Jhinalyn’s POV
Nasaan na ba kasi yun? Nakakainis naman oh! Napuntahan ko na ata halos lahat ng mga course building eh.
Hala ka! Ayan kasi.... isa pa tong bwis*t na ito eh. Ang daldal.
Tumahimik ka ngang konsensya ka at baka masapak pa kita ng wala sa oras.
Bulaga!!
Ay p*tang gala! Ho –hoy? Ireready ko na sana ang kamao ko kung hindi lang niya ako inakbayan
Alam mong Tomboy ka, kung saan saan ka nagpupupunta. Alam mo ba kung anong oras na ha?
Tinignan ko naman ang relo ko. At sabing 1:37.
Ay may tang* dito oh.. naka drugs ka ba? Mukang wala ka sa katinuan eh. Sabagay, kailan ka ba naging matino? At dahil sa sinabi niya ay bigla akong nabalik sa huwisyo ko.
Walang hiya kang Bakla ka! Ang kapal ng mukha mong hindi magparamdam!! May pa walk out walk out ka pang nalalaman jan ha!!! Bawat salitang sinasabi ko sa kanya ay may katumbas na batok. Bilangin niyo na lang kung ilan tapos sabihin niyo sa akin.
Ouch! Ouch! Stop hurting me... at abah! Anong nakain mo at naka-english ka ngayon ha? Ha?! Sige lang, sige! Heto pa, napaka walang hiya mo! Alam mo bang kanina pa kiya hinahanap ha?!! kanina pa ako nababaliw kahahanap sayo!
Bigla na lang nagbago yung expression ng mukha niya kaya napatigil ako. At nagulat na lang ako sa sunod niyang ginawa. Hinaplos niya yung kaliwang pisngi ko, sabay sabing
Ssshhhh.... its okay. Stop crying. Bulong nya sa akin habang nakayakap. Stop crying? at kelan pa ako umiyak sa harapan niya??
Huh? Ano bang pinagsasasabi nito? Parang may pinunasan siya sa pisngi ko at pinakita. Huh? Bakit basa yung pisngi ko? Hindi naman ako umiiyak ha?
Naiintidihan ko. Wag kang mag-aalala, nandito naman ako palagi eh. Sabay tawa niya ng malakas kaya sinapak ko ulit. may nakakatawa ba? sabihin niyo nga sa akin ng magkaalaman.
Alam mo ikaw na bakla ka, tigil-tigilan mo mga pinaggagagawa mo ah. Bwiset ka! Para kang praning!! Sigaw ko sa kanya.
At ano ba tong pinahid mo sa mukha ko ha? Nakakadiri ka!! Tumawa na naman po ang bakla. wala na atang katapusan ang pagtawa niya.
Wahahaha... ahaha..ha-ha..hahahaha...... tinitignan ko lang siya habang tumatawa. Parang tang* lang.
Ok.. ok... kagagaling ko lang kasi sa CR eh. Wooh! Grabe pinagpawisan nga ako eh.
Oh sh*t. Yuck! Nakakadiri ka.. lumayo layo ka nga sa akin.
Annabelle’s POV
Yahoo... I got a high rate. Sino ba naming hindi diba? Ang astig lang naman kasi nung akin.
Bweset! Lumayo-layo ka nga sa akin... nakakadiri ka! Kanina ka pa ah! ArghJhinalyn
Ang arte mo men! Parang hindi ka tumatae ah.. at kung maka nakakadiri ka naman, feeling mo babae ka. En-jhay
Bakit hindi ba?? Jhinalyn na mala dragon na ang itsura
Weh? Ikaw babae, di nga? Hindi halata. Kalian pa? Bwahaha..... mala demonyong tawa ni En-jhay
Bweset kang bakla ka! Mamatay ka nnaaaaaaa....... exxage na sabi ni Jhinalyn
Ano na naman bang pinag-aawayan niyo ha? Wala ba kayong balak tumigil.. ang sakit niyo sa ngalangala!! sigaw ko din sa kanila. Palakasan ata ng sigaw eh. Hindi ba nila nakikitang nagdiriwang ako dito tapos sila away ng away. My ghad! Nakakaubos ng boses.
