Nakatunghay ako sa malapad na dagat mula sa pinakamataas na lugar sa syudad na ito. Ilang taon ba ang dapat kong ilagi dito? Ilang taon pa? Ilang taon na naman? Kailan ba matatapos 'to? Kailan ba ako makakalaya? Kailan ba ang tamang panahong sinasabi nila?
"Anong iniisip mo?" nagising ako mula sa malalim na pag-iisip dahil sa boses niya.
"Wala naman, naiinip lang ako." Sabi ko at lumayo na sa malapad na bintana.
"Bakit hindi ka lumabas? Dati naman nagagawa mo 'yan kahit papaano. Hindi naman ako aalis dito." Sabi niya at pumalit sa kinatatayuan ko. Humarap ako sa kanya at tumitig sa likod niya.
"At ano? Lilipas ang ilang taon at lilipat na naman tayo sa takot na mapansin nilang hindi nila tayo kauri? Mas mabuti nang hindi nila alam na nandito tayo. Amiel, alam mong hindi ako malayang gawin ang gusto ko hangga't-" napatigil ako sa sasabihin ko. Masasaktan siya. Siya ang daan para makalaya ako. Siya, ang tanging lalaking hindi ko dapat mahalin ay siyang laman ng puso ko.
"Alam ko. Sorry." Sabi niya at humarap sa'kin. Nakikita kong nasasaktan siya. Pero alam naming dalawa na wala kaming magagawa.
Siya si Amiel, ang napili. Dahil sa pagkamakasalanan ng tao. Sa sunod-sunod na paglabag sa kautusan at paglaganap ng krimen, sa pagpili nila lagi ng mali at paglimot sa makapangyarihang Naglalang upang mapadali ang lahat. Ipinanganak si Amiel. At ako. Ako si Mara. Tagabantay.
Tumigil ang pagtanda ng aming mga katawan mula ng magkakilala kami. Siya ang dumating sa buhay ko. Anak ako ng mga simpleng tao sa pagkakaalam ko. Pero gabi ng February 21, 1934, may mga taong pumunta sa bahay at hinanap ang ina ko. Itinago ako ng ama ko sa bodega ng bahay namin pero ng marinig kong nag-aaway sila sa labas ay lumapit ako lalo sa pintuan at sumilip. Nakita kong nakaluhod na ang aking mga magulang at nakikiusap.
"Maawa na kayo, bata pa siya!" Pagsusumamo ng aking ama.
"'Wag kang mag-alala Aaron, hindi pa naman ngayon. Pero kailangan na namin siya. At ano ito? Alam niyong darating ang araw na 'to pero minahal niyo pa rin siya? Alam niyo kung ano siya!" sabi naman ng isang lalaking hindi pamilyar sa akin ang damit.
"Pero-" magsasalita sana ang aking ina pero sinampal siya ng babaeng nakatayo sa tabi niya.
"Esmeralda! Sa'yo siya ibinigay dahil matapat ka sa tungkulin mo pero ano ito?!" Sigaw niya pa sa aking ina.
"Ate, hindi niyo naiintindihan. Mabuti siyang bata. Mabait, masunurin at magalang. Hindi maaring mangyari na siya- hindi maari 'yang sinasabi niyo." Naguguluhan na ako sa mga naririnig ko noon. Wala akong kilalang kamag-anak namin, lalo na kapatid ng aking mga magulang. At isa lang sigurado ako, ako ang pinag-uusapan nila.
"Nasaan na siya? Alam niyong wala kayong magagawa. Panahon na para simulan ang paghihintay. Dapat na silang magsama-" Hindi ko na narinig ang sumunod pang sinabi ng lalaking pinakamatangkad dahil may biglang humatak at tumakip sa bibig ko.
"'Wag kang maingay at matakot. Ako si Amiel, ang kailangan mo lang gawin ay makinig sa akin." Sabi niya at unti-unting tinanggal ang pagkakatakip sa bibig ko ng kamay niya. Hinarap niya ako.
Magandang mukha ang bumungad sa'kin, napaka-amo at payapang tignan. Kasing tangkad ko lamang siya at hula ko'y kasing edad ko lang din siya.
BINABASA MO ANG
Execration (March 29, 1917)
Teen FictionThis story is pure fiction.. Tinry ko lang po to.. Please don't think satanista ako.haha