Prologue
Katrina's POV
"I pronounced you husband and wife. You may now kiss the bride." Nakangiting wika ng pari sa harapan namin. Lumakas ang tibok ng puso ko habang nakaharap sa lalaking pakakasalan ko habang dahan-dahan niyang inilalapit ang mukha para halikan ako. Ako nama'y nakapikit na at sinalubong ang mga labing patungo sa akin.
Kasabay ng paglalapat ng mga labi namin ang isang masigabong palakpalakan at malalakas na hiyawan ng mga tao sa simbahan. Napuno ng saya ang puso ko habang unti-unting napuputol ang halikan naming dalawa. Pero biglaan nalaman akong napaatras sa gulat ng makitang hindi naman pala si Kiev ang lalaking pinakasalan ko.
Nakangisi lang siya sa akin habang ako nama'y kunot-noo lamang na nakatingin sa kanya. Hindi ko maaninag ang mukha ng lalaking nasa harapan ko pero may pakiramdam akong kilala ko siya.
Nagising nalamang ako sa nakakabinging tunog ng aking orasan. Agad kong nasapo ang ulo ko sa aking pagbangon habang inaalala ang napanaginipan ko kani-kanina lang. Mariin kong ipinikit ang mga mata ko at unti-unting pinadausdos ang mga kamay pababa sa puso kong sobrang lakas ng tibok.
Lumingon ako sa kanan ko kung saan nakapatong ang aking orasan at pinatay ito. Kinalma ko muna ang sarili sa pamamagitan ng paghinga ng malalim. Panaginip lang iyon. I shouldn't be bothered by it. Kaya imbis na isipin pa 'yon ay kinuha ko na lamang ang aking cellphone sa katabi ng orasan at binuksan ito.
Bigo akong napabuga ng hangin ng makitang wala man lang kahit na isang mensahe o missed call galing kay Kiev. I've been worried for three days na hindi siya nagpaparamdam. Alam ko namang busy siya dahil sa mga inaasikaso niya doon sa US with his family eh pero kahit man lang itext niya ko diba? Mahigit na isang buwan na siya doon at isang buwan narin kaming halos walang matinong communication. Masyadong siyang nagpapamiss eh miss na miss ko na nga siya.
What's worst is that, hindi ko man lang alam kung kailan iyong balik niya. Bago ako tumungo sa banyo para maligo ay minessage ko na muna siya para batiin at kamustahin. After doing my morning regimen, I head out of the room at dumiretso sa sala.
Nakapagtataka at walang tao. Nasaan na sila? Ang aga naman ata nilang umalis. "SURPRISE!" Napaigtad ako sa gulat ng bigla nalamang silang sabay-sabay na nagsulputan mula sa gilid ng aparador.
"Good morning ate!" Bati sakin ni Kathleen, ang nakababata kong kapatid.
"Bakit ma? Anong meron?" Takha kong tanong sa mga magulang kong tatawa-tawa lang habang nag-aakbayan. Hindi ko naman birthday ah. Hindi sila sumagot pero nasagot ang mga katanungan ko sa paglabas ng isang nakangiting lalaki mula sa pinagtaguan nila kanina.
"Oh my gosh, babe!" Agad kong tinakbo ang pagitan naming dalawa at niyakap siya ng sobrang higpit. Natupi ang bouquet ng mga rosas na dala niya. Bahagyang napaangat ang mga paa ko dahil sa pagyakap niya sakin pabalik. "Hindi halatang namiss mo ko ah." He chuckled and kissed the side of my head.
"I miss you so much." Mahina kong sabi sa kanya saka niya ko binaba. "I missed you more." Inayos niya muna ang mga bulaklak bago binigay sa'kin. "For you."
Dahil maaga pa non ay doon na kami kumain ng breakfast sa bahay with my mama and papa. Pagkatapos ay siya na ang naghatid sakin papuntang opisina. "So how's your stay in the US?" Panimula ko sa kanya. "It was fine babe. Palagi akong puyat doon kasi minadali ko lahat ng trabaho ko. I don't want to stay there for too long." He answered. Saglit niya kong sinulyapan bago muling binalik ang tingin sa kalsada. "How about you?"
"Walang araw na hindi kita namiss. Every second I always think of you." Diretsa kong sagot. Napahalakhak naman siya dahil sa sinabi ko sabay pamumula ng mukha. "I did not expect you'd be this honest babe. Tama lang talaga na nauna akong bumalik."
