SEVEN

4 1 0
                                    


When I arrived at the apartment, I immediately looked for medicine because I was feeling worse. Then I quickly went straight to the bathroom. 

Sinuot ko ang damit na nasa itim na kahon. Humarap ako sa salamin, nakita ko kung gaano kahubog ang aking katawan sa suot ko. Sumilaw ang aking kaputian, wala ng bahid na kahit anong kumakalat sa'king kabuohan. Itinali ko ng buo ang aking buhok kung saan nakikita ang mala asul kong mga mata. Ang matang nagpapatunay kung ano at sino talaga akong tao. Nag suot ako ng contact lenses na kulay kayumanggi. Kailangan ko pa ring itago ang bagay na ito.

"Light?" Bungad ng kabilang linya.

"Hurry up."

"Easy woman! What was the rush? Is there a date? I haven't even invited you yet."  I rolled my eyes.

"You pissing me off, Black. I want to finish it already."

"Oh puso mo! Wala pa sa'kin." Sabay tumawa siya. Tss! "Anyway, nakarating na sa Plipinas ang pinadala ni Rickeyo. She is now in Manila."

"She.." Kunot noong bigkas ko.

"Yes.. Her name is Zeaya Vein Monte."

"Walang anak na babae si Rickeyo." Napamewang ako at nagpatuloy sa pagsasalita. "Kung gugustohin niyang mag ampon. I'm sure that it's a boy. Kung anak nga talaga niya ang babaeng iyan. Hindi naman niya siguro hahayaang mapahamak ang anak niya. Lalo na kung babae." I sat on the bed, waiting for him to say something. Depende nalang kung kagaya ko siya.

"I know.. But can you just listen first? Ano pa ang silbi ko rito kung pinangungunahan mo ako." Inis na aniya. Mahina akong natawa."Stop laughing.. I'm falling."  Natigilan ako. Loko talaga ang mukong na ito."Ganyan nga.."  He laughed for a moment before speaking seriously."Zeaya Vein Monte, the adopted child of Rickeyo Monte. She's 19 years old." Napailing ako. Kaedad ko pa talaga ang kinuha mo, Rickeyo. "Nakita ni Rickeyo si Zeaya sa isang isla rito sa Pilipinas. Nawala ang alaala ni Zeaya kaya nagpanggap si Rickeyo bilang ama-

"Okay okay. I get it." At binabaan ko na ng linya.

Nakangisi kong tiningnan ang screen ng cellphone ko. Siguradong nag init ang ulo ng loko. Ayaw niya kaseng pinuputol ang sinasabi niya lalo na ang basta nalang binababaan.

Habang naghihintay ako ng oras. Iniisip ko ang maaaring plano ni Rickeyo. Sigurado akong palabas lang ni Rickeyo ang nakalap ni Black na impormasyon. Dahil ang katulad ni Rickeyo ay hindi basta-bastang namumulot nalang, lahat ng ginagawa niya ay nakaplano.

Sumilip ako sa bintana, medyo madilim na ang kalangitan. Nagbaba ako ng tingin sa wrist watch bago ulit pumasok sa loob ng kwarto. Sinuot ko na ang bag pack, nakalagay doon ang mga kakailanganin ko. Bago ako umalis sa kwarto.  Dina-dial ko ang number ni Black.

"Hello babe? Napatawag ka. Did you miss me?"  Nahihimigan ko ang pang aasar niya.

"The fuck Black!"  Walang ganang sambit ko na kinatawa niya lang."I want my Sylent. Don't give me a car."

"Hindi ka na malambing, Light. Nagbago ka na." Pagdradrama niya. "Eh! Bwisit ka kase!" Biglang naiinis niyang sambit. "You put down the call right away! It's already in front of your apartment. Kani- Pinutol ko na ang tawag. Daming sinabi..

Made Of Lies (Blue Series) ONGOINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon