Mission 50

1.6K 80 6
                                    

Please do votes and leave a comment.

---
RYLEE POV

"So, ano nang balak mo ngayon, Ry."tanong sakin ni Joaquin habang nasa daan ang tingin niya.

Friday ngayon at ngayon ang fieldtrip namin. Nagpasundo ako kay Joaquin dahil tinatamad akong magcommute ngayon. Tsaka di naman dapat ako sasama kaso pinilit-pilit ako nila Ked at isa pa ay pinagbantaan ako ni JM. Hindi naman yung masamang pagbabanta pero parang ganun na rin. Dahil ang sinabi lang naman niya ay:

"Kapag hindi ka pumunta,ibig sabihin nu'n ay sinasagot mo na ako."

See? Dapat nga gawin 'kong advantage iyon para sa mission ko pero hindi ko ginawa. Gusto ko kasi munang makipaglaro muna sa kanya.

'Yun nga ba talaga ang gusto' kontra ng isang bahagi ng utak ko.

Hmm! Di bale na lang. Basta gusto ko munang gawin ito dahil pakiramdam ko ay nag-eenjoy ako.

"Ry, nakikinig ka ba?"napabalik ako sa reyalidad ng muling magsalita si Jaoquin.

Tumingin muna ako sa kanya bago nagsalita.

"Hindi ko pa alam."

Sinabi ko na kay Joaquin ang tungkol sa sinabi ng dalawang lalaki sakin noon. Nagulat pa nga siya noong malaman niya na member ng black Ace si JM. Ang pagiging member niya lang ang nalalaman ni Joaquin dahil yung tungkol sa quarters nila sa school ay hindi ko sinabi sa kanya. Kapag kasi nalaman niya pa iyon ay ba'ka manggulo na naman ito sa plano ko.

"Basta. Lagi kang mag-iingat ha. Kapag may ginawa sayo ang mga meyembro ni Jace ay magsabi ka lang. Gaya ng nakagawian."wika niya na tinanguan ko naman.

"Oo. Syempre. Pero wag ka munang gagawa ng hakbang hangga't hindi ko sinasabi sayo."paalala ko sa kanya na tinanguan naman niya.

Dati kasi ay laging si Jaoquin ang nakakasira sa mga plano ko. Syempre, isama mo na din si Ace dahil silang dalawa ang magkakampi kapag may ganito akong gagawin.

"Nandito na tayo."wika niya kaya napatingin naman ako sa paligid. Nasa school na nga kami at madami na rin ang mga estudyante dito.

Inalis ko na ang seatbelt ko tsaka ako bumaba ng sasakyan niya.

"Mag-ingat ka."paalala niya sakin na nginitian ko na lang bago nagtungo sa kinaroroonan nila Adam. Natatanaw ko kasi sila.

"Ikaw, ha. Ano yun? Bakit may paservice si fafa Joaquin sayo?"salubong sakin ni Adam na inilingan ko naman.

"Wala yun."

"Asus! Deny pa!"sagot ni baklitang Adam at tsaka niya sinundot ang tagiliran ko.

Natatawa na lang akong umiilag sa kanya nang may eksaheradang umubo.

"Ahem!"nilingon ko siya at mukha ni JM ang bumungad sakin.

Masama ang mga tingin na pinupukol niya sakin kaya tinaasan ko siya ng kilay.

"Problema mo?"pagtataray ko kaya yung masamang tingin niya ay unti-unting nawala at naging plain na ulit ang itsura niya.

"Oh? May LQ na naman kayo."singit ni baklita samin na simaan ko naman ng tingin kaya napapeace sign siya.

"Hayyyy naku! Tara na nga!"wika ni Ked at tsaka ako kinaladkad patungo sa bus. Magsasalita pa sana ako kaso tinakpan niya ang bibig ko. "Wag ka ng magsalita. Ba'ka bad breath ka."natatawa niyang dugtong kaya simaan ko siya ng tingin.

Marahas kong tinanggal ang pagkakatakip niya sa bibig ko tsaka ako humarap sa kanya.

"Bad breath ka diyan! Nagsipilyo nga ako eh! Tatlong beses pa nga. Ba'ka ikaw yung bad breath. Ewww!"wika ko sa kanya tsaka ako nagderederetso sa paglalakad.

Make The Mafia's FallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon