CHAPTER EIGHTEEN

178 26 1
                                    

Pito at langitngit ng mga sapatos ang maririnig sa buong gym, isama mo na rin ang tilian at sigawan mula sa mga nanonood. Saktong pagpasok ko ng gym ay break kaya medyo tumahimik at medyo nahawan ang gym dahil yung ibang nanonood ay nauhaw ata at bibili ng tubig at pagkain sa labas.

"Ang guwapo talaga ni Wu," kinikilig na sabi ng nakasalubong kong bakla sa kasama niya.

"Mas guwapo si Villegas," buwelta naman ng isa

"No, si Casa."

Hindi ko sila pinansin dahil wala naman akong kilala sa mga binabanggit nila.

Agad na hinanap ng mata ko si Albus at saktong nakita ko siya at mukhang may hinahanap hanggang sa mapadako sa pwesto ko ang mga mata nya. Nang nakita nya ako ay bahagya niyang itinaas ang kamay niya para kumaway saka ngumiti. Kumaway naman ako ng bahagya pabalik at lumapit na sa pwesto nya.

"Sorry late ako biglaan kasi," saka ako alanganin na ngumiti baka kasi mamaya tapos na pala ang laro. Kainis kasi si Glen, hindi ako paalisin ng bahay dahil wala daw si Kuya.

Okay lang, hindi pa naman tapos," saka sya ngumiti. Napadako ang tingin ko sa jersey niya na basang-basa ng pawis. Hot!

Panandalian siyang tumalikod sakin para kuhanin ang bote ng tubig sa may bleacher. Pinanuod ko ang pagtaas-baba ng adams apple niya habang umiinom pati na rin ang pagbaba ng tubig mula sa bibig nya pababa sa leeg.

Napapalunok rin tuloy ako sa bawat paglunok niya. Tapos bigla siyang tumingin sa direksyon ko kaya agad akong nag-iwas ng tingin. Inaakit niya ba ako?

"Magsisimula na ulit to ng ten minutes," mahinang bulong niya sakin matapos ang mala-commercial nyang pag inom.

"Umupo ka na muna," dagdag niya pa.

Pinaupo niya ako sa upuan niya as player. Harap na harap talaga ako. Medyo kinikilig naman ako. Eto yung pwesto ng mga girlfriend ng players e.

"Hey what's wrong?" napaangat naman ang tingin ko kay Albus nang tanungin nya ako

"Ha?"

"You're smiling," nakangiti niyang puna. Umiling lang naman ako pero pilit niya pa ring tinatanong sakin kung bakit. In short, nilalandi nya ako. Sa pagtalikod niyang muli ay saka ko lang napansin ang jersey niya. Wu number 12. So siya pala ang Wu na tinitilian ng bakla na kasalubong ko kanina. Well, may taste ang bakla na 'yon. Pogi talaga ang Albus ko, no.

Nagsimula na ulit ang game. Hindi ako fan ng basketball, hindi rin ako mahilig manood kaya wala akong alam kung foul na ba o rebound kaya napapapalakpak na lang ako kapag makaka-shoot si Albus o kahit sino sa team nya. Hindi ko rin ugali mam-'boo' kapag kalaban ang tumitira pero I really enjoy watching this game.

Natapos ang laro na talo sina Albus by 1 point lang naman pero nakangiti siyang lumapit sakin. Inabot ko naman sa kanya yung gatorade na bagong bili ko sa labas. Naubos na kasi yung iniinom niya kanina. Feeling girlfriend ako ng abutan ko rin siya ng towel. Not really a bad idea kung ako ang magpunas ng pawis niya. Napangiti ako sa aking naisip.

"Thanks," sabi nya pagkatapos uminom.

"Galing mo," I told him while smiling.

"Thanks. Talo nga e," sabi nya habang nakatingin sakin. I find it cute when he put his right hand in his nape na para bang nahihiya siya sakin. I smiled at him and he stared at me that made me feel so awkward. Hinihigop na naman ng magaganda niyang mga mata ang katinuan ko.

"Okay lang yun. I enjoyed watching your game."

"Hmmm I enjoyed the game too," halata naman na nag-enjoy nga siya sa laro kasi kahit talo sila nakangiti pa rin siya. Saka ang gaan kasi ng galaw niya sa loob ng court kanina.

"'Cause you're watching," dagdag niya pa sa sinabi niya. Naramdaman ko ang pagkalat ng init sa pisngi ko. Letse.

------------

Kagaya ng plano nanood kami ng sine after. Medyo nahihiya pa akong sumabay sa kanya kasi sobrang gwapo niya talaga kahit ang sobrang simple lang ng suot niya. Faded maong jeans, black v-neck shirt and navy blue casual slip-on shoes.

After manood ng sine kumain kami sa isang fast-food pagkatapos naglaro kami ng arcades. Typical date sabi niya. Date.

Hindi niya na ako hinatid sa bahay kasi ayoko saka baka kasi makita pa ni Kuya baka magalit pa 'yon, medyo madilim na rin kasi.

Pagkapasok ko ng kwarto, nakareceive ako ng text mula kay Albus, na sabi niya Alby na lang daw kasi parang ang tanda na daw kapag Albus.

From: Alby 💕
Hey, you home?
7:07 pm

Nagtipa naman ako kaagad ng reply.

To: Alby 💕
Oo 
7:07 pm

From: Alby 💕
Napagalitan ka ba?
7:09 pm

From: Alby 💕
Nag-enjoy ka ba sa date natin?
7:09 pm

Malaki ang ngiting nag-reply ako sa kanya. Naalala ko na naman ang frustrated niyang hitsura nang wala siyang makuhag laruan sa catcher kanina.

To: Alby 💕
Hindi naman ako napagalitan. Wala pa si Kuya e.
7:11 pm

To: Alby 💕
Yes, nag-enjoy ako. Sobra.
7:12 pm

From: Alby 💕
Talaga? Then I'm expecting a next one?
7:14 pm

Impit akong tumili. Sinumping ko ang nagkalat na buhok sa likod ng tenga ko bago muling nagtipa ng mensahe.

To: Alby 💕
Sure.
7:15 pm

From: Alby 💕
Kristina, I like you. I really do.
7:15 pm

I'm shocked. Hindi ko alam kung anong gagawin ko. I stilled. Stucked. Shocked. Binasa ko ng ilang beses pero walang nagbago. Isang date pa lang pero gusto niya na raw agad ako.

Ang bilis naman ata?

Until the Last PageTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon