Saktong nilalapag ko ang niluto ko nang bumakas ang pinto ng kwarto niya. Hindi ako nag angat ng tingin dahil hanggang ngayon iniisip ko pa rin ang pinagsasabi niya kanina."Hm. What's that?" Tanong niya habang papalapit sa'kin. Pinatong niya ang dalawang kamay niya sa lamesa habang nakadungaw sa niluto ko.
"Obvious naman, nagtanong ka pa." Masungit kong sambit habang ang mga mata ay nasa niluto kong fried rice. Narinig ko ang mahinang tawa niya kaya matalim ko siyang sinulyapan.
"Ay! Galit? Baka mamatay ako niyan sa tingin mo. Bahala ka hindi mo matitikman ang itlog- Ouch! Ba't ba hilig mong manakit?" Inirapan ko lang siya. Habang siya naman ay nakakunot noong hinihimas ang braso niyang pinalo ko.
"Dapat kase sayo sinasaktan para magising sa kahibangan." Irita kong sabi. Maarte niya namang hinawakan ang dibdib niya.
"Hala! What did I do to you?"
"Ewan ko sayo!" Tinalikuran ko siya na para kumuha ng plato.
Maliban sa pagpipirito, fried rice lang ang kaya kong lutuin. Wala akong hilig sa pagluluto o sabihin ng walang hilig sa'kin ang pagluluto. Hindi naging madali sa'kin ang matutunang magluto pero dahil kailangan, pinilit ko ang sariling matutu.
"I'm not good in cooking.. But I can bake. Wala akong nakitang pwedeng gamiting pangbake kaya nagluto nalang ako nito." Paliwanag ko. Nagulat nalang ako sa sarili dahil nagpaliwanag talaga ako.
Napansin kong wala pang masyadong gamit ang unit niya, siguro kalilipat niya palang. Nilapag ko na ang dalawang pala sa mesa. Agad niyang iniwas ang tingin niya nang malingonan ko. He cleared his throat.
"It's okay, I can cook for you. Then maybe next time, you can bake for me." We stared at each other for a long time then sabay na nag iwas ng tingin. "Okay! Ulam nalang ang kulang." Kinakabahang aniya. "What do you want?" Nakangiting tanong niya. Nagbaba ako ng tingin sa niluto ko dahil sa naramdamang pagdaloy ng kuryente sa dibdib ko. Kingina naman! "Hm. You like beef right?" Pagsasalita niya, nag angat ako ng tingin. "How about.. Beef broccoli, what do you think?" Kagat labing tumango ako. I couldn't help but smile. I love that!
"This is the first time I saw you smiling. I like it. You're so gorgeous." Namamanghang tumitig siya sa'kin. "I can see you smiling but your smile is really different now, because I know it's true." Nag init ang pisngi ko kaya napaiwas ako ng tingin.
Narinig ko ang matunog niyang ngiti bago siya nag tungo sa likuran ko. Sinilip ko muna siya bago ko nagawang kagatin ang ibabang labi. Napahawak ako sa dibdib ko. Stop beating so fast! Damn it!
Sumandal ako sa mesa at pinagmasdan siyang nagluluto. I couldn't help but admire his every move. Sa tuwing lilingon siya sa'kin, mabilis akong yuyuko at magkukunwaring hindi siya tinititigan. Mag iinit ang pisngi ko dahil maririnig ko nalang ang mahinang tawa niya. Tapos makikita ko nalang ang sarili kong ibabalik ang mata sakanya.
Napaayos ako ng tayo nang bigla niya akong tawagin para ipatikim ang niluto niya. Umirap ako nang makita ang pag angat ng sulok ng labi nita. This idiot really enjoys it when he sees me like this.
Mabilis akong natungo dahil sa kagustohan matikman ang luto niya. Inabot niya sa'kin ang kutsara. Nag aalinlangan pa akong hawakan iyon kaya siya na ang naglagay sa kamay ko. Nakangiting nilahad niya ang niluto niya.