MY DREAM COME TRUE
By:Dianne (dada of Girls History)
"Kyaaaaahhhhh.....kyaaaah...kyaaaah "
Ganyan nalang lagi ang maririnig mo sa mga babae tuwing dadaan ang superstar namin dito sa school na si PJ. In short , sya ang hearthrob dito sa school.
Dahil hindi ko na kinaya ang mga tilian nila, lumabas nalang ako ng classroom....Para na kasing gustong humiwalay ng tenga ko at magtatakbo.
Lumakas lalo ang tilian nila dahil may inilabas si PJ na tatlong magagandang rosas (siguro naman alam niyo na ang ibig sabihin ng tatlong rosas).Lalo ko pang binilisan ang lakad ko nang biglang may humila sa kamay ko!.
"Aray!!" bulong ko . Para kasing mapuputol ang kamay ko sa sobrang pagkabigla at paghila sa akin....OH MY GOSH! si PJ ang nasa harap ko..hindi ako makagalaw . Lumakas lalo ang tilian nang iabot sa akin ni PJ ang mga rosas. Hindi ko alam kung kukunin ko ba o hindi.. kakahiya kaya!!
"Kunin mo na!!"
"Kunin mo na!!"
"Kunin mo na!!" Yan ang sinisigaw ng mga classmate ko.
Sa sobrang kilig ko, kinuha ko agad ang bulaklak...nakakapanghinayang kaya :). Nagulat din ako nang bigla siyang nagsalita at hawakan niya ang kamay ko..
"Everytime i see you , my heartbeat become faster.. and when you're not around, i always find and think where you are , i love you kim, and i think i was fall inlove with you..Can i court you??" sabi niya
Sasagutin ko na sana ang tanong nya nang biglang may sumigaw...
"KIM GISING NA!!! TATANGHALIIN KA NA NAMAN SA PAGPASOK EH!!"
yan ang mama ko
"Ma naman eh! ang ganda na nga lang po ng panaginip ko, ginising nyo pa ako!" reklamo ko
"Hay bata ka, kaya lagi ka nalang nahuhuli eh., nag-aalarm ka nga pero naka-off naman...ewan ko ba sa iyong bata ka! sige kumain ka na!!" sumbat ni mama
Nang matapos akong kumain , may 1 message akong nareceived..
From:Best Ela
[Best dalian mo , nandito na ako sa may Gate ng school, hintayin nalang kita... malapit ng dumating si PJ!] yan ang sabi sa text.
Sa sobrang pagmamadali ko , hindi ko na nareplayan si best, baka kasi hindi ko maabutan si PJ..At ng nakabihis na ako , nagpahatid na ako sa driver namin.
"Kuya pakibilisan po ang pagda-drive ah, mahuhuli na po ako eh! " sabi ko sa driver namin
"Sige po ma'am" sabi ni kuya driver
At nang makarating ako sa school, nakita ko si Best nakatayo sa may gate.