Hindi pa ako pwedeng mamatay! Sigaw ulit ni En-jhay na parang wala akong sinabi.
Wapake! Basta mamatay ka ng bweset ka! Jhinalyn na naghihisterical na ata.
Lakas ng loob magsigawan ng mga toh. Hindi na nahiya sa akin.
Hindi ba kayo nahihiya sa akin? Para sabihin ko sa inyo, nasa loob kayo ng pamamahay ko!
WAPAKE!! Sabay naman nilang sabi. Mga... mga.... mga kaibigan ko nga sila. Makakapal ang mukha eh. -_-
Ang kapal ng mukha mo. Wag mo nga akong ginagaya! Sigaw ulit ni Jhinalyn
Hindi kita ginagayang tomboy ka. Mas makapal ang mukha mo. Sigaw naman ni En-jhay.
Wala kang karapatan! Sabi ni Jhinalyn a.k.a. tomboy
May karapatan ako! Sabi naman ni En-jhay the gay
oh sige! maiwan ko muna kayo dito. magsawa kayo kakaaway!! ugh! umalis na ako sa SARILI kong kwarto, baka kasi nakaka istorbo ako sa KANILAng dalawa. Psh!
En-jhay’s POV
Bweset kang bakla ka! Mamatay ka nnaaaaaaa.......sigaw nung bakla sa kabilang kanto – este ni Jhinalyn pala
Nakuuu! Naku! Hindi pa nga ako nakakapagpakilala eh, sigaw siya ng sigaw. Hindi tuloy ako makasingit dito. Hai chicks! Ako nga pala ang pinaka gwapo sa balat ng lupa. Ehem! Ehem! I’m En-jhay, ang nag-iisang bakla sa buhay ng aking minamahal na si Jhinalyn.
Hindi pa ako pwedeng mamatay! Kasi hindi ka pa nagiging akin. L
Wapake! Basta mamatay ka ng bweset ka!Hanggang kalian ka ba magiging harsh sa akin?
Hindi ba kayo nahihiya sa akin? Para sabihin ko sa inyo, nasa loob kayo ng pamamahay ko! Si Annabelle po iyon, na nandito pala. Hindi ko siya ramdam eh. Kay Jhinalyn lang naman kasi talaga ako may nararamdaman.
WAPAKE!! Sabay naming sigaw ni chika babe ko. Meant to be talaga kami
Ang kapal ng mukha mo. Wag mo nga akong ginagaya! Hindi kita ginagaya, sadyang compatible lang tayo sa isa’t isa.
Hindi kita ginagayang tomboy ka. Mas makapal ang mukha mo. Totoo naman diba? Mas makapal siya.. meron na nga siyang puso, pati yung akin inaangkin pa! Hindi na nahiya!!
Wala kang karapatan! Meron! Meron Jhinalyn! Meron, kung bibigyan mo ako.
May karapatan ako! Balik sigaw ko din sa kanya. May karapatan naman talaga ako, sadyang ayaw ko lang mailang ka at maging iba ang pakikitungo mo sa akin.
Bakit ba kasi ang sarap magmahal, pero sobrang sakit namang masaktan. Tangn*ng sakit eh, tagal gumaling. Hidden love? Yan ako. Nagmamahal ng patago. Hindi ko maipakita sa kanya na gusto ko siya, kasi natatakot ako. Natatakot ako na baka lumayo siya sa akin. Lumayo ang taong mahal ko. </3
BINABASA MO ANG
So this is how it feel (Completed)
HumorThis story is about a girl na sinaktan at pinaiyak ng kanyang mahal-- her boyfriend. Sobra siyang nasaktan to the point na gusto niya siyang kalimutan at iparamdam din sa lalakeng nang-iwan sa kanya na masakit pala. Gusto niyang iparamdam sa lalake...