"So your parents are still in the US? Sana ay sumabay kana lang sa kanila." Sabi ko sa kanya.
"Why? I thought you super missed me?" He pouted like a cute little kid.
"Of course babe. I miss you so much pero pamilya mo sila." I explained. Binitawan ng isang kamay niya ang manibela para hawakan ang kamay ko. Pinagsaklop niya iyon at itinaas sa labi niya para mahalikan.
"Don't worry. Si mom pa nga ang nagsabi na mauna nalang ako. Besides hihintayin pa nilang matapos si Kiel sa mga inaasikaso niya bago bumalik dito."
Tatlo ang dahilan bakit nagdecide na pumuntang US ni Kiev with his parents and it's because of business, his brother Kiel's graduation and lastly to convince Kiel to come back here and stay for good.
"Kiel? You mean babalik na siya dito?" I asked and he nodded.
"Yes. Dito na ulit siya titira." Tipid niyang sagot. Hindi nako nakapagtanong pa ulit. Hindi ko alam bakit ako kinabahan bigla.
I'm still not ready to see him.
"Thanks babe. Mag-iingat ka sa pagmamaneho ah." Habilin ko sa kanya saka siya hinalikan sa pisngi. "Take care babe. Call me pag magpapasundo kana. I love you."
"I love you too babe." Then he gave me a quick kiss. Bumaba nako at kinawayan siya bago tumalikod para maglakad papasok ng building.
"Hi bez! Bumublooming ka ah!" Pagkapasok na pagkapasok ko palang ng office ay matinis na boses na kaagad ni Riza ang bumungad sa akin. She's my workmate as a fashion designer here in Silver Apparel Company. At siya yung pinakamaingay na taong kilala ko. Kung di ko lang bestfriend 'to kanina ko pa binalot ng duck tape ulo nito.
"Kailan bako hindi blooming?" Pabiro ko namang sabi sa kanya saka nilapag ang mga gamit sa table ko at naupo. Agad kong kinuha ang laptop ko at sinimulan na ang trabaho. I want to finish this early para makapag-freshen up ng maaga mamaya.
Si Riza naman ay pinadulas ang swivel chair niya patungo sakin at sinilip ang mga slides ng designs na nagawa ko. "Malapit na palang matapos yung gown na pinapadesign sayo?" Rinig kong tanong niya na tinanguan ko naman.
"Malapit na yung debut ng anak ng boss natin. Kaya kailangan na 'tong matapos kaagad. Alam mo naman ugali non." Pabulong ko ng sinabi yung huling linya at baka may makarinig pa sa amin. Sa lahat ng naging cliyente ko sa kanya ako pinaka-nachallenge. Kakaiba kasi yung preferences niya. May pagkaspoiled kaya kailangan perpekto ang lahat kundi bubungangaan ka talaga ng wala sa oras.
Humagikhik lang si Riza sa sinabi ko at bumalik na sa pwesto para tapusin ang kaninang ginagawa.
Just like some ordinary days, babad sa trabaho. Every break nagtetext kami ni Kiev. Pero tatlong message lang ata ang natanggap ko sa kanya ngayong araw.
From Babe: Eat your lunch wag kang papagutom. I love you. Sundin kita mamayang 5:00. We'll have dinner together.
Siguro ay busy na naman siya kaya hinayaan ko nalang ang message na iyon. It's already 5 at saktong nasa labas nako para abangan siya. Usually pag sinasabi niyang susunduin niya ko ng alas singko ay 4:30 palang nakatayo na siya rito at naghihintay. So weird. Nasaan na kaya yon? Na-traffic kaya siya?
Ilang saglit lamang ay may humintong itim na sasakyan sa harapan ko. Dumausdos ang bintana nito sa back seat at bumungad sakin ang mukha ni Kathleen na tarantang-taranta. Agad akong kinabahan dahil sa nakita kong reaksyon sa mukha niya.
"Ate bilis! Si kuya Kiev na-aksidente!"
BINABASA MO ANG
I Will Be Here For You (Completed)
Cerita PendekSYNOPSIS Katrina Belmonte had almost nothing else to wish for. She's been blessed with almost everything; family, friends and a love of her life, Kiev Montecilla, her fiancé and the only guy she promised to spend her life with. Para sa kanya, wala n...