CHAPTER 1- THE BATTLE OF THE BRAINS

59 3 0
                                    

"C'mon Shekiah, its almost 9 malalate na tayo" sabi ko habang hinahatak ko siya papunta sa room 4 which is room namin.

"Wait, huwag mo akong hatakin" sabi niya kaya napabitaw ako sa kamay niya at sabay na kaming naglakad.

"Omg ang galing niya"
Oo nga! He's a different guy and i really idolize him"

Nabigla kami ng madaming tao ang nagkukumpulan sa Room 3 at karamihan sa kanila ay mga babae.

"Teka saan ka pupunta?" Tanong ko kay shekiah. "Makiki-eshoso lang" sabi niya sabay silip sa bintana kaya wala akong magawa kundi ang gayahin siya. Curios din kasi ako.

"Omg" bulaslas ko ng makita ko kung ano yung pinagkakaguluhan nila.

"My god! The battle of the brains!" Sigaw ni Shekiah habang nanonood kami. Paano ba naman eh yung matalino na studyante sa IT building which is Keiron ay nakikipaglaban ng patalinuhan sa transferee Guy na echos Mr. Programmer daw pwe!

"Mark I, was invented by Dr. Howard Aiken. It is the first operating machine that could perform long computations automatically. It could execute addition and subtraction in a second, multiplication in six seconds, division in 15.3 seconds and logarithm together with the trigonometric functions in over one minute" sabi nung transferee na aka Mr. Programmer daw. Marami ang naghiyawan kabilang na rin ang nanonood sa labas na pinangungunahan ni Shekiah Mendoza. Oo siya pa yung naghihiyaw na parang nanalo sa lotto.

"ENIAC or electronic Numerical Integrator and Computer (1946), it was develop by John Mauchly and J Presper Eckert. Its was the first general purpose electronic computer which was made up of vacuum tubes. It was used to process one problem at a time" sabi naman ni Keiron na animoy hindi papatalo.

"Teka? Mga Early Developments in Electronic data processing/ computer ba yung pinagsasabi nila?" Tanong ko kay Shekiah kaya napairap siya. "Hindi ako genius girl para masagot ko yang katanungan mo" sabi niya kaya napangiti ako sa reaction niya.

Grade 7 kasi ako ng matalakay yan ng teacher ko sa IT subject namin. Kasali pa nga diyan yung UNIVAC ba yun? Ewan na kalimutan ko na.

"Universal Automatic Computer or UNIVAC in 1951" napalingon ako ng madinig kong sabi nung transferee kaya doon ko napagtanto na about pala sa Electronic Data yung topic nila.

"It is first commercially available computer that could perform about 1,905 operations per second running on a 2.25 Megahertz clock. The complete system occupied more than 35.3 m squared of floor space" sabi niya kaya nagpakpakan nanaman yung mga kababaehan.

Napapikit nalang si Keiron at tila naiinis sa nakalaban niya. "Hinahamon mo talaga ako" sarkastikong saad niya sabay ngiti ng nakakaloko.

"No I'm not. I'm just reminding you na kung ano yung kaya mo, kaya ko rin at pwede ko pang mapantayan" sabi nung transferee sabay ngiti.

"Ang yabang mo! May araw karin sa akin!" Sigaw ni Keiron at padabog na umalis sa room nila kaya napatingin ako doon sa transferee at nakita ko siyang nakangiti habang nakatingin sa akin kaya napairap nalang ako.

"Tara na Shekiah. Delikadong mag stay diyan. Malakas yung hangin sa kahambogan baka matangay tayo" pagpaparinig ko at agad na kaming pumasok sa room namin.

THE GUY THEY CALLED, Mr. ProgrammerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon