss ko na dun. Binalita din ni Miyu na nakausap ni Sir Sky ang prinsepe ng Thailand, bilib na talaga ako sa Sir Sky ko lakas nang appeal.

Matapos ang isang oras na pag-uusap namin ni Miyu ay nagpaalam muna siya at magsisimula na ang klase niya, yung course na gusto niya 'di niya kinuha bagamat kumuha siya ng bussiness administration para siya ang mamuno sa mga negosyo nila pagdating ng araw.

Ako naman, 'yung balak kong engineering pa rin ang kukuhanin ko, kasi yun ang pangarap ko.

-------------
********

Nahirapan ako sa unang araw ng lecture ko, na hanash ako sa mathematics, although kaya ko naman kahit papaano pero talagang napasubo ako.

Mas mahirap pala ang mathematics dito, pero 'pag dito ka kasi kumuha ng master digree mo, mas maraming opportunity na iaalok sa'yo sa Pinas o sa ibang bansa.

Nahirapan lang ako sa english, 'di kasi talaga ako magaling sa english, at iba pa ang accent nila nakakaloka. Limang oras ang binigay ni Steven na oras para turuan ako, kaya naman subrang nosebleed ako sa accent ng tutor ko.

Di naman siya nahirapan sa pagtuturo sa'kin pero ako hirap na hirap sa pag-iintindi sa kanya, at buti na lang kamo andito si Ate Anna para magpaliwanag 'pag 'di ko na iintindihan ang tutor ko.

"Do you understand our lesson for today? I think It's not hard for you to understand it." Aniyang nakangiti. "You're good at math."

"Thank you, but not in English. I am not excellent at English, especially at grammar." Napapangiti kong wika sabay kamot sa batok ko.

Natawa naman ang tutor ko, at muli nag balik kami sa pag-aaral. Sa kalagitnaan ng pag-aaral namin ay may pumasok sa sala at alam ko si Steven na yun.

Naririnig ko pa ang mga tunog ng pagbukas ng ref at pagtunog ng mga baso. Naririnig ko din ang tunog ng tsenelas niya kakapabalik-balik niya sa sala kaya naman napapangiti ako.

Nang matapos na ang pag-aaral namin ay nagpaalam na ang tutor ko, at hinatid ko siya sa labas. Si ate anna naman ay nagpasyang magpahinga sa kwarto niya. Pagbalik ko nakangiting nakatingin sa akin ang pinakagwapong lalaki sa paningin ko ngayon.

"Kumusta ang pag-aaral ng fiance ko?" Aniya sabay yakap sa'kin.

Naging sweet lalo si Steven lalo na no'ng malaman niyang buntis ako. No'ng una niyang nalaman ang kalagayan ko 'di niya ako hinusgahan pero pinagalitan niya ako kung ba't 'di ako nag-iisip.

"Okay naman, ayun nahirapan ako sa accent niya, madalas 'di ko maintindihan." Sagot ko na naka simangot. "Alam mo naman mahina ako sa english."

Natawa naman si Steven sa kinuwento ko, saka niyakap niya ako habang nasa veranda kaming dalawa at tinitignan ang paglubog ng araw.

Alam ko mahihirapan ako dito, pero alam ko din makakaya ko kasi kasama ko si Steven at alam ko na 'di niya ako pababayaan.

Napangiti na lang ako, at pinanood ang araw na palubog, ang ganda ng paligid, ang ganda ng Paris. Napakalinis ng kalsada, 'di tulad sa Pinas kahit saan nagkalat ang basura.

Pumasok muna si Steven at magtitimpla daw ng kape niya, kaya naiwan akong mag-isa sa veranda, 'di ako tumingin sa baba kasi lulain ako. Kaya sa langit ako nakatingin, bigla kitang na miss mama, patawarin mo 'ko at nabuntis ako ng maaga, 'di bale 20 na ako next month.

Bumalik si Steven dala ang kape niya at gatas ko, napangiti ako at kinuha ang gatas, naupo kami at nag kwentohan pa.

Nang ma realized namin na pagabi na, nagyaaan kaming tatlo na bumaba sa resto at nang makakain ng hapunan, at binilinan pa ako ni Steven na iwasan ang mga bawal sa'kin.

Pagdating namin sa resto ay nag order ako ng korean food. Talagang pinaluto ni Steven mabuti na lang may mga Korean chef do'n at 'di sila nahirapan.

Makalipas ang ilang minuto lumabas na ang order ko, at sa 'di ko malaman na dahilan ay naging matakaw ako at kumain ako ng mga 'di ko naman kinakain dati tulad ng kimchi.

"Ah, Hun... please eat slowly baka mabulunan ka." Wika ni Steven na nag-alala. "Slowly lang okay."

Tumango naman ako pero panay ang subo ko, 'di ko namalayan napadami ang kain ko, parang tataba pa ata ako dahil sa dinadala ko na 'to.









-----_-----_-------_-----_----_-----_-----_----

Hello,
Parang ang siba ata ng baby mo Isiah, 😋
Ang totoo ilan ba 'yan sila at subra ang takaw mo..

Very protective ang oppa Steven natin ah..

My dear readers please comment and vote po...
Thank you

Mondroadou Family Present a GENTLEMEN's BABYGIRLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon