Mga ilang oras na din si Jake sa kanyang opisina at tapos na din ako sa pagprepare at empake ng mga gamit namin. Nagmuni-muni muna ako sa cellphone ko nang biglang meron nagmessage.
From: Jake
Bring me coffee, please. Make it fast.
To: Jake
Okay.
Sent.
Finally! Kanina pa ako naghihintay na sabihin niya na kailangan na niya ang kape. Hindi ako nagtagal sa pag-gawa ng kape ni Jake. As usual black coffee with cream ang gusto ni Jake, kaya madali lang kasi meron kaming coffee machine. Ayaw niya sa instant eh. Mapili din.
Kumatok muna ako bago ako pumasok sa kanyang opisina.
"Come in!"
Pagkatapos sabihin ni Jake na pwede na akong pumasok, bumungad sa akin ang mga papeles na nakapatong sa kanyang lamesa. Matatapos pa kaya niya ang lahat ng mga iyan on time?
"Jake, ito na ang coffee."
"Thanks."
Focus pa rin ito sa pagpirma at pagbabasa sa mga papeles na nasa harap nito.
"Jake, hindi ka ba napapagod? Magpahinga ka muna. "
"Kailangan kong tapusin ang mga papeles ngayon Olivia dahil bukas wala ako sa opisina buong araw."
"Kung doon mo nalang tapusin sa The Anchor?"
"No! Wala akong time doon magbasa ng mga contracts dahil aasikasuhin ko ang mga visitors, A.K.A our future partner in the company. "
"Okay, basta wag kang masyado magpagabi dahil maaga pa tayo bukas bibyahe."
"Okay, alright, mauna ka na lang matulog."
"Goodnight Jake."
"Night." Hindi man lang tumingin sa akin. Sinara ko na lang puminto at pumunta na pabalik sa kwarto namin. Napagod din ako buong araw kaya nakatulog ako kaagad.
Flashback
"So...how's college life?"
Naglalakad kaming dalawa ni Jake ngayon pagkatapos ng klase namin. Nasa ibang klase ang mga kaibigan ko kaya after ng subject na ito, naiiwan na lang akong mag-isa.
"Uhmmm....."
Sumagot ka Olivia! Wag kang magbobobohan diyan! Si Jake yan oh! Yung crush na crush since first sem! This is the time!
"Ahhhhh......it's challenging but at the same time fun. What about you?"
Good job, Olivia. Wag kang magpahalata, breathe in and out, kaya mo 'to. Act confident but not too confident.
"Well, nakakapagod din. Pero more on stress, but it should be balanced right? Work hard, play hard." And after he said that, he showed his beautiful smile and walked straight. This moment, right here, right now. I'll keep it in my memory.
"Right, hehe."
*Buzzer ringing*
Uhhhh, my dream has been cut off again. Bakit ba palagi kong napapaginipan ang college days namin ni Jake? Please lang, sana hindi ito sign ng paparating delubyo sa buhay namin. I want to forget what happened. If I can go back in time, I would change everything.
I turned off the alarm and exactly it's 5:00 am. I have to prepare and take my bath dahil magluluto pa ako.
Pagtingin ko sa higaan, wala si Jake. Don't tell me maaga gumising si Jake? It's unusual of him to wake up this early in the morning.
BINABASA MO ANG
The Husband's Slaved Wife
Любовные романыHighest Ranking: #3 in Company PROLOGUE Masakit umibig, pero mas masakit kapag sinsaktan ka ng iyong minamahal. Mahirap huminga. Mahirap magmahal. Mahal ang kalayaan. At mas matingkad pa sa isang diyamante ang tumakas at magwala sa sarili. Ako ay na...