Paraiso
CHASTY --
"Keyven! Chasty!!" boses iyon ni Chase. Sobrang nanghihina na ako,at ang paghinga ko ay mahirap na din,ang init init ng buong paligid at parang napapaso na ang aking balat. "Tulungan nyo ako dito dali! Mas lumalaki na ang apoy!"
Nakarinig ako ng mga yabag. Pinilit kong idinilat ang mga mata ko. Nasa ibabaw ko pa din si Keyven at parang wala ng buhay. Ginagap ko ang kamay nya at hinawakan ng mahigpit.
"C-chase,u-unahin nyo s-si Ke-keyven." sabi ko na pinipilit huminga. Dahan dahan akong binuhat ni Chase,nilingon ko si Keyven,si Jaigo at Kyrian ang bumuhat sa kanya.
"Huwag ka ng magsalita. Magpahinga ka lang pero huwag kang matutulog please." ani Chase at naglakad na,ang laki na nga ng apoy,nilingon ko ang kwarto at nakita kong nakahandusay si Ky. Tumulo ang mga luha ko,kung sana hindi humantong sa ganito ang lahat.
Pinilit kong huwag makatulog ng ipasok kami sa ambulansya. Gusto kong makita si Keyven,gusto kong hawakan ang mga kamay nya,gusto kong maramdaman at malaman nyang nandito ako at hindi sya iiwan. Kung bakit ba naman kasi iniharang nya ang katawan nya eh! Hindi naman sya si Superman para hindi tablan ng bala ng baril.
Gising pa din ako hanggang ibaba kami sa ambulansya,ng ipasok kami sa ospital ay nilingon ko si Keyven na nasa stretcher din niya. Gusto kong hawakan ang mga kamay nya.
At ng maipasok kami sa ER,habang abala ang mga duktor at nurse ay pilit kong inabot ang kamay ni Keyven. Nang mahawakan ko iyon ay nakaramdam ako ng satisfaction at kaginhawaan.
"Lumaban ka Keyven,mabuhay ka at pipilitin ko ding lumaban,hinihintay ka ng anak at buong pamilya mo." sabi ko sa aking isipan. At kasunod nun ay ang aking pag pikit.
Hindi ko alam kung gaano ako katagal na walang malay. Pero tuwing nagigising ako at pinipilit na ibuka ang aking mga mata ay hindi ko magawa,maging ang ikilos ang aking katawan ay napaka imposible. Naririnig ko sila,sina Papa,Mama,Chase,si Chael at ang buong tropa. Gusto kong malaman nila na nadidinig ko sila,pero paano? Pakiramdam ko ay paralisado ang buong katawan ko.
May mga pagkakataong kinakausap nila ako,gusto kong sumagot pero sa sariling isipan ko lang nasasabi ang gusto kong sabihin sa kanila.
Ilang beses na ba akong na ospital at kamuntik mamatay? Siguro ay masamang damo ako kaya pinapahirapan ako ng ganito? Masama nga siguro ang maging bakla. Kung hindi ba ako naging bakla ay hindi ko dadanasin ang ganito? Ang sabi walang ginawang Bakla at Tomboy ang Diyos? Pero ano yung sinabi ni Exian noon sa klase nung una kaming magkakilala? Yung tungkol kay David at Jonathan? Hindi ba totoo iyon?
Ang dami ko ng pinagdaanan,at ito na nga siguro ang huli kong hantungan. Makakasama ko pa kaya ang pamilya ko? Ang tropa? Si Keyven?
Si Keyven? Nasaan sya? Maayos kaya sya? Ligtas kaya sya? Sana kung tuluyan na akong kukunin ng Diyos ay buhayin nya si Keyven.
Naalala ko ang nangyari. Kahit sa bingit ng kamatayan ay hindi ako iniwan ni Keyven. Mahal na mahal ko sya,at sa dami ng tinamo nyang tama ng baril ay ang tanging hiling ko na lamang ay mabuhay sya at magpatuloy.
Ako,masaya na ako,dahil kahit saglit ay nagkasama kami ni Keyven,napatunayan namin sa isa't isa ang aming mga damdamin,at nakilala ko ang pamilya ko,pwede na siguro talaga akong mamamaalam. Kung baga,nagampanan ko na ang role ko bilang kasintahan,anak,kapatid,tito at kaibigan,dun pa lang panalo na ako. Dun pa lang nakamit ko na ang matagal ko ng gusto.
BINABASA MO ANG
Rebel Heart! (boyxboy) - COMPLETED!
General FictionLumaki si Keyven Montenegro sa isang pamilya/clan na open sa same sex relationship. Nasaksihan nya ang mga ito habang lumalaki sya at hindi nya maintindihan kung bakit ganon. Kaya pinangako at isinumpa nyang hindi gagaya sa mga tito nya na pumatol